Chapter 8

20.7K 311 9
                                    

#GITSChapter8

Ceej's POV

"Hindi ba natin gagawin dito? Parang ang ganda tumuwad dito sa mga bato habang naririnig natin ang agos ng tubig mula sa talon. You wanna try—ouch!"

Sapo niya ang noo niya ng ihagis ko ang maliit na bato.

Makinis naman ang bato kaya nakita ko na hindi nasugatan ang noo niya, bagkus ay namula lamang ito. Kung nasugatan man, o 'di gagamutin natin.

"Ah, ang sadista mo." Hinihipo niya ang noo niya. "Grabe ka naman! Gusto ko lang naman subukan kasi hindi ko pa nagagawa. Nakipag-sex ka na ba rito?"

Hindi ako nagsalita. Si Ollie agad ang pumasok sa isip ko habang nakatayo ako sa mismong pwesto kung saan namin unang ginawa ang bagay na 'yon. He was my first in everything. I thought he would also be the last.

Umupo ako sa bato, saka ko pinaagos sa tubig ang pinitas ko na bulaklak sa hardin namin bago kami magtungo ni Sai rito sa talon.

"Did someone die in here?" curious na tanong niya, umupo siya sa tabi ko.

"No personal conversation," paalala ko sa kanya.

"Ah, applicable pa ba 'yon? E, kilala ko na nga buong pamilya mo." Bumuga siya ng hangin. "Kulang na lang ay ikasal din tayo."

Tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. "Hala! Umayos ka! Ayoko sa sinasabi mo! Baka may makarinig sa'yo!"

"Bakit, ayaw mo ba na ikasal?"

"Pwede ba, 'wag mo ako tinatanong ng mga ganyang bagay. Mas maigi pa na linawin na lang natin kung anong meron tayo, okay?"

Lumingon ako sa kanya. Binigyan ko siya ng masamang tingin habang painosente naman siya.

Shit! Ang gwapo naman pala talaga. Akala ko ay bulag lang ako pero ngayon na natitigan ko na siya sa malapitan ay masasabi ko talaga na sobrang gwapo niya.

Oh, fuck! Inalis ko na agad ang tingin ko sa kanya dahil baka kung ano na namang kababalaghan ang mangyari sa amin dito.

Ayoko na bahiran ng ibang alaala ang lahat ng alaala namin ni Ollie sa lugar na ito. Hindi ko nga rin alam kung bakit dito ko pa siya dinala kung marami namang ibang talon.

Bukod sa amin ni Ollie ay si Oliver lang ang nagpupunta rito. Kapag nakita niya ako na kasama si Sai ay malamang na magagalit na naman siya sa akin.

"O, anong nangyari sayo?" sabi niya dahil hindi na ako nagsalita.

"Let's go somewhere." Tumayo na ako pabalik sa puno kung saan nakatali si Lila at si Galileo, ang kabayong ginamit niya. Kunwari pa siya na hindi marunong mangabayo pero magaling naman.

"Why? It's nice here. Gusto ko maligo!" protesta niya.

"Sige, maligo ka mag-isa mo!" sabi ko.

"Huh? Ang gulo mo naman!" Naiinis na sabi niya pero sumunod pa rin sa akin.

Sumakay na ako kay Lila. "Hiyah! Lila, let's go!" sabi ko sa kabayo.

Sumunod si Sai. Akala ko kasi ay magpapaiwan siya. Tinuloy ko lang ang pangangabayo hanggang sa marating namin ang taniman ng mga mangga. Nakita ko ang ilan sa mga trabahador namin na namimitas ng ng bunga.

Tumigil ako sa bandang gitna kung saan may silong. Nakasabit pa sa puno ang swing na yari sa gulong na madalas naming nilalaro ni Ollie.

Tangina! Ollie...Ollie!

Mali e, kahit saan pala ako magtungo ay may alaala ni Ollie. Saan ako lulugar? Kahit pumikit ako ay si Ollie pa rin ang nakikita ko.

Ito rin ang dahilan kung bakit ayoko na umuwi sa Isabela. Dito namin unang nakilala ang isa't-isa. Magkababata kami dahil magkaibigan ang pamilya namin. Nasira lamang 'yon dahil sa nangyari sa amin ni Ollie. Ngayon ay magkalaban na ang pamilya namin, sa negosyo man o sa politika.

Glitters in the Sky (Bar Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon