Kabanata 11

135 5 0
                                    

Happy Ever After

"Pagkatapos ng graduation ni Gael ay diretso na tayo sa simbahan," sabi ni Jude kaya nilingon ko siya.

"Ano'ng meron sa simbahan?" takang tanong ko.

"Kasal nila, hindi ba? Maid of honor ka kaya dapat maaga ka." Kinuha niya ang damit na susuotin ko at nilagay iyon sa bag na dadalhin namin.

"Oo nga pala." Napangiti ako nang mapagtanto ang mangyayari. "Kakasal na si Viana at Gael! Ang galing!" Pumalakpak ako.

"Tayo naman sa susunod," sabi niya habang may malaking ngiti sa labi.

"Sure pero bili muna tayong bahay. Kasya na kaya ang pera ko sa trust fund ko?" Magkano ba ang isang bahay? Hindi naman iyong sobrang laki. Gusto ko lang yung magkakasya na si Jude sa comfort room.

"Maghahanap tayo ng mura, yung dalawa ang kwarto." Tinabi niya ang bag sa akin.

"Para hiwalay tayo?" tukso ko sa kanya.

"Para sa magiging anak natin ang isa." He pinched my cheek. "Bakit gugustuhin kong magkahiwalay pa tayo? Aanakan na kita kaagad pagkatapos ng kasal natin. Akala mo ba hindi ko napapansin na panay ang pang-aakit mo sa akin? Kahit mas mataas pa sa akin ang respeto ko sa 'yo, lalake pa rin ako." Kiniliti niya ako hanggang sa mapahiga na ako sa kama.

"Tama na, Jude! Sorry na! Hindi na kita aakitin!" Pilit kong inaalis ang kamay niya sa tagiliran ko pero nanghihina na ako sa kakatawa.

Bigla ko na lang hinalikan ang labi niya at pinalupot ang mga bisig ko sa kanyang leeg. At effective naman pala ito, nahinto siya sa pagkiliti sa akin.

"Yung mga nagsabing hindi tayo magtatagumpay at magiging mga batang magulang gusto ko silang hanapin para maipakita kung nasaan na tayo ngayon. Ang galing natin, Jude. Hindi tayo naging kagaya ng mga iniisip nila. Proud na proud ako sa ating dalawa. Wala tayong kaagapay pero nakaya nating makapagtapos. Kung nakikita tayo ng mama ko at ng mama mo, siguradong masayang-masaya sila para sa atin." Tumingin ako sa kanya, nakatingin din pala siya sa akin. "Bibisitahin ko si mama pagka-graduate natin, ipapakita ko sa kanya ang diploma ko."

"Sasamahan kita." Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan bago niya ako inutusang maligo na para makapunta na kami sa bahay nina Gael. Nandoon na kasi si Viana at para matulungan ko siya sa pag-aayos. Si Jude naman ang kasama ni Gael sa simbahan.

"Hindi ko naisip na dapat hindi backless ang pinili kong dress. Kitang-kita siguro ang mga peklat ko sa likod n'yan," usal ko at biglang nanamlay dahil naiisip ko ang itsura ko kapag suot na ang dress.

"You should be proud of it," sabi ni Jude.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko makita nang maayos ang mukha niya dahil nagsisikan kami sa loob ng tricycle papunta sa mansyon ng mga Veda.

"I should be proud that I was abused by my father when I was a child?" Nagtaas ako ng kilay.

"Those were your fighting scars. They are there because you endured them. Imagine if you gave up a long time ago, those scars will never exist." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Hindi na ako nakapagsalita dahil naintindihan ko kaagad ang sinabi niya. Bigla kong naisip kung gaano ako katibay noon. Sa murang edad ko ay parang hayop na lang ako kung latiguhin ng tatay ko pero hindi man lang ako sumuko sa buhay.

Keeping The Clouds (After School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon