Chapter 14

16.8K 241 13
                                    

#GITSChapter14/R-18

Ceej's POV

"I know you don't celebrate your birthday, still Happy 24th Birthday, Celestine Juris!" Kuya Cid handed me a stem of blue rose as he purposely visited me in my university.

"I already send money in your account dahil alam ko na mas gusto mo ang pera. But you still have a gift from me." Inabot niya ngayon ang paperbag sa akin. "You are going to start your clinical rotations next semester, so I bought you a stethoscope."

"Really?" Agad ko na kinuha ang paperbag para tingnan.

Binuksan ko agad ang box dahil hindi naman na niya ito binalot pa ng wrapper. Oh, my! Tangina! It's the 3M Littmann Master Cardiology Stethoscope in blue color. It was customized, with my full name on the tubing: Celestine Juris Alto Del Forje, RN.

"I'll give you another one when you're already M.D." He smiled at me, parang nakita ko ang mukha ko sa kanya.

"Thank you, Kuya," sabi ko.

Isang taon ako na hindi magsusungit sa kanya dahil binigyan niya ako ng regalo. Ang mahal pa naman nito. Kahit naman lagi ko siyang sinusungitan ay hindi ako galit sa kanya. Gaya ko, naintindihan ko na wala siyang kapangyarihan noon para ipagtanggol ako kay Papa. Ginawa niya ang lahat. Siya pa nga ang nagpaintindi sa akin kaya nagbago ang isip ko noon. Gusto ko lang siya na sungitan kasi ang corny naman kung yayakapin ko siya.

"Dad and Mom also send some money in your account. Binati ka naman nila, right? Gusto sana nila na ipaghanda ka kaso—"

"I'm fine, Kuya. You know, I don't care about birthdays. January 7 is as normal as any other day. Anyway, Happy New Year, Kuya!" bati ko sa kanya. "Hindi ako umuwi kasi alam mo na kung bakit."

"Yeah, right. Mas maigi na nga na hindi ka umuwi," ani niya.

"Kuya, are you sure about the engagement?" Hindi napigilan na tanong ko sa kanya. Nang nakaraang buwan pa bumabagabag sa akin ang sinabi ni Sai tungkol kay Kuya at sa kapatid niya na si Anya. "I mean..."

He cut me off. "Narinig mo ba kay Sai? Magkakilala ba kayo?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. Malamang naman na malalaman niya ang tungkol sa amin ni Sai lalo na at may pagkakataon na pinapasundan ako ni Papa sa tauhan niya para malaman kung ano ang ginagawa ko.

"Can you not get out of the engagement? Is that really good for you?"

"Our marriage is good for our business. She's nice. I think I can learn to love her. Huwag ka na masyadong mag-alala pa. Magiging doctor ka pa, 'di ba? Wala akong nagawa noon sa inyo ni Ollie. Pambawi ko na 'to sayo kahit na kulang pa."

It's already too much. Magpapakasal si Kuya sa taong hindi niya gusto para lang sa kalayaan ko. I wasn't sure what other sacrifices he had made for me. I don't want to know, either. Mas lalo lang akong magu-guilty.

"I'll be a doctor, Kuya," I assured him.

"I'll treat you to a nice lunch soon. I need to go back. May meeting pa ako sa opisina," sabi niya, checking his watch.

Nakita ko sa paligid ang mga bodyguards niya na naka-civilian. Sumensyas ang mga ito na handa na sila para umalis.

"Sure, Kuya. May klase na rin ako."

"Iba talaga kapag may regalo ako sayo, hindi ka nagsusungit." Tumawa siya sabay patong ng kamay niya sa ulo ko. "Happy Birthday again."

"Sus! Masungit na ako sayo bukas! Hindi ako sasagot sa tawag mo!" Nakalabing turan ko. "Wait, paano ako babalik sa Isabela? Hindi ba late ka na? Matagal pa ang byahe."

Glitters in the Sky (Bar Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon