A Mistake We Can't Undone
"Hija, naaalala mo pa ba ako?" tanong ni Tita Nika sa akin nang bumisita siya sa akin nang araw na iyon.
Nakapasok na si Jude at ito na ang last day niya sa trabaho. Nalulungkot ako pero iyon ang gusto niya, susuportahan ko na lang siya. Pwede pa naman siguro siyang bumalik kapag gusto na niya na ulit.
"Oo naman po, tita. Hindi ko naman po kayo kaagad makakalimutan."
Malaki ang ngiti niya sa naging sagot ko sa kanya. "Mabuti naman kung ganoon. Pasensya ka na at ngayon lang ako nakadalaw dahil sobrang abala ko sa trabaho, pinoproblema ko pa si Gael at Vianna. Kabibisita ko lang sa kanila kahapon." Nilapag niya sa dinning table ang mga dala niyang pagkain.
Tinulungan siya ni Nurse Ara at ako naman ay pinagmamasdan lang sila. Kung buhay pa siguro si mama ay isa rin siya sa nag-aalaga sa akin ngayon, hindi siguro ako no'n lulubayan palagi. Bigla ko tuloy siyang na-miss, parang totoong-totoo kasi ang panaginip ko kagabi. Magkayakap raw kami tapos ang liwanag ng paligid namin, sobrang gaan din ng pakiramdam ko at parang ayoko nang umalis sa tabi niya. Ngayon ko lang ulit siya napaginipan kaya naman ngayon ay sobrang nangungulila ako.
"Ubo ba 'yan o nasamid ka lang?" tanong ni Tita Nika nang sa kalagitnaan ng pagkain namin ay dinalaw na naman ako ng matinding ubo.
"Nasamid lang po." Tinakpan ko ang bibig ko nang maubo ulit.
"Sasabihin ko kay Jude na ipa-check-up ka na, hindi maganda sa sakit mo ngayon ang magkasakit sa baga. Baka lumalala ka pa niyan kung hindi maagapan." Bumaling siya kay Nurse Ara. "Sabihan mo ang asawa na dalhin na sa doctor ang batang ito, ako na ang bahala sa gastos."
"Tita Nika, hindi na po. Ayos lang po ako, tsaka kaya naman po namin ang gastos. Nakakahiya na sa inyo, ang dami niyo nang naitulong sa amin." Totoo iyon, simula nang malaman niya na may sakit ay lagi na lang siyang nagbibigay ng pera sa amin ni Jude. Kahit pa may sarili siyang problema at hindi niya nakaligtaang tumulong sa amin kahit minsan.
"Ngayon ka pa nahiya sa akin, nakita ko kung paano ka lumaki. Muntik na nga kitang ampunin noong nalaman kong naglayas ka sa bahay niyo pero kasama mo Jude at mas gusto niyong mamuhay nang kayong dalawa lang kaya hindi na ako nangialam. Hayaan mo akong tumulong sa gastos dahil ito lang ang kaya kong gawin." Hinaplos niya ang likod ko.
Pinunas ko sa shorts ko ang dugong nasa palad ko para hindi nila makita pa. Ngumiti na lang ako at tumango. Natatakot na kasi talaga akong bumalik sa ospital, huling punta ko roon, nalaman kong may Alzheimer's Disease ako. Baka sa pagpunta ko n'yan ay may malala na naman akong sakit, hindi ko na yata kakayanin iyon.
Umalis din si Tita Nika bago mag-lunch dahil may meeting pa raw siya na dadaluhan. Si Nurse Ara ay naging abala sa kwarto, lilinisin raw niya ang bahay dahil baka sa alikabok ako nauubo. Gusto ko nga sanang tumulong kaso ang sabi niya ay magpahinga na lang daw ako. Dahil sa sobrang inip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa. At 'di kagaya ng paniginip ko kagabi, isang bangungot ang gumising sa akin. Kinapa ko ang katawan ko, ramdam na ramdam ko ang hapdi ng mga palo sa akin ni papa hanggang ngayon, parang nandito pa rin kahit napakatagal nang panahon iyon.
Niyakap ko ang sarili ko at umiyak, takot na takot pa rin ako hanggang ngayon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit ganoon na lang ako saktan ni papa noon. Parang hindi niya ako anak kung hatawan niya ako ng sintron niya.
"I just want to know if he loved me as his child even once, if he felt a little guilty whenever he will hit me with his belt. Bakit siya galit na galit sa akin?" Tumayo ako at tinungo ang pinto palabas.
I want to see my father for the last time and ask him those questions. Hindi matatahimik ang batang si Caeli hanggang hindi ko iyon nalalaman. Sinubukan kong kalimutan na lang iyon pero hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng multo ng nakaraan ko. Gusto kong malaman kung minahal ba ako ni papa, kung ang mga pananakit na iyon ay dahil mahal niya ko.
BINABASA MO ANG
Keeping The Clouds (After School Series #2)
Romance"I love you even the darkest clouds come upon us." ***** Both were raised by abusive parents and found peace in each other's arms. Jude and Caeli were best friends, a kind of relationship that was formed to cover the scar that was brought by their o...