Chapter 3

28 6 5
                                    

Nakasimangot ako habang inaayos ang aking sarili. Nakaharap ako sa salamin at naglalagay ng liptint.

Binuksan ko ang bagong bili na mascara at maglalagay na sana, kaso may istorbong tumawag sa cellphone ko.

Tinignan ko munang mabuti kung sino ba yung tumawag. Nangunot pa ang noo ko, si Yion. Ano naman kaya ang kailangan nito.

Nilapag ko muna yung mga gamit bago sagutin.

"Bakit ang tagal mo namang sumagot?"

Batid kong kunot ang noo nito sa kabilang linya at may naiinip na mukha.

Bumuntong hininga ako. "May OJT ako, Yion. Sinabi ko naman na sayo 'to noong nakaraang linggo pa, ah? I thought you would undertstand and won't disturb me until i get back there? Saan na yung promise mo?" Kunwari ay inis na tanong ko sakaniya.

"Galit ka ba? Sorry na... Na miss lang naman talaga kita eh." Malambing na sabi niya sa kabilang linya.

"Hindi ako galit. Ikaw nga yata 'tong galit saakin eh."

"No! Of course not. Bakit naman ako magagalit sayo? Sige na... Baka may ginagawa ka pa diyaan... "

Bumuntong hininga muna ako bago siya sagutin.

"Mamaya pa naman, pinagpahinga lang kami saglit, bawi na lang ako sayo bukas, ha?" Sabi ko.

"Okay, i love you!" Masayang sagot niya.

Napakagat ako sa labi bago siya sagutin.

"I love you too, Yion." Sagot ko.

I'm so sorry.

In-end niya na ang call. Bigla tuloy akong nakonsensiya. Babawi na lang ako sakaniya kapag uwi ko. Tutal, holiday naman bukas, tapos sabado at linggo na. Mahaba haba pa yung pahinga.

Iniligpit ko na lang sa bag yung mini make up kit ko at lalabas na sana sa comfort room ng biglang bumungad saakin ang mukha ni Hareon.

Nakataas ang kilay nito at kunot na kunot ang noo. Sa ayos niya ngayon, nagdududa ako na galit siya. Saan na naman kaya siya nagalit? Palagi naman yata siyang ganiyan. Sa likod niya ay nakita ko ang best friends niya. Kilalang kilala ko sila at ganoon rin sila saakin. Matagal na rin kami magkakakilala eh.

Seryoso ang mukha nilang apat habang nakatingin saakin.

"May kailangan ba kayo rito?" Tanong ko.

"I-checheck lang namin yung comfort room para alam namin kung alin ang dapat baguhin." Malamig na sagot ni Hareon at tuluyan na nila akong nilagpasan.

Akala ko wala na siyang sasabihin pero ngumisi siya at tinignan ako ng mabuti.

"Sasamahan mo ako bukas sa Stancolt." Sabi niya at akmang tatalikod na pero narinig niya ang reklamo ko.

"What?! Hindi puwede! Holiday bukas, walang pasok. Deserve ko naman sigurong magpahinga?" Inis na sabi ko.

Ipinasok niya ang kamay sa magkabilang bulsa at cool na tumingin saakin.

"You are my personal assistant. Obligado mo na samahan ang ssg president, at ako 'yon. At para sabihin ko rin sayo, hindi mo deserve ng pahinga. Trabaho muna ang unahin mo at huwag puro... well, can i say na huwag mo muna unahin ang boyfriend mo at trabaho muna? Mahiya ka naman."  Nakangising aniya.

Tuluyan na siyang tumalikod kasama yung tatlo.

Naikuyom ko na lang ang kamao ko sa sobrang pagtitimpi. Inis na inis ako.

Paano na yung taong pinangakuan ko na lumabas bukas? Tsk!

Sa sobrang inis ko ay nagmamadali akong naglakad. Sa lakad ko ay halatang halata na ang inis ko at pagdadabog.

To Be With Him Again (COMEBACK SERIES #1)Where stories live. Discover now