Lake
''Manang, where is mom?'' Pagtatanong ko sa kaniya.
Bago pa man siya sumagot sa akin ay bumaba ang tingin niya sa hawak kong medalya.
Banayad itong ngumiti sa akin at ginulo pa nang kaonti ang buhok ko. ''Ang galing-galing talaga ng alaga ko. Sige, ipakita mo sa mommy mo ang medal mo. Nandoon siya sa may garden.'' Saad niya sa akin.
Agad akong pumunta sa may garden namin, para ipakita ang napalunan ko sa competition. Nanalo ako ng gold medal sa isang Math competition sa school.
''Mom, I w--'' Pero agad niyang pinutol kung ano man ang sasabihin ko.
''Lake, not now, please. I'm very busy. Go upstairs and change.'' Saad niya, habang abala sa kaniyang cellphone.
''Nasaan ba ang yaya mo?'' Dagdag niya pa.
Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Humigpit din ang hawak ko sa aking medalya.
Napansin ko ang presensya ni Kuya River. Mas matanda siya sa akin ng limang taon. Nasa higshcool na siya, samantalang nasa elementary pa lang ako. Katulad ko ay may hawak din itong medalya, marahil nanalo rin siya sa isang competition sa kanilang school. Agad na binaba ni mommy ang tawag at bumaling kay kuya. Bumaba rin ang tingin nito sa hawak ni kuya. Ngumiti si mommy at pinuri niya si kuya. Bumaba muli ang tingin ko sa sahig at tinago ang medalya ko sa loob ng aking bulsa, bago ako tuluyang umalis ng garden.
''Manang, paki handa ang mga paborito ni River at nanalo siya sa quiz bee ngayong araw.'' Narinig kong utos ni mommy.
''We'll celebrate his success, right son?'' Dagdag pa ni mommy.
''Pati rin ho ba ang mga paborito ni sir Lake?''
''Nanalo ho rin siya ng gold medal, madam.'' Dagdag pa ni manang.
''Oh, for sure namang pang batang competition lang 'yon. Yung mga paborito lang ni River.'' Mapait akong ngumiti sa narinig.
Dumiretso na ko sa taas para pumasok sa aking kwarto. Pagpasok ay agad akong umupo sa malaki kong kama at nilabas ang gold medal na napanalunan ko sa Math competition ngayong araw. Napabuntong hininga ako sa sarili. Tumagal ang tingin ko roon. Hindi ko napansin bumukas ang pinto at pumasok si Kuya River.
Umupo ito sa tabi ko at bahagyang ginulo ang aking buhok.
''Congrats, ang galing mo talaga. Anong gusto mo? I'll treat you.'' Nakangiting bati niya sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kaniya at nagpasalamat.
When I was in seventh grade, I was verbally bullied by my classmates because of my tan skin color, and I felt so insecure about it. Back then, I really had low self-esteem. I don't want to go to school... I don't want to go outside because I'm embarrassed about my skin color.
There was a time when my classmates locked me in the comfort room. I was home-schooled during high school because of that. Sometimes I wonder if it's because I'm tan that mom doesn't pay attention to me as much as she does to Kuya River.
Sabado ng gabi nang marinig naming nag aaway sila mommy at daddy. Napatakip ako sa aking tenga nang marinig ang sigawan nila. Mas lalo akong napatakip sa aking tenga nang marinig nagsibasagan ang iba naming mga gamit.
Yumuko ako at nagtago sa sulok ng aking kama. Habang nanginginig ang parehas na balikat.
Kuya River wanted to distract me so bad. He asked me to play hide and seek so I wouldn't feel scared about our parents fighting.
BINABASA MO ANG
The Curse of the Past (Fairytale Series 6)
Ficción General[NOT YET EDITED] Zealia Devanie Alfaro is one step closer to her dreams. She's a rising actress who, after years of working hard, finally has the opportunity to be the lead star under one of the best directors in the Philippines. But all of her hard...