Chapter 30

17.9K 271 27
                                    

#GITSChapter30

Ceej's POV

May mainit na kamay ang humahaplos sa gilid ng pisngi ko nang maalimpungatan ako. Hindi ko halos maidilat ang mga mata ko pero ramdam ko na may nakatingin sa akin, hawak pa ng mahigpit ang aking kamay.

"S-Sai," mahinang usal ko. Kusa na lang itong lumabas bibig ko—tunay nga na siya na ang laman ng isipan ko dahil kahit yata sa panaginip ay pakiramdam ko nasa tabi ko siya.

"Nandito ako, Binibining Celes."

Bigla akong kinabahan dahil boses niya ang narinig ko—hindi naman siguro ako nabaliw pagkatapos kong uminom ng kung anu-anong gamot.

"Uh!" Nasapo ko ang noo nang subukan kong bumangon. Umikot ang paningin ko kaya bumagsak pa rin ako. May kamay na umalalay sa akin, nang makabalik na ako sa tamang huwisyo ay doon ko napagtanto na hindi na nga ako nanaginip pa.

"Tine, magpahinga ka lang. Kailangan mo pa ng lakas," malumanay na sabi ni Sai.

Hindi ako dumilat. Ayokong makita ang mukha niya dahil baka umiyak ako. Bakit ba kasi nandito siya? Hindi niya p’wedeng malaman ang ginawa ko dahil sigurado akong magagalit siya.
Maingat kong kinapa ang puson ko pero alerto si Sai at siya na mismo ang sumagot sa nasa isup ko.

"The baby is still alive, Tine."

Kinagat ko ang ibabang labi habang patuloy ang pagmumura ko sa utak. Hindi pwedeng mabuhay ang bata dahil sa mga ininom ko. Ano 'to, miracle baby? Kung mabuhay man siya ay sigurado akong may komplikasyon o defect dahil sa pagtangka ko na alisin siya. Hindi ko na nakontrol ang emosyon ko. Kahit na nanghihina ay bumangon ako. Nasilaw ako sa puting ilaw ngunit mabilis din itong nawala at napalitan ng malungkot na mukha ni Sai. Bukod doon, umaapaw sa galit ang mga mata niya. Parang gusto niya akong sigawan pero sa huli ay ngumiti pa rin siya.

"Binigyan ka na ni doktora ng pampakapit sa bata. Sensitive ang pagbubuntis mo kaya kailangan mong magpahinga hanggang sa—"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Ano’ng ginagawa mo rito?"

"Tine, anak ko 'yan," pumiyok ang boses niya. "A-anak ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kailangan mong gawin ito? Aakuin ko ang bata, Tine."

Nanginginig ang buong katawan niya na malamang ay kanina pa niya pinipigilan. Taas-baba ang balikat niya, kasabay ng pagtulo ng luha niya. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko habang nakaupo ako sa dulo ng kama ngunit tinabig ko ito.

"Sai, wala kang aakuin dahil aalisin ko ang bata." Buo na ang desisyon ko at hindi ito mababago ano man ang sabihin niya.

"Bakit kailangan mo na alisin ang bata?" Bakas ang pagkalito sa mukha niya kasabay ng pag-iling. "Tine, aakuin ko ang bata. Pakakasalan kita. Hindi kita iiwan, kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo ‘to ginawa.”

Iniwas ko ang tingin sa kanya para hindi ako maiyak. Ang sakit—ang hirap pala. Akala ko ay kaya ko na dahil pangalawang beses na ito, pero iba pala kapag galing na sa’yo mismo ang desisyon at wala ng kahit na sino ang nagdikta.

“Hindi mo ako mapipigilan sa gusto kong gawin.”

"No, Tine. Please, huwag." Tuluyan na siyang lumuhod sa harapan ko habang hawak ang kamay ko.

I swallowed the lump forming in my throat and said, “This is not yours, so you don’t have to do this.”

“Are you kidding me?” Umigting ang mga panga ni Sai kasabay ang pagkuyom ng isa niyang kamao. I was hurt by the pain brimming in his eyes. “Gusto mong mawala ang anak natin dahil ayaw mo sa akin? Dahil si Ollie pa rin ba ang mahal mo?” Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko habang nakaunan ang ulo niya sa binti ko, umiiyak na siya nang tahimik.

Glitters in the Sky (Bar Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon