Kabanata 15

117 7 0
                                    

Unforgettable

"Cha!"

Halos mapatalon ako dahil sa gulat sa pagsigaw ni Jude. Hindi pa ako natatapos maligo at basa pa ang buong katawan ko pero pinili ko pa ring puntahan siya. Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit malapit sa pinto ng banyo at pinuntahan ang asawa kong eskandaloso.

"Napano ka, Jude?" tanong ko habang nagpupunas ng katawan.

Suot na niya ang uniform niyang pamasok at hawak niya ang cellphone ko.

"The doctor called—Dr. Alvarez. He was expecting you yesterday. Ang sabi mo ay sa susunod na linggo pa ang balik mo sa kanya para makuha ang resulta?" Nagtaas siya ng kilay. "Magbihis at magpunta ka sa ospital para makuha ang resulta. Hindi kita masasamahan ngayon dahil exam ng mga bata." Lumapit siya sa akin at humalik sa noo ko. "I'll see you later. I-text mo ako kapag nakarating ka na sa ospital at kapag pauwi ka na."

Tinulungan niya muna akong makapagbihis bago tuluyang umalis. Paulit-ulit na ang mga bilin niya sa akin para hindi ko raw makalimutan. Hindi naman ako nainis, mas gusto ko ngang ganito siya—nasa akin lahat ng atensyon niya.

Muntik pa akong maligaw papuntang ospital, mabuti na lang ay nakapagtanong ako. Sinulat ko na rin ang pangalan ni Dr. Alvarez para hindi ko na makalimutan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naghihintay sa loob ng opisina ni Dr. Alvarez, hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari pagkatapos kong marinig ang sakit ko. Sana ay wala pero kung meron man, huwag na lang sanang malala. Ayokong mahirapan si Jude sa pag-aalaga sa akin.

Tipid ang mga ngiti sa akin ni Dr. Alvarez nang dumating siya at umupo sa swivel chair. May binasa siyang mga papel bago ulit tumingin sa akin.

"Hello, Mrs. Florian. Nakalimutan mong bumalik. Kinailangan pa kitang tawagan para lang malaman mo kaagad ang resulta. The results of your tests can't wait. I don't want to scare you but I cannot think of another way to say this to you. In my 6 years being a neurologist, I may look young but I am already 43 years old." He chuckled. "This is my first time encountering a patient with early onset dementia."

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kahit hindi ko namana naintindihan ang mga sinabi niya. Dementia lang ang pumasok sa utak ko, the rest is a puzzle.

"Hindi ko kayo maintindihan, doc. Ano po ang sakit ko? D-dementia? Ang bata ko pa po para magkaroon ng gano'n," nanginginig ang mga labing usal ko.

"Not in all cases that dementia affects a person in old age. May mga instances na maagang lumalabas ang sakit na ito sa isang tao, kagaya mo. Based on your PET test result, you have amyloid protein that clogged the veins of your brain which is a sign of Alzheimer's Disease. You failed your cognitive test and we detected amyloid protein in your brain. You have Alzheimer's Disease, Mrs. Florian. Namamana ang sakit na ito o dahil na rin sa isang head trauma. In your case, you had both. I'm sorry." Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"A-Alzheimer's Disease? Malala po ba ang sakit na iyon?" Kinagat ko ang labi ko at pilit na tinanggap ang mga sinasabi niya. Dahil sa dementia kaya namatay ang lola ko. Matanda na siya kaya natanggap na rin namin pero paano ako?

"You are a math teacher, right?" tanong niya.

"Yes, a high school math teacher." Tumango ako.

"You have to resign soon. You have already an idea what dementia is, right? You will forget everything, little by little. You will forget how to live normally, you will forget your family, you will forget your husband."

Keeping The Clouds (After School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon