Chapter 6

22 6 6
                                    

"What the hell?" Mahinang bulong ko.

Tumitig siya sa mata ko at para siyang natataranta. Nilapitan niya kaagad ako pero mabilis akong lumayo.

"You just ruined my night, Yion." Madiing sabi ko bago dali daling umalis sa resto na 'yon. Alam ko namang nakasunod siya saakin. Mas maganda kung sa labas kami mag-uusap. Nakakahiya yung nangyari kanina.

Napahinto ako nang hilain niya ang braso ko.

"Wait! Where are you going?" Tanong niya sa nanggagalaiiting boses.

"Tinatanong pa ba 'yan? I'm going home." Sagot ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

Umiling siya. "No, we will talk." Matigas niyang sabi.

Umirap ako sa hangin at pilit na kinalma ang sarili ko. Yion has a bipolar disorder kaya minsan hindi ko rin maiwasang hindi matakot sakaniya. Pero kahit pa paano alam kong wala siyang masamang gagawin saakin as long as i won't trigger him.

"Yion, please? Mag-usap na lang tayo kapag parehas na malamig na ang mga ulo natin. Hindi tayo makakapag usap ng maayos kung ganito... " Pakiusap ko.

"No, i am sorry... Forgive me, Margz. I am so sorry... Let me bring you to your house... "

Umiling ako. "I can go with myself, Yion. You should go home... Mauna ka na. Mag-aabang na lang ako ng taxi."

Nag-aalangan niya akong tinignan.

"Your dad will probably get mad... Your mom and your... Uh, brother." Sabi niya sa mahinang boses.

Ngumiti ako at tinapik siya sa likod.

"Nope, ako na ang bahala. Hindi naman sila magagalit." Paninigurado ko sakaniya.

"Just let me bring you to your house!" Sigaw niya na ikinabigla ko na naman.

Napahilot ako sa sintido ko.

"What's happening here?"

Napalingon kami ni Yion sa mga lalaking papalapit sa puwesto namin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Hareon at ang mga kaibigan niya.

"I said, what's happening here?" Ulit niya, mariing nakatingin kay Yion.

"And who the hell are you?" Mayabang na tanong ni Yion dahilan para maikuyom ni Hareon ang mga kamao niya.

"Wala naman." Ako na ang sumagot. Hinawakan ko sa kamay si Yion. "Just a little misunderstanding... " Tumingin ako kay Yion at nagsimula siyang hilain. "Let's go." I seriously said.

Bumitaw siya sa pagkakahawak ko kaya nagtataka akong tumingin sakaniya.

"Uuwi na ako. Go home safely." Sabi niya bago ako halikan sa ulo at humakbang paalis.

Tingin ko ay uusok ang ilong ko sa inis kaya sandali akong pumikit. This is... Urgh!

"Is that your... Boyfriend?" Nakangiwing tanong ni Aeden. Hindi maipinta ang hitsura niya, sa totoo lang.

"Yes." Walang pag-aalinlangan kong sagot.

Ngumisi si Zalt. "Your new is ungentleman, Margz." Sabi niya at ipinihit ang leeg paharap kay Hareon. "You must teach him some advice on how to treat a Woman, Hareon." Sabi niya at tinapik ang balikat nito.

"Woah, i can't believe this. What happened with your standard, Margz?" Segunda ni Fade at itinaas baba ang kilay niya.

Irita ko silang tinignan. Parang kanina lang ang ayos naming nag-uusap sa Stancolt tapos ganito na naman ang mga ugali nila ngayon.

I can't believe this.

Bumuga ako ng malakas na hangin. "Puwede ba?" Sabi ko at masamang tinignan si Hareon.

To Be With Him Again (COMEBACK SERIES #1)Where stories live. Discover now