Prologue

50 2 1
                                    

"Kakapasok lang po na balita,"

Bungad pa lang ng news anchor mula sa screen ng telebisyon ay natataranta na ako sa aking gagawin at sa kung ano pa ang pwedeng mangyari ngayong gabi.

"...halos balutin na ng dugo ang mga daan at imprastraktura ng bawat bansa, ilang minuto lamang ang nakakalipas dahil umano sa hindi inaasahang pandaigdigang pandemya na tatamang muli sa sangkatauhan."

Kahit nanginginig ang aking mga kamay, pinilit ko pa ring maging kalmado habang naglalagay ng iilang damit namin ng aking bunsong kapatid sa aking backpack.

"Don't worry, Ozie. Mama is coming home," sabi ko pa sa kapatid kong mahimbing ang tulog sa kaniyang kuna.

Pilit kong pinapatatag ang aking sarili ngunit hindi ko pa rin mapigilang mag-alala para sa kalagayan ng aming ina. Saan na kaya siya ngayon?

Bagaman nakasara ang lahat ng bintana sa aming tahanan, rinig pa rin ang hiyawan ng mga tao sa labas, nagsisitakbuhan upang iligtas ang kanilang mga buhay.

"Shit!" bulalas ko nang mahulog ang aking cellphone mula sa aking pagkakahawak.

Agad ko naman itong pinulot upang maisakatuparang tawagan ang aking inang hindi pa nakakauwi mula sa kaniyang trabaho.

"Sa ngayon, hindi pa tukoy ng mga eksperto ang lunas o solusyon sa hindi pa nakikilalang uri ng virus."

Bumungad sa lockscreen ang imahe naming tatlo; ako, aking ina, at si Ozie habang masayang nakangiti na parang isang buong pamilya.

"Kung ikaw ay nakapagpaturok ng vaccine ay mainam na i-lock ang sarili upang hindi na makapapinsala ng iba pang hindi natatamaan. Gayunpaman, kung ikaw naman ay hindi pa natatamaan ng virus na ito ay pipapaalalahanang lumikas na at salbahin ang iyong buhay--"

Bigla na lamang nag-glitch ang tv kaya pinatay ko muna ito.

Nakatitig ako sa screen ng aking cellphone habang dina-dial ang numero ng aking ina. Tatawagan ko na sana ito ngunit walang koneksyon.

Labis akong nabahala sapagkat wala na akong ibang paraan upang ma-contact ang aking ina.

Ilang saglit lamang, bigla akong nakarinig ng katok mula sa labas ng aming pintuan na siyang dahilan ng pagliwanag ng aking mukha. Ngunit sa takot na baka isa itong estranghero, hindi ako lumapit sa pinto hanggang hindi ko pa nakumpirmang si mama nga iyon.

"Burn," boses ni mama. "It's me. Buksan mo ang pinto, bilis!"

Nagmamadali akong buksan ang pinto, nakita ko ang aking ina at niyakap ko agad ito.

"Akala ko may nangyari na sayo." Naluha ako sa tuwa. "I'm glad that you're safe."

Sa wakas, makakaalis na rin kami rito.

Ngunit nakapagtatakang hindi niya ako niyakap pabalik. Kumalas ako ng yakap sa kaniya at napansin kong hawak nito ang kaniyang kaliwang braso.

May kagat si mama.

Unti-unti siyang namumutla habang tumutulo ang dugo mula rito.

"What happened, Ma?!" Nagulat ako sa aking nakita.

"I'm sorry, Burn." Tanging mga salitang binitawan niya.

Hindi ko maialis ang aking tingin sa dumudugo niyang braso. Magkahalong takot at pag-aalala ang gumugulo sa aking isipan; takot na dahil sa kaniyang kaagayan ay maaari siyang bawian ng buhay at pag-aalala sa posibilidad na mahawaan niya kami ng aking bunsong kapatid sa kakaibang pasalubong na kaniyang inuwi ngayong gabi.

The Safe ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon