Chapter 7

16 6 4
                                    

Nandito kami ngayon sa veranda ng room ko kasama ang mommy ni Hareon. Wala si tito dahil nagpaalam siya saaming bababa na muna at makikisalamuha sa ibang bisita dahil hinahanap na rin siya.

Tahimik kaming dalawa ni tita habang nakatingin sa tanawin nang siya ang naunang bumasag sa katahimikang bumabalot saaming dalawa.

"How are you, 'nak?"

Ngumiti ako at nahihiya siyang tinignan.

"Hehe, nakakahiya naman po tita. Matagal na rin yung saamin ni Hareon, infact, mga bata pa kami no'n-"

Umiling siya. "So what? I will call you whatever i want." Aniya kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Ah-"

"Here's my gift."

May iniabot siya saaking box na pahaba, katamtaman lang ang laki. Sa disenyo nito ay halata mo nang mamahalin ang nasa loob.

Tinitigan ko ito at bahagyang nanlaki ang mata.

"Go, open it, it's yours." Nakangiting sabi ni tita at excited na tumingin saakin.

Maingat ko itong tinanggap mula sa kamay ni tita at dahan dahang binuksan.

Lalong nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sakaniya.

"T-tita... What- i can't accept this." Hindi makapaniwalang sabi ko.

Hindi ko maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ni tita para ibigay niya saakin bilang regalo ang heirloom ng pamilya nila at gamit na pinaka iningat-ingatan pa ng ninuno nila.

Isa itong pares ng earings at isang necklace. Simple lamang ito pero mahahalata mong mamahalin at eleganteng tignan. Ang mga bato nito ay napapaligiran ng maliliit na diyamante.

"Margaleria, that is all yours now." Nakangiting aniya.

Napailing lang ako.

"Tandaan mo ito, Margz. Kung ano ang ibinigay sayo, huwag mong ibabalik sa nagbigay. Dahil balang araw, ang isang bagay na siyang ibinigay sayo ay siya ring maipapamana mo sa taong magiging karapat dapat para rito." Ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay. "Balang araw... "

Napabuga ako ng hangin. "Pero tita, hindi ako karapat dapat." Tumawa pa ako dahil para namang masiyado kaming seryoso. Medyo hindi lang ako sanay. "Hindi ako miyembro ng pamilya niyo." Sabi ko at tumawa ulit.

Tumawa rin si tita at tinaasan ako ng kilay.

"Pakasalan mo kasi anak ko para parte ka na rin sa pamilya."

Nabilaukan yata ako sa sinabi ni tita kahit laway lang naman ang nasa bibig ko.

"Tita naman, imposible 'yon hehe."

"Magiging imposible pa ba ang isang bagay kung may taong gagawa ng paraan para sainyo?"

"Eh?!

"Nothing hija... "

Hindi ko rin maintindihan ang parents niya kung minsan eh.

Bumuntong hininga siya habang ako ay nakatulala lamang.

"Hey, it's your birthday. Smile 'nak." Sabi nito at ngumiti.

Tinakpan ko ulit ang kahon at ibinigay kay tita pero hindi niya tinanggap.

"You can keep it. Sa 'yo ko ipagkakatiwala 'yan. 'Wag mo nalang muna sabihin sa anak ko, ha?" Sabi ni tita.

Umiling ako. "Ay talagang hindi po tita. Hindi kami magkasundo nun." Sabi ko at nagtawanan kami.

Sinamahan niya akong itago ito sa closet ko kaya matatabunan ito ng mga damit.

Hindi ako makapaniwala. Ang magiging asawa lang naman ng anak nila ang dapat na pagbigyan nitong heirloom ng pamilya nila.

To Be With Him Again (COMEBACK SERIES #1)Where stories live. Discover now