Simula

69 11 6
                                    

Nagmamadali akong magpunta sa office ng dean dahil ang sabi saakin ng kaibigan ko ay namumula na raw ito sa sobrang galit at baka atakehin ng wala sa oras. Pag nagkataon ay kasalanan ko pa kaya sumunod na ako ro'n.

Hinihingal akong napahawak sa tuhod ko. Makailang ulit muna akong lumunok bago pihitin ang pintuan.

Hindi nga nagkakamali ang kaibigan ko. Pulang pula na ang mukha nito at mahahalata mo ang stress sakaniya.

Mabilis nalipat ang galit na tingin niya saakin. Sinalubong ko ang tingin niya pero hindi naman ako galit at wala rin akong intensiyong maasar siya pero gigil na gigil na naman ang mukha niya at handa na akong sakmalin.

"What is the meaning of this!?" Sigaw nito at inihagis saakin ang iphone 14 niya.

Mabuti na lang at nasalo ko, dahil kung hindi baka lalo lang siyang magalit saakin pero hindi ko na kasalanan 'yon. Choice niya nang ihagis saakin ang phone niya eh.

May video na biglang nag play kaya kunot noo akong tumingin doon at pinanood.

Kuha ito kung paano ko malakas na sinikmuraan si Zishna. Napangisi na lang ako. Kulang pa nga yung ginawa ko sakaniya eh. Sinampal ba naman ako, edi sinikmuraan ko siya, sampal lang pala kaya niya eh.

Maayos na inilapag ko sa desk ng dean ang phone niya at tinignan siya ng nababagot.

"Bakit ako lang ang pinapagalitan niyo, dean? Zishna is the one who started the fight." Sabi ko sakaniya.

Nangunot ang noo niya. Kunot na nga, papakunutin niya pa. Hindi ko talaga maintindihan 'to minsan si dean eh, palibhasa kasi matandang dalaga kaya ganiyan yung ugali.

"Pero halos linggo-linggo ay iba iba ang nakakaaway mo. Laman ka palagi ng balita rito sa Stancolt. Hindi ka ba nahihiya?" Anito.

Umiling ako. "Hindi na bago saakin 'yan, dean. Pero tandaan mo na ganon rin si Zishna. Nagkaharap lang kaming dalawa, malas niya." Sagot ko dito kaya parang umuusok na naman ang ilong niya.

"Ipatawag si Ms. Carlos ngayon din." Sabi niya sa assistant niya pero nasa akin pa rin ang tingin. Titigan kami ah, hindi ako papatalo.

"Yes po, dean."

Narinig namin ang pagbukas sira ng pinto. Bumuntong hininga si dean at napahilot sa sintido niya.

Nagkibit balikat lang ako at bagot na hinintay si Zishna.

Napatingin ako sa kaibigan ko na parang naiihi na yata kasi hindi mapakali sa inuupuan niya. Galing ha, kami nakatayong nag-uusap rito tapos siya nakaupo, eh hindi naman siya ang pinatawag rito sa office. Iba rin.

Nilakihan niya ako ng mata at tumayo bago ako nilapitan.

"Patay ka na naman, Margz. Hindi ka na talaga nadadala." Bulong niya saakin kaya inirapan ko lang siya ng mata.

"Kaibigan ba talaga kita? Suportahan mo na lang kaya ako, pwede?" Masungit na sabi ko rito.

"Ewan ko sayo. Oh siya, nandiyaan na yung frienemy mo." Sabi niya at inginuso yung pinto.

Tumingin ako ro'n at napangisi ng makita ko si Zishna na masama ang tingin saakin. Naka cross arms ito at dahan dahang lumapit saakin.

"At dinamay mo talaga ako?" Masungit na tanong niya pagkalapit saakin.

"Hindi ba obvious? Kaya ka nga nandito eh. Tanga-tanga."

Dahil sa sinabi ko, lumaki ang butas ng ilong niya at galit na dinuro ako.

"How dare you?"

"How dare you?" Panggagaya ko sakaniya at tumawa pa ako.

"Ms. Carlos, Ms. Alcabo." Banta saamin ni dean.

To Be With Him Again (COMEBACK SERIES #1)Where stories live. Discover now