Caged
''Mommy?'' Namamanghang tanong ng isang batang babae.
Nakasuot ito ng dress at may hawak na manika. Nakalugay din ang kulot nitong buhok. Tumakbo ito sa gawi namin. Naramdaman ko ang braso ni Thiago sa beywang ko. Niyakap niya ang beywang ko at mas lalo pa akong hinila palapit sa kaniya. Ngumiti ito sa batang babae nang makalapit sa amin. Tahimik lang ako pinagmamasdan silang dalawa.
''Daddy, is that my mommy?!'' Dagdag pa ng batang babae at niyakap ang binti ko.
''Mommy!'' Natutuwang saad nito.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ako ang mommy niya. Naramdaman kong lumuwag ang yapos ni Thiago sa beywang ko.
Pinantayan nito ang batang babae.
"Daddy made a promise, remember?"
''He promised to bring mommy home, and we'd be whole again as a family; have you forgotten that, my daughter?'' Dagdag pa ni Thiago.
Umiling ang batang babae sa kaniya at ngumuso. ''No, daddy... is she really my mommy? Pero ang sabi po sa akin ni yaya... patay na po si mommy... that she's already in heaven.''
Tila hindi nagustuhan ni Thiago ang sinabi ng anak. Nakita kong humigpit ang hawak nito sa magkabilang balikat ng anak at nagbago ang kaniyang expression. Batid mo naman ang takot sa mga mata ng batang babae. Yumuko ito sa kaniyang ama.
''S-Sorry po...'' Sa mahinang boses sambit ng batang babae.
''Hindi pa patay ang mommy mo, Augustina! Do you understand me? Your mommy is not dead... she's here... buhay ang mommy mo at makakasama na natin ang mommy mo ulit. Hindi na niya tayo iiwan, magiging kumpleto na ulit ang pamilya natin.'' Saad ni Thiago sa anak.
Bumaling ito sa akin at hinawakan ang maliit na kamay ng anak. ''Zealia, this is Augustina, our daughter. She's been longing for so long to see her mother... she's been waiting for you to come home, and now that you're here, we'll be complete again as a family.'' Dagdag pa nito.
Bumitaw ang kaniyang anak sa kaniya at niyakap muli ang binti ko. Tumingala ako ng tingin kay Thiago at umiling sa kaniya.
''Thiago, hindi ako ang mommy ng batang yan... wala tayong anak na dalawa.'' Nahihirapang saad ko sa kaniya.
Maya-maya lang ay umiyak ang batang babae.
"Is Mommy upset with me, Daddy?" Naiiyak na tanong nito sa kaniyang ama.
Nagbago muli ang expression ng mukha ni Thiago. Tinawag nito ang yaya ng anak, na gulat na gulat nang makita ako. Para bang nakakita siya ng multo. Binilin ni Thiago ang anak sa yaya nito. Agad namang kinarga ng yaya ang batang babae at pinatahan ito.
Marahas na hinawakan ni Thiago ang aking palapulsuhan at kinaladkad ako papasok sa isang bakanteng silid. Binagsak niya ko sa may kama. Mas lalong dumilim ang tingin nito sa akin at marahas na hinawakan ang aking mukha. Halos bumaon na ang kaniyang mga kuko sa mukha ko.
''Anak natin si Augustina! Do you understand me, Zealia? She is our daughter! Now that you are caged here with me... I'll not let anyone ruin our family! We'll be complete again... ikaw, ako at ang anak nating si Augustina... magiging kumpleto na tayong tatlo.'' Wala sa sariling hasik nito sa akin.
Bumaba ang mga kamay niya sa balikat ko. Marahan niya iyong hinaplos at ilang saglit na yumuko.
''I knew it, my wife... you'll never leave me... don't do that again... huwag mo na kaming iwan ulit ng anak nating dalawa.'' Dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
The Curse of the Past (Fairytale Series 6)
General Fiction[NOT YET EDITED] Zealia Devanie Alfaro is one step closer to her dreams. She's a rising actress who, after years of working hard, finally has the opportunity to be the lead star under one of the best directors in the Philippines. But all of her hard...