Chapter 4

27 6 6
                                    

Gustuhin ko mang matulog pero tinawag ako ni kuya Uno kaya wala na akong nagawa pa kundi sundan siya sa tapat ng pool area. Umuulan pa rin kaya nasa silong lang kami. May binigay siyang cup saakin at napangiwi ako ng makitang gatas 'yon, samantalang kape ang sakaniya.

"You should drink more milks, mas healthy 'yan kaysa sa kape."

Malamig ang pagkakasabi niya nun pero mararamdaman mo naman ang sinseridad sa boses niya.

Hindi na lang ako kumontra. Gusto ko pa naman sanang sabihin na, 'eh bakit nagkakape ka' kaso 'wag na lang.

"I know you're worried, Margz. " Panimula niya pagkatapos sumimsim sa kapeng iniinom.

Kumunot ang nuo ko.

Nakatitig lang ako sa baso ng gatas na hawak hawak ko.

"But it's better to stay out of my business, hmm? Study hard and prove mom and dad that it's worth it. "

Namilog nang bahagya ang mata ko dahil sa sinabi ni kuya. Napainom tuloy ako ng gatas nang wala sa oras.

Dire-diretso ang lagok ko hanggang sa maubos. Hinihingal ko pa itong inilapag sa lamesa.

ANG OA KO TALAGA.

"Eh?" Taka na tanong ko.

Mukhang napansin niya ang expresyon ng mukha ko kaya nagsalita pa siya.

"I heard a alot of your troubles, it's not good."

Lalong namilog ang mata ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil taimtim na nakatitig si kuya saakin. Parang binabasa niya ang laman ng isip ko.

"A-akala ko hindi mo alam." Nasabi ko na lang.

Bumuntong hininga siya. "Ofcourse, i know." Malamig niyang sabi kaya pakiramdam ko ay nagsitaasan ang balahibo ko sa batok.

Ang unfair lang! Sakaniya, halos manakit na ang ulo namin kaiisip kung ano na ang ganap sa buhay niya tapos siya, heto, alam pala ang lahat ng nangyayari saakin.

"Mabuti na tigilan mo na ang pakikipag away, graduating ka na. Bakit ka ba nakikipag away?" Tumingin siya sa malayo at sumandal sa inuupuan.

"Sila naman ang nauuna, ah." Medyo inis kong sabi.

Tumingin ulit siya saakin. Seryoso na naman ang mukha niya, palagi naman eh.

"At papatulan mo naman? Hanggang sa ipapatawag ka sa office? Buti hindi pa nalalaman ni mom at dad 'to."

"Hayaan mo na iyon kuya! Kapag hindi natin pag-uusapan ang isang bagay, malabong malaman pa 'yon." Tumawa pa ako.

Narinig ko ang mahinang reklamo niya. "You're stubborn and hard headed as always, Margz."

"Kuya naman.. sinusubukan ko naman magbago na eh." Ngumiti pa ako ng matamis.

Nangunot ang nuo niya. "Don't show me that sweet smile, Margz."

"Hehe."

Mukhang nainip na rin siya kakakumbinsi saakin kaya tumayo na siya pero may pahabol pang salita.

"Just be good, and do what you have to do. Kuya's always here for you even if it doesn't look like that."

He really cares for me.

Umakyat na ako sa kuwarto ko para matulog. Maaga pa nga pala akong papasok sa Stancolt bukas, nakakainis kasi eh.

Dala na rin siguro ng pagod ay nakatulog ako ng mabilis.

Pagkagising ko ay dumiretso ako sa banyo para mag-ayos. Formal attire lang ang sinuot ko ngayon, naka dress ako at may suot na milk brown blazer. Napaubo pa ako ng kuhanin ko sa ilalim ng kama ko ang three inch heels na kulay black. Malay ko ba kasi na gagamitin ko pala ngayon, hindi ko na inayos sa lagayan.

To Be With Him Again (COMEBACK SERIES #1)Where stories live. Discover now