Chapter 1

35 9 4
                                    

Naghihintay ako ng masasakyang taxi ngayon rito sa may kanto. Hindi kasi ako umuwi ng bahay, dumiretso ako sa apartment na tinutuluyan ko kahapon pagkatapos kong malaman yung balita na si Hareon pala ang ssg president ng Stancolt. I still can't accept it. Sigurado naman akong maiintindihan nila Mom at Dad kung bakit hindi ako umuwi, pero syempre, hindi ko sasabihin na nagkita kami muli ni Hareon at magiging assistant pa ako nito ng isang taon. No way.

Tumingin ako sa wristwatch ko. Anong oras na, baka ma-late ako nito tapos iwanan ako ng bus namin. Ngayon kasi ay sa ibang hospital kami ina-sign na mag OJT. Mahirap pero kakayanin ko, i need to prove to my parents that i am going to pursue nursing, ito ang pinaglaban ko sakanila at hindi ko hahayaang mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko. Fourth year na ako at graduating na rin next month. Pinili ko ring sa Stancolt Hospital na magtrabaho, malaki rin naman ang sahod at may promotions pa. Mabuti na lang at napakiusapan ko si dean tungkol dito, pumayag naman siya. Hindi naman raw kasi siya ang mag ha-hire saakin kundi yung may-ari ng Stancolt. Pilosopo rin, diba?

Kaagad kong pinara ang paparating na taxi. Pagkapasok ko sa loob ay laking gulat ko pa ng madatnan sa loob si Hareon na magkasalubong ang kilay. Bakit nandidito 'to? Tangina... May kotse siya, ah?

"Ginagawa mo dito?" Naka taas kilay kong tanong pagka upo ko.

"Bakit, ikaw lang ba pwedeng sumakay ng taxi? Is this even yours?"

Aba,

"Hindi. Pero kasi, may kotse ka naman. Sumakay sakay ka pa rito." Sabi ko sakaniya.

Irita niya akong tinignan. "Na flat ang gulong ko." Simpleng sagot niya at napansin kong napatingin siya sa...

Gago!

Nilakihan ko siya ng mata pero nag iwas lang siya ng tingin.

"Wala naman akong nakikita. Bakit ka nagagalit?" Tanong niya at sa bintana pa rin nakatingin.

Napaka bastos talaga ng bibig ng gagong 'to. Bwisit na... Bakit sa dinami daming pwedeng sakyan na taxi ay dito pa siya sumakay.

Hindi ko na siya pinansin. Naka cross arms lang siya at nakapikit ang mata. Ako naman ay sa bintana na lang tumingin. Kung iisipin, bwisit na bwisit ako sakaniya kahapon. Ang laki ng pinagbago ng gagong 'to. Ang bastos niyang bibig ay lalo pang lumala. Napaka rude niyang magsalita.

Pero hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit.

"Dito na po tayo."

Mabilis kong inabot sa driver ang bayad ko at mabilis na lumabas ng taxi.

Lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating sa bus station ng Stancolt.

Mabilis namang nahanap ng mata ko si Ayrees na nanlalaki ang matang nakatingin saakin. Ano na naman kayang problema ng babaeng 'to.

"Gago, pinuntahan ako nila tito at tita sa bahay namin, ah."

Inosente ko siyang tinignan. "Oh? Kamusta na sila tita at tito mo? Nakauwi na pala sila galing abroad?" Tanong ko at ngumiti.

Mahina niya akong kinurot sa tagiliran na ikina aray ko. Masakit pa rin kaya no.

"Hindi! Yung mga magulang mo ang tinutukoy ko, tanga! Nagpunta sila sa bahay, nasaan ka raw?" Inis na tanong niya.

"Luh, hindi ba ang sabi ko sakanila kapag hindi ako nakauwi, ibig sabihin nandoon ako sa apartment ko? Ba 'yan." Napakamot pa ako sa ulo.

"Psh, akala tuloy nila itinatago kita. Pinahalughog ko na nga sakanila yung buong bahay namin, eh."

Nangunot ang noo ko. "Ano sabi?"

"Kapag hindi mo raw sila tinawagan kung nasaan ka, hindi mo na raw makikita ang mga babies mo." Sabi niya at diniinan ang salitang 'babies'

To Be With Him Again (COMEBACK SERIES #1)Where stories live. Discover now