Chapter 25

16.9K 270 13
                                    

#GITSChapter25

Ceej's POV

"Hoy! Kulang ka ba sa dilig at tulala ka dyan?"

Niyugyog ako ni Hector sa balikat. Kasalukuyan kaming nasa nurse station para mag-ayos ng mga papeles ng mga pasyente. Nasa Family Medicine na ako naka-assign ngayon. Thankfully, kasama ko na si Hector kundi nalagas na talaga lahat ng buhok ko.

"Hindi ba p’wedeng nag-iisip lang ako?" Inirapan ko siya saka inayos na ulit ang files.

"Sino sa tatlo ang iniisip mo?"

"Tatlo?"

Tumaas ang kilay ko sabay tingin sa kanya na kumakain ng tinapay. Boring sa department na 'to, nakakaantok kaya marami akong time na mag-isip ng mga bagay na hindi ko dapat isipin.

"Ollie, Oliver, Sai," he casually mentioned.

"Luh, bakit naman nasama si Sai? Hindi ba p’wedeng si Ollie lang?"

"Kasi naglalakad na siya papunta rito?"

"What?"

Tumingin ako sa hallway. Hindi nga siya nagsisinungaling. Ano na naman ba ang ginagawa ng lalaki na 'to?

"O, napaisip ka rin ba kung anong ginagawa niya? Tanong mo na kung ano pa ba kayo kasi—"

Tinakpan ko ang bibig ni Hector baka kung ano pa ang sabihin niya tapos marinig ni Sai. Sinabi ko na nga sa kanya na fuck buddies lang kami ni Sai pero pinagpipilitan pa niya ang mga theory niya na walang kwenta. Bakit ba marunong pa siya sa akin? Umubo si Sai sabay katok doon sa may lamesa kaya napatingin na ako agad.

"Istorbo na ba ako?" Tumaas ang makapal na kilay niya.

"Slight," si Hector ang sumagot.

Nakita ko na umismid si Sai na may kasama pang pag-irap ng mata. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya. Katatapos lang siguro nito manigarilyo. Mabuti nga't hindi niya ginagawa sa harapan ko dahil ipapakain ko sa kanya ang usok mula sa vape niya. Tumayo siya para tingnan ang dala ni Sai mula sa Brewed Yesterday. Ayaw man aminin ni Asha ay tingin ko nagkakamabutihan na sila ni Skater. Nagpabugbog ba naman sa tauhan ng Tatay ni Asha para lang maligtas siya. A man like Skater—wow lang. Sana nga hindi siya mapahamak.

"Buti hindi ka nasasapak ni Asha dahil tambay ka sa kapehan niya," ani Hector, feeling close.

"Medyo malapit na nga."

Nilayo ni Sai ang hawak na paperbag nang akmang bubuksan ito ni Hector. Umismid si Hector habang si Sai ay cool lang. Kakausapin na sana ako ni Sai nang dumating si Doc. Ramirez, 3rd year resident, former fuck buddy. Ang hot pa rin!

"Ceej, may fuck buddy ka ngayon?"

Hindi na ako nagulat sa tanong niya. Halatang stress na stress na siya lalo na't nakaduty siya sa emergency room.

"Aww, meron e."

"Wow, bakit parang nanghinayang ka pa?" Narinig kong sabi ni Sai pero hindi ko pinansin. Epal din.

"Next year na lang. Tawagan kita."

"Sucks. Okay, I'll see you later na lang sa conference. Beep me up if you need help with cases."

"Okay." Ngumiti ako sa kanya tapos kumaway pa, pa-cute para mas kumunot ang noo ni Sai. Gusto ko lang asarin.

Paglingon ko, napapalibutan na siya ng maitim na aura dahil nanlalaki na ang mata niya tapos magkadikit na rin ang makapal na kilay niya. Gwapo! Hindi ko na itatanggi dahil totoo naman tapos ang laki pa. Shit lang! Parang gusto ko siyang hatakin sa quarter's room para gumawa ng milagro.

Glitters in the Sky (Bar Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon