Kabanata 6

130 7 0
                                    

Falling Apart

Hindi kami okay ni Jude...

'Yan kaagad ang sumagi sa isip ko pagkatapos ng ilang buwan na hindi niya pagpansin sa akin simula noong iniwan ko siya kay Maureen. Oo na, may kasalanan na ako at pinagsisihan ko na 'yon. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko 'yon ginawa. Gusto ko lang din namang makita ni Maureen na hindi interesado si Jude sa ibang babae pero bakit ganito naman ang nangyari?

Ilang araw pa lang kaming hindi nag-uusap no'n ay nabalitaan ko na nagkakamabutihan na raw sila ni Maureen. He even followed her when she was moved from section A to section B. I tried apologizing several times, pero kapag gagawin ko iyon ay todo iwas naman siya sa akin. Kahit kapag pumupunta ako sa bahay nina Tita Nika ay hindi niya rin ako pinapansin.

Isang school year kaming hindi nagpansinan at halatang-halata iyon ng mga taong sanay kaming nakikitang magkasama. Tinatanong pa nila ako kung ano ang nangyari, sinasabi ko na lang na ako ang may kasalanan. It is not my intention to shoo Jude away, I'll never think of that even for a while.

"Hindi ka na kinakausap, lapit ka pa nang lapit. Makulit ka talagang nilalang ka," sabi ni Gael nang buksan niya ang gate ng mansyon nila para sa akin.

"Gusto ko ngang mag-sorry, ayaw naman akong pakinggan." Ngumuso ako at sinundan siya.

"Don't be surprised, nasaktan mo yung tao kaya syempre magagalit 'yon. Ireto mo ba naman sa iba kahit alam mo naman na ikaw lang ang gusto. Mag-matured ka naman Caeli, fourth year high school na tayo sa susunod na pasukan kaya dapat pinag-iisipan mo na ang mga ginagawa mo." Tumikhim siya at minuwestra ang daan papunta sa kung saan sila nagpa-practice ni Jude ng basketball.

Topless Jude kaagad ang bumungad sa mga mata ko. Hindi niya nakita ang pagpasok namin dahil abala siya sa bola. Namamangha pa rin talaga ako sa katawan ni Jude, his muscles are all already in the right places. He looks like a man, a grown-ass man!

"I'll lock all the exits para makapag-usap kayo nang maayos. Naiirita na ako sa drama niyong dalawa kaya tapusin niyo na 'to ngayong araw," bulong ni Gael at saka umalis na, leaving me and Jude in the small field.

Hindi ko alam kung paano siya tatawagin o lalapitan, siya kasi ang palaging nag-a-approach sa akin noon. Tahimik na lang akong umupo sa bench at pinanood siya kung paano i-shoot ang bola. Napapamura siya tuwing sumasablay at wala namang siyang reaksyon kapag pumasok ang bola. Out of ten attempts to shoot the ball, dalawa lang ang pumapasok.

"Putangina, Jude! Malapit na ang finals, tanga-tanga ka pa rin magpuntos! Ano'ng problema mo?!" kausap niya sa sarili niya bago hinagis ulit ang bola sa rim pero sumablay naman.

"Ano?! Caeli na naman?! Ayaw nga sa 'yo, 'di ba?! Putangina talaga!" sigaw niya at muling hinagis ang bola at hindi na naman pumasok.

Mukhang nainis na yata siya at iniwan na ang bola. I thought that was my chance to approach him but he turned his back at me, pumunta siya sa kabilang sulok ng field. Hindi pa rin niya ako nakikita kaya dahan-dahan ang paglakad ko papalapit sa kanya. My heartbeats are insane.

I saw him lit a cigarette. I didn't know he's smoking, ang bata niya pa para d'yan. Marahas ang pagbuga niya ng usok at humapas 'yon sa mukha ko kaya napaubo ako nang wala sa oras.

Mabilis siyang napalingon sa akin at nanlaki ang mga mata dahil sa gulat. Ngumiwi siya at saka pinatay ang sindi ng sigarilyo niya at marahas na binato iyon sa kung saan. Napaatras ako nang akala ko ay lalapitan niya ako pero nilagpasan niya lang ako.

Keeping The Clouds (After School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon