Just, Scythe (5)

11.3K 159 14
                                    

Just, Scythe (5)

Scythe's POV

Bumagsak si Five sa balikat ko eksaktong paglapit niya sa akin. Agad namin siyang inalalayan ni River pero hindi namin siya makayang buhatin hanggang sa nakaluhod na lang siya sa sahig, umiiyak ng tahimik habang nakatakip ang dalawang kamay niya sa mukha niya. Kitang-kita namin kung paano niya gustong humagulgol pero hindi niya magawa.

"Five..."

Nawalan na rin ako ng salita dahil ano ba ang magagawa ko para pagaanin ang pakiramdam niya kung iniwan lang naman niya ang babaeng pinakamamahal niya...ng walang dahilan.

"Five..." Tinapik siya ni River. "Kailangan na natin na bumalik."

Umiling si Five, binubulong niya ang pangalan ni Ellia.

"Five, habang nandito pa tayo...pwede mo pang sabihin sa kanya," sabi ko. "Pwede mo pang balikan si Ellia."

"I...I...hurt her..." Hinihingal na saad ni Five, pulang-pula ang buong mukha niya. Taas-baba ang balikat na inaabot ang hininga niya.

"Five..." River whispered. "The police are already—" Tumigil sa pagsasalita si River at sumensyas sa mga kasama naming pulis na naghihintay sa loob ng private plane na hintayin munang kumalma si Five.

"Hindi naman kami tatakas," narinig ko na sabi ni River sa Chief ng PNP na kasama namin ngayon. May NBI rin na kasama tapos isang miyembro ng AFP para talagang masiguro na hindi tatakas si Five sa krimen na ginawa niya.

"Just five minutes," sabi ko. "Kapag hindi pa siya tumayo pagkatapos ng limang minuto ay kami na ang bubuhat sa kanya."

Pumayag naman sila. Nanatili si Five sa posisyon niya at hinintay namin na makuha niya ang natitirang lakas niya hanggang sa tumayo na rin siya pagkatapos ng limang minuto. Inayos niya ang nagulo niyang buhok tapos tinali niya ito gamit ang scrunchie ni Ellia.

Tumingin siya sa amin habang pinupunasan ang luha niya saka siya huminga ng malalim at ngumiti sa akin.

"I'll see you in court, attorneys," he told us.

We did see him in court. Instead of the usual plan that he would be on the other side prosecuting crimes, he's the one being prosecuted. Due to lack of CCTV footage, evidence, and at the same time witness, he's the only suspect as he surrendered and admitted his crime.

It was supposed to be an easy case. It's self-defense. Halata naman lalo na at puno ng bugbog at pasa si Tita Olivia, may tama rin ito ng bala nang maabutan ng mga pulisya sa warehouse. Pero dahil malakas pa rin ang pamilya ng tatay ni Five kumpara sa pamilya ng mama niya ay pinatagal nila ang kaso. Alam naman kasi nila na matatalo sila kaya pilit nila na pinagbabantaan ang mga judge at public prosecutor para hindi umusad ang kaso ni Five.

Mas naging abala ako dahil bukod kay Five ay inaalagaan ko rin si Selena. Ang bilis lumipas ng panahon, parang kailan lang ay kasama ko pa si Tine, ngayon ilang milya na rin ang layo namin sa isa't-isa.

I tried to make myself busy with Five's case and the cases in our firm just so I could forget her—pero paano ko nga ba siya hindi makakalimutan kung may iniwan siya na alaala sa akin?

"Selena. I need to go to court." Hinalikan ko ang noo niya saka ko nilagay ang bag niya sa likod. Inayos ko rin ang ribbon sa buhok niya na binigay ni Sharyn sa kanya. "I need to help with Tito Five's case. Be good to your teacher, okay?"

She nodded. "Yes, Daddy. Are you going to win?"

"Yes, we will win the case for Tito Five so you can meet him and you can play with him. Now, go inside. Listen to your piano teacher, okay? I will play with you later when we return home."

Glitters in the Sky (Bar Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon