Kabanata 34

1.7K 48 6
                                    

Presscon

"You're safe now, and it's all over." Saad niya muli sa akin.

''Tapos na ang pagtatago mo, Zealia.''

''Nahuli na ng mga pulis si Thiago. He can't harm you or go near you. I promised you, remember? I'll do everything I can to end your suffering... I'll take you out of that misery, no matter what. I love you so much... mahal na mahal kita.'' Dagdag niya pa.

Mas lalo akong umiyak sa huli niyang sinabi. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa buhok ko.

''A-Akala ko hindi ka na gigising... akala k-ko pati ikaw mawawala na sa akin. Tinakot mo ko!'' Hasik ko sa bawat hikbi.

Hinayaan niya akong hampasin ang kaniyang dibdib. Nang kumalma ako ay hinawakan niya ang magkabilaan kong siko. Yumuko ako at nanatili ang tingin sa aking paang sugatan. Hinaplos niya ang aking siko, dahilan kung baket nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Lumambot ang tingin niya sa akin at marahang hinaplos ang namamaga kong mukha.

"Zealia, you're the one who woke me up from my coma. Ikaw ang gumising sa akin," banayad na sambit niya sa akin.

Dinampian niya ng halik ang noo ko. ''I'm sorry for being late. I'm sorry if I wasn't there again when you needed me... I'm sorry if I scared you. I'm sorry, darling.'' Dagdag niya pa at kinulong muli ako sa mga bisig niya.

Nakuha na ng mga pulis si Thiago. Pagtapos magamot ang mga sugat ko ay umuwi na kami ni Lake. Hindi ko namalayang halos dalawang linggo na pala akong bihag ni Thiago. Dahil hindi ko rin naman alam ang oras at pakiramdam ko ng mga araw na 'yon ay tuluyan nang tumigil ang oras ko.

Nawalan na ako ng pag-asa... unti-unti na akong kinakain ng kadiliman.

Gusto ko ng sumuko nang mga oras na 'yon. Ang tanging alam ko na lang gawin ay ang sumuko... ang tapusin ang sarili kong buhay.

Hindi rehistrado ang kasal naming dalawa ni Thiago. Ang lahat ng mga dokumentong nagpapakitang kasal ako sa kaniya ay lahat nang 'yon ay peke.

Isa lang ang ibig sabihin non, hindi ako kasal sa kaniya. Hindi ko siya asawa.

Ayon ang mga impormasyong nalaman ng imbestigador ni Lake.

''Hindi mo naman kailangan gawin ang bagay na 'yon, Zealia.'' Si Lake at niyapos niya ang beywang ko.

Napag-usapan na namin 'tong dalawa ni Lake at hanggang ngayon ay mukhang ayaw niya pa rin akong payagan sa gusto kong mangyari.

I sighed. "Please just trust me on this. I have to, Lake. I need to come out in public. Kailangan kong sagutin ang mga tanong nila at ayoko na ring magtago sa publiko.'' Saad ko sa kaniya.

He rested his chin on my shoulder. ''Alright, you know, I love you, right?''

Hinarap ko siya at niyakap ang kaniyang batok.Tumingkayad ako at dinampian ng halik ang kaniyang labi, pagtapos ay matamis akong ngumiti sa kaniya. ''I love you, Lake.''

Umawang ang kaniyang mga labi at tila nangangapa ng mga salita. Nakita ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. Mas lalong lumambot ang tingin niya sa akin.

''What did you say?'' Namamaos na tanong niya sa akin.

''I love you, Lake... I love you.'' Saad ko muli.

Bahagya siyang umatras at tumalikod sa akin para punasan ang luhang lumandas sa kaniyang mga mata. Napahilamos din siya sa kaniyang sariling mukha at umiling-iling. Hinarap niya muli ako at hinakbang niya ang distansya naming dalawa.

The Curse of the Past (Fairytale Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon