Find
Unti-unti kong minulat ang dalawang mata ko. Bumungad sa akin si Lake na seryosong-seryoso ang mukha at parehas salubong ang kaniyang dalawang makapal na kilay.
Marahan niya kong pinupunasan gamit ang basang bimpo. Nang mapansin niyang gising na ako ay tumigil siya sa kaniyang ginagawa.
Walang emosyon niya kong tinignan sa mga mata. Ramdam ko ang pamamara ng aking lalamunan, napalunok ako sa sarili.
''You're awake.'' Malamig na saad niya.
''Baket ba kasi ang tigas-tigas ng ulo mo? Look what happened to you, Zealia. Inapoy ka ng lagnat dahil nagpakabasa ka sa ulan! Alam mo namang konting ulan lang, nilalagnat ka!'' Hasik niya sa akin.
Kinagat ko ang labi ko. ''I'm s-sorry... gusto ko lang namang makita ang anak natin...''
Pinantayan ko siya ng tingin, sa pagkakataong ito ay nakita ko kung paano lumambot ang tingin niya sa akin.
''Lake, please... kahit isang beses lang. Gusto ko lang makita at mayakap si Caius. I promise, after that h-hindi na ako mang gugulo pa ulit sa inyong dalawa... isang beses lang, Lake.'' Nahihirapang pakiusap ko sa kaniya.
He licked his lips and paused for a bit. Parehas nakaawang ang mga labi niya, tila nangangapa ng mga salita.
In that moment, I saw a glimpse of care in his eyes. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon. Dahil gaya nga ng sabi niya ay inaapoy ako ng lagnat. But now all I can see in his eyes is anger. The rage in his eyes is visible. I can almost see the fire in his eyes—the fire that will burn me to death. But no matter how much that fire burns me, I still want to embrace it—just as much as he embraces the monster inside me.
"What are you actually thinking, Zealia?"
''Soaking in the pouring rain for what? Para maawa ako sa'yo? I don't understand why you're doing this to us. For God's sake, you're already married! while I was here, waiting for you! Para akong tangang hintay nang hintay sa babaeng kasal at may asawa na... you know what? You really know how to tame me—konting iyak, konting drama. Kuhang-kuha mo ko.''
''That's how selfish you are, Zealia. I've spent my entire life trying to understand you... I tried, Zealia... I tried my hardest to give you my all... to love you completely, pero tangina anong kapalit non? Naiwan akong mag-isa.''
''Zealia, maiintindihan ko pa kung iniwan at inabandona mo kami ng anak mo para dyan sa career mo. Kahit na mahirap, Zealia... susubukan kong intindihin, kasi tangina, mahal kita eh.'' Umiling siya sa akin at nagtiim-bagang.
''Pero hindi! You left us for another man... you abandon me for another man... I don't understand, Zealia... tangina, hindi ko maintindihan. Anong kulang sa akin?'' Gumaralgal ang boses niya, kasabay nang paglandas ng kaniyang mga luha.
Umiling-iling ako sa sarili. Nag uunahan ang mga luha ko sa pagbagsak.
Hindi totoo yan... kailanman ay hindi ko sila iniwang dalawa para lang sa ibang lalake.
Pinilit kong mabuhay para sa kanilang dalawa ng anak namin. I tried so hard to live by hiding and running away. Kung saan-saan ako nagtago, makaligtas lang sa poot ng kamatayan. Kahit mahirap ay sinubukan kong mabuhay... kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko silang dalawa ng anak namin.
Gusto kong sabihin sa kaniya ang bagay na 'yon, pero hindi ko magawa.
"Tangina... pinuno mo ko ng insekyuridad." Nahihirapang hasik niya sa akin.
''You have no idea how many sleepless nights I spent wondering what was wrong with me—that I couldn't make you stay or love me.'' Yumuko siya saglit sa akin. ''Zealia, I was so ready to settle my life with you. to give up everything for you, just to be with you. I never asked you to reciprocate my feelings for you; all I ask is that you let me stay with you.''
BINABASA MO ANG
The Curse of the Past (Fairytale Series 6)
Aktuelle Literatur[NOT YET EDITED] Zealia Devanie Alfaro is one step closer to her dreams. She's a rising actress who, after years of working hard, finally has the opportunity to be the lead star under one of the best directors in the Philippines. But all of her hard...