Hide
Marahan kong minulat ang mga mata ko at inikot ang tingin sa paligid. Sinubukan kong tumayo, pero agad din naman akong napadaing sa sakit na naramdaman.
Napansin ko ang puting tela na nakatali sa braso ko, kung saan ako nadaplisan ng bala. Meron mga dahong nakalagay doon, marahil halamang gamot ang mga yon.
Bumaba rin ang tingin ko sa suot kong daster.
May lumapit sa akin isang matandang babae. Banayad niyang hinipo ang aking noo.
''Mababa na ang temperatura mo, hindi ka na rin nilalagnat.'' Saad niya.
''Nakita ka ng anak kong si Carlito sa may pampang. Akala namin patay ka na, pero nang pulsuhan kita humihinga ka pa. Dinala ka namin dito sa kubo namin at ginamot ko na rin ang mga sugat mo, iha.''
''Mukhang taga Manila ka, ano bang nangyari sa'yo at puro galos ang katawan mo?'' Dagdag niya pa.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at sinubukan magsalita, pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Kahit anong pilit ko ay para akong napipipe... walang boses na gustong lumabas sa aking bibig. Maya-maya lang ay may isang lalakeng pumasok, kung titignan ay mukhang kasing edad ko ang lalake. Balisa ito at parang may tinatakbuhan.
Hingal na hingal at pawis na pawis din ang lalake.
''Inay, may mga armadong lalake nagkalat at...'' Tumigil siya sa pagsasalita at bumaling sa akin. ''ang babaeng yan ang sadya nila.'' Dagdag niya pa.
Umiling ako kasabay ng mga luhang nag uunahan sa pagbagsak sa aking dalawang mata. Nagsimula rin manginig ang mga balikat ko sa takot. Nakakasigurado akong mga tauhan iyon ni Thiago. Sinubukan ko ulit magsalita, pero kagaya nang nauna ay wala ulit boses na lumalabas sa aking bibig.
''Carlito, itakas mo muna ang babaeng ito. Madali!'' Utos ng matandang babae.
Lumapit sa akin ang lalake at inalalayan ako sa pagtayo. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang makaramdam ng sakit.
Bugbog ang katawan ko sa mga galos at sugat na natamo ko sa pagtakas.
Umakbay ako sa lalake at hinawakan naman niya ang beywang ko. Tinulungan niya ko sa paglakad. Sa may likuran kami ng kanilang kubo dumaan. Nang mapansin niyang nahihirapan ako ay agad niya kong binuhat.
Kumapit ako sa kaniyang leeg. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa kagubatan. Maya-maya lang ay tumigil kami sa isang bahagi ng gubat. Binaba niya ko at tinanggal niya ang ilang halamang nakaharang doon. Napansin kong merong hagdan na nakatago sa mga halamang 'yon.
Noong una ay hindi mo pansin, dahil napapalibutan ito ng mga halaman. Lumapit siya sa akin at binuhat muli ako. Bumaba kami sa may hagdanan, sa pagbaba ay tumambad sa amin ang isang kubo.
Marahan niya kong binaba at inalalayan ako sa pag-upo.
''Ligtas ka na rito. Walang makakahanap sa'yo sa lugar na 'to.'' Saad niya.
''Ginawa ito ni itay noon, para maging taguan at proteksyon namin sa mga armadong lalake rito sa isla... baket ka nga ba nila hinahabol?''
''May utang ka rin ba sa kanila? Pero mukha ka namang mayaman... mukha ka rin artista o kaya naman isang modelo.'' Dagdag niya pa.
Nilahad niya rin ang kaliwang kamay niya sa akin. ''Ako nga pala si Carlito, ako ang nakahanap sa'yo sa may dalampasigan.''
''Mangingisda dapat ako nang matagpuan kita. Dalawang araw din mataas ang lagnat mo, inapoy ka ng lagnat. Mabuti na lang din at nagising ka na... bumaba na rin ang lagnat mo.''
BINABASA MO ANG
The Curse of the Past (Fairytale Series 6)
General Fiction[NOT YET EDITED] Zealia Devanie Alfaro is one step closer to her dreams. She's a rising actress who, after years of working hard, finally has the opportunity to be the lead star under one of the best directors in the Philippines. But all of her hard...