Painless Morning
"Good morning, class."
"Good morning, Sir De Almeida!"
Pinaupo na kami ng teacher namin sa MAPEH this school year. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay first year pa lang kami. Mabuti na lang na ngayon ay hindi na namin kailangang umupo alpahabetically at pwede na namin makatabi kung sino man ang gusto namin.
"Tatabihan ko si Viana," bulong ko kay Jude na ayaw akong paalisin sa tabi niya.
"Hayaan mo na si Gael doon," sabi niya.
Hindi naman kaya katabi ni Gael si Viana, ewan ko ba sa lalakeng 'yon, sumobra ng torpe. Nasa likuran lang siya ni Viana na halatang gusto siyang tabihin pero parehong nagkakahiyaan. Siguradong pumapalakpak ang tenga ni Gael sa tuwa.
"Naka-elect na ba kayo ng officers niyo?" tanong ni Sir De Almeida.
Sinabi naming hindi pa kaya sinimulan niyang buksan ang nomination para sa president. May nag-nominate sa akin at kay Gael pero mas maraming bumoto kay Gael kaya siya na ang pinapunta ni sir sa harapan para magpatuloy.
"I nominate Caeli for Vice President," sabi ni Maureen at ngumiti sa akin.
"I move to close the nomination," kaagad na sabi ni Zeno kahit wala pa naman akong kalaban.
Muntik siyang batukan ni sir pero nakaiwas siya. "Joke lang, sir."
Naghintay pa kami ng magno-nominate kaso wala talaga kaya ako na ang naging Vice President. Si Maureen ang naging Secretary dahil maganda raw ang sulat at ang kaibigan niyang si Yumi ang naging Treasurer dahil marami raw pang-abono. Grabeng mga dahilan para maboto sa position.
"Huwag si Viana sa Auditor, bobo sa math 'yan. Dapat muse 'yan, malakas sa lalake, eh," pabirong sabi ni Larry at saka tumawa kasama ang mga kaibigan niya
Halatang hindi nagustuhan ni Viana ang sinabi ni Larry at mukhang nanliit dahil sa kahihiyan. Tumingin ako kay Gael na nag-iigting ang mga panga at nakakuyom na ang mga palad. Naku, huwag niyong inaano ang bebe niyan!
"Why don't you be the Auditor, Larry?" Bumaling siya kay Maureen na tagasulat sa board ang ganap. "I nominate Larry Baguinon for Auditor," mariin niyang sabi.
"I move to close the nomination," sabi ulit ni Zeno.
"I second the motion," segunda ni Jude.
"Oy, Florian at Bosco, pag-uuntugin ko kayong dalawa," pabirong banta ni sir.
"I second the motion," sabi ni Larry kaya natawa ang buong klase.
Hindi ko alam kung naging maayos ba ang pag-e-elect namin ng officers pero mukhang matitino naman kami. Si Larry ang naging Auditor, si Jude ang Sergeant at Arms, si Zeno ang naging Escort, at si Fiona ang naging muse. Ni-nominate nila si Viana para sa muse pero natalo siya ng dalawang puntos, hindi ko kasi siya binoto at si Gael. Ayaw ni Gael na manalo siya.
"Magsiupo na kayo at naubos na ang oras ko," sabi ni sir pero naabala na naman nang may kumatok sa pinto.
Lumabas siya sandali kaya parang tinubigang palaka na naman ang mga kaklase ko na araw-araw namang nagkikita pero laging ang daming mga kwento.
BINABASA MO ANG
Keeping The Clouds (After School Series #2)
Romance"I love you even the darkest clouds come upon us." ***** Both were raised by abusive parents and found peace in each other's arms. Jude and Caeli were best friends, a kind of relationship that was formed to cover the scar that was brought by their o...