Tiningala ko ang malaking hospital at napatakip pa ng mata sa liwanag ng araw na tumatama saamin. Napakalaki naman ng hospital na 'to.
"Woah, buong buhay ko, ngayon lang ako nakapunta sa Gorview, maayos naman na ang hospital nila, ah? Ano pang ipapaayos?"
Tinignan ko si Ayrees na nakatingala rin sa mataas na gusali ng hospital. Napanguso ako.
"Manghang mangha ka, ha?" Sabi ko sakaniya.
Tumingin siya saakin at ngumiti.
"Dito kaya nag ta-trabaho ang tita ko." Sabi niya.
Nanlaki ang mata ko. "Weh? Yung nagpapaaral sayo?" Gulat na tanong ko kasi baka nagbibiro lang siya.
"Oo nga! Ayaw maniwala nito. Sana nandiya'n siya para maniwala ka." Kibit balikat na sabi niya.
Humalukipkip ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Nagulat na lang ako nang may mag hagis ng jacket sa mismong mukha ko.
"Sino ba yung deputa na 'yo---!"
Natikom ko ang bibig ko ng makita ang masamang tingin ni Hareon. Siya ba yung nagbigay nito?
Itinaas ko yung jacket at ipinakita sakaniya. "Sayo 'to?" Tanong ko pero umiling lang siya at nauna nang pumasok sa loob ng hospital.
"Sayo na 'yan, Ms. Margz. Nilalamig ka na kasi eh."
Napatingin ako sa likod ko at nakita yung isang engineering student na kasama nila. Tahimik lang 'to kanina kaya ngayon ko lang mas napansin.
Nakasuot siya ng salamin at ng engineering uniform nila. Sa mga estudyante, siya rin yung tipong tahimik lang pero hindi maipagkakailang malakas din ang dating sa lahat, lalo na sa mga babae.
"Ay, sayo pala 'to? Akala ko kay Hareon."
Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Hindi naman ugali ni boss Hareon na magbigay ng gamit niya sa mga hindi niya kakilala." Sabi nito at mahina pang tumawa.
Hilaw akong tumawa. "A-ah... Haha. Okay. Salamat dito, ha?" Sabi ko na lang.
"Walang anuman, Ms. Margz." Sabi niya.
Sinuot ko na lang yung jacket. Malamig na kasi talaga kahit may araw. Hindi pa kasi nagtatapos ang buwan ng february kaya ganito.
"Pero, siguro familliar na rin si boss sayo kasi halos madalas naming marinig ang pangalan mo sa building namin. Halos salitan lang kayo nung babaeng nakaaway mo rin daw? Yung Zisha... Zish... Zishana?" Kunot ang noo niya habang inaalala ang pangalan ng babaeng 'yon.
"Zishna." Sabi ko kaya napatingin siya saakin at malawak na ngumiti.
"Exactly! Zishna nga! Bakit ko ba nakalimutan ang pangalan niya." Iiling iling na sabi niya saakin na lihim ko lang na ikinangisi.
"Halos linggo-linggo raw kayong may nakakaaway sa mga taga ibang school, eh." Kibit balikat na sabi niya. "Pero kahit ganon, Ms. Margz? Ang daming nagkakagusto saiyo sa building namin. Kahit sa mga taga ibang building. Yung captain ng basketball team natin? Si Haje? Gusto ka nun eh." Nakangising sabi niya saakin kaya nanlaki ang mata ko.
Si Haje!? Eh, Magkaaway kami no'n!
Umiling lang ako sa sinabi niya.
Napaka imposible na ang mokong na 'yon ay magkakagusto saakin. Err, 'di ko ma imagine.
"Imposible 'yan. Mortal kaming magkaaway ng loko na 'yon." Giit ko na ikinatawa lang niya.
"Ako pala si Wone, Ms. Margz." Sabi niya at nakipag shakehands saakin.
YOU ARE READING
To Be With Him Again (COMEBACK SERIES #1)
RandomMargaleria Alcabo, a fourth year nursing student. She's always at a Stancolt news because of her troublesome behavior that led dean to punished her to be one year personal assistant of Hareon Damino, the solemn ssg president of Stancolt University a...