Chapter 1: Escaped?

19 2 3
                                    

Earlier that day...

"Alagaan mo ang kapatid mo, ha."

Iyon ang mga salitang pagaling binibitawan ni mama sabay yakap at isang halik sa aking pisngi bago siya umaalis papunta sa kaniyang trabaho. Sa dahilang wala itong katuwang sa paghahanap ng pera, minabuti ni mama na magsikap para may maipakain lang sa amin.

"Anong oras ka makakauwi mamaya, ma?" tanong ko sa kaniya.

"Same time. Pero kung hindi ako makakaabot sa tamang oras, mauna na ka ng matulog," tugon niya.

"Yung pasalubong ko, ma." Pahabol ko pa kaya natawa naman ito.

"Sinasabi ko na nga ba at hihingi ka na naman ng pasalubong. You're too old for pasalubong."

"Si mama naman. Wala namang age requirement ang paghihingi ng pasalubong," biro ko sa kaniya.

"Oo na. At hindi ko naman nakakalimutang bigyan ka ng pasalubong." Nagsuot na ito ng facemask. "Don't forget to do you modules."

Ilang taon na ang nakalipas nang kumalat ang COVID-19 sa buong mundo. Kahit wala na ito, nakasanayan parin ng mga tao ang pagsusuot ng face mask upang depensa sa mga sakit.

"Opo, ma," huling sagot ko bago siya hinatid palabas ng bahay.

Nagmomodule lamang ako upang mabantayan ang aking kapatid. Isang semester na lang at makakapagtapos na rin ako sa senior high.

Ulila ako sa ama, gayundin ang aking kapatid. Bunga ako ng isang maling desisyong pagtatanan nilang dalawa ng aking ama sa pag-aakalang hindi na siya iiwan nito. Sanggol pa lamang ako nang iwan ako ng aking ama.

Nagkaroon ng depresyon ang akin ina at muntik na niya akong ipalaglag. Ngunit sa kabutihang palad, hindi niya naituloy nang mapagtanto niyang bilang isang sanggol na nabubuo sa loob ng kaniyang sinapupunan ay wala akong kasalanan sa nangyari sa kaniya. Sa halip daw na ikakasuklaman niya ako, bubusugin niya ako ng pagmamahal na ipinagkait sa kaniya ng aking ama at naisakatuparan niya nga iyon.

Habang ako ay lumalaki, minsan ko na siyang tinatanong tungkol sa aking ama ngunit pilit niyang iniiba ang usapan at sinasabihan niya akong huwag ko na raw iyong isipin dahil iniwan niya na kami kaya hindi ko na rin siya pinilit pang isiwalat ang tungkol sa aking ama.

Bago pa man ako nakatungtong ng high school, nagkaroon ulit ng manliligaw si mama. Promising masyado ang mga salitang binibitawan ng lalaking iyon. Ngunit nang malaman niyang nabuntis niya ang mama ko, naghalo na lamang ito.

Nagdusa ng depresyon si mama ngunit mas pinili niya na isipin ang kalagayan ng magiging kapatid ko kaya kinaya niya ang mga pinagdaaanan niya sa buhay.

Halos nagging maselan ang pag bubuntis ng aking ina kaya napilitan akong huminto sa pag-aaral at pumasok ng iba't ibang raket upang makatulog sa gastusin sa bahay. Labag man ito sa aking kalooban, ngunit kailangan ko itong gawin para sa aking ina at magiging kapatid.

Kamakailan lang ako nakabalik sa pag-aaral kaya mas pinag-iigihan ko ito.

Nakatira kami sa maliit na bubong, sakto lang para sa aming tatlo. Sa ngayon, nagtatrabaho si mama bilang isang call center agent, malayo mula sa aming tirahan. Mabuti nalang at nabigyan ng kotse si mama ng kaniyang boss kaya hindi na siya nahihirapan sa transportasyon papunta sa kaniyang tinatrabahuan.

Habang lumulubog na ang araw, nagulat na lamang ako nang magsimulang maghiyawan ng mga tao sa labas.

"Mga kapitbahay, totoo nga ang mga zombies!" Sigaw pa ng isang dakilang chismosa sa aming lugar.

Akala ko'y nagbibiro lamang ito, ngunit nang buksan ko ang bintana ay mas lalo akong nagulat sa aking nasaksihan: kinakain ng isang hindi maipaliwanag na uri ng nilalang ang chismosa na kanina pa nagsisisigaw sa takot.

The Safe ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon