Kabanata 23

121 7 0
                                    

Slowly Burning

Nagdadalawang-isip pa si Jude kung papasok siya at iiwanan ako o magpapaalam na naman siya na hindi papasok. Ang dami na niyang absent at baka hindi na siya maging principal n'yan. Tinulak ko pa siya palabas ng bahay para pumasok na siya, nakabihis na nga at lahat, nagawang humiga sa kama. Ang kulit!

Kahit naman gusto ko siyang nandito, ayaw ko naman na masanay siya sa ganitong setup. He has to work, baka matanggal na siya sa rami ng absent at leave niya. Ang kasama ko ngayon sa bahay ay si Nurse Ara na pinadala ni lolo para magbantay sa akin tuwing wala si Jude. Siya ang personal nurse ni lola noon kaya nakampante na rin si Jude na umalis.

"You have a nice diet, Cha." Ngumiti sa akin si Nurse Ara habang hinahanda ang pagkain ko.

"Nang malaman kasi ni Jude ang sakit ko, he made sure that everything I eat will somehow improve my condition. Alam naming pareho na hindi na ako gagaling pero pareho rin naming gusto na magtagal ako." Yumuko ako at humina ang boses ko sa huling pangungusap.

"Syempre naman magtatagal ka, Alzheimer can be deadly kung hindi matutukan nang mabuti. Sa nakikita ko naman, you are very healthy. Hindi ka mukhang may sakit, normal pa rin ang timbang mo at magana ka pa ring kumain. Ang problema mo lang siguro ay kapag umatake na lang bigla. You said you peed on your pants in the public place, that's not your fault or Jude's fault." Nilapag niya ang tanghalian ko sa harapan ko.

"I am not blaming him for everything I'll do. Noon pa man ay nandyan na ang asawa ko para sa akin, kahit noon pang mga bata kami at wala pa siyang responsibilidad sa akin. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa kong mabuti para ibigay sa akin si Jude. Hindi ako paladasal o pala-simba. I even questioned Him for making my life miserable from the very beginning but still, I feel His love for me through my husband. I realized that I don't have to ask for more." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at sinimulan nang kumain.

"You are always loved Cha. Your mother was my best friend, ako ang una niyang sinabihan nang malaman niyang buntis siya sa 'yo. She wasn't scared at all because she wants to keep you. Kahit magalit ang papa niya, kahit tanggalan siya ng mana, o itakwil siya bilang anak, ikaw pa rin ang pipiliin niya. Sinabi ko lahat ng mga pwedeng mangyari sa oras na ituloy niya ang pagbubuntis, she readied herself. Ang hindi lang niya siguro napaghandaan ay tunay na ugali ng tatay mo. Nagtiis siya, hindi ba? Pinanindigan ka niya. She did her best to give you a family." Mahina siyang natawa. "The last time we talked she said that she failed you."

Umiling ako. "She didn't fail me at all. Bakit niya naiisip 'yon? She's the best mother,  she did her best to give me a normal life despite my father. Alam niyang malapit na siyang mawala kaya binigay na niya ako kay Jude. She knew I'll be in good hands."

"Thank goodness, you are still remembering her memories with you. Finish your food, pwede na kayong maglaro ni Susan mamaya," sabi niya at sinaluhan na rin ako sa pagkain.

Pinaliguan ko ngayon si Susan dahil amoy ko na siya at ang dumi na rin ng balahibo niya. Hindi ko namalayan ang oras dahil masyado akong natuwa sa pagpapaligo sa kanya, nahinto na lang ako nang makitang nanginginig na siya at paiyak na rin ang tahol.

"Kanina mo pa pinapaliguan si Susan, baka magkasakit na 'yan. Nilalamig na siya oh!" bungad sa akin ni Nurse Ara nang pumasok siya sa banyo.

Kinuha niya sa akin si Susan na sobra na kung manginig dahil sa ginaw at binalot sa malinis na puting tuwalya. Tiningnan ko ang kamay ko na namumutla na at sobra na ang kulubot dahil sa pagkababad nang matagal sa tubig. 

Keeping The Clouds (After School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon