Maingat ang bawat paghakbang namin habang tinatahak ang daan patungo sa isang hotel.
Nakarinig kami ng kaluskos sa kabilang parte ng daan na dahilan ng aming agarang paghinto. Hinigpitan ko ang paghawak sa carrier ng aking kapatid na nasa aking harapan at ganun din sa aking backpack upang maging handa ako sa pagtakbo sakaling mayroong masamang mangyayari.
Pinagmasdan nito ng maigi ang buong paligid. Dahil sa liwanag ng buwan, nakaagaw ng atensyon ko ang anino ng zombie habang kagat-kagat nito ang ulo ng kaniyang biktima hindi gaanong malayo sa kinaroroonan namin. Mukhang nakahanap na ito ng kaniyang hapunan.
Ilang segundo ang makalipas sumenyas na ang lalaki na nangangahulugang maari na kaming magpatuloy sa paglalakad.
Nang malapit na naming maabot ang pinto ng gusali, sa kasamaang palad hindi ko namalayan at nakaapak ako ng guping lata na siyang gumawa ng ingay sa buong paligid.
Naalarma ang lalaki kaya agad itong napasigaw.
"TAKBO!"
Dahil sa tensyon na dumadaloy sa buong katawan ko, agad din akong napatakbo. Nakasunod ako sa likod ng lalaki at napasok na nga namin ang loob ng hotel. Ngunit hindi pa kami ligtas. Dinig na dinig ng dalwa kong tenga ang mga yabag ng napakaraming nilalang na nakabuntot sa amin.
Lumilikha sila ng ingay na parang mga nababaliw na mga halimaw. Ang lansa ng buong paligid ay lalong tumitindi habang sila ay palapit nang palapit.
Are we gonna die?
"Bilisan mo, bata!" sigaw ng lalaki kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Pumasok siya sa elevator at sinundan ko siya. Habang nasa loob ng elevator, sinigurado niyang ligtas kaming dalawa ng aking kapatid at matapos mapindot ng numero ng ika-limang palapag, inabangan nito ang mga halimaw sa pinto.
Habang hindi pa nakakalapit ang mga ito, agad siyang nagpaputok ng napakaraming beses bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator.
Sabay kaming humabol nga aming mga hininga sa loob. Napasandal ang lalaki sa pader ng elevator dahil sa pagod.
"Sorry po," tanging salitang aking nabitawan habang hingal na hingal mula sa pagtakbo.
Ngunit hindi niya ako sinagot. Nakayuko na rin ako sa sobrang hiya sa kaniya kaya't hindi ko makita ang reaksyon ng kaniyang mukha. Marahil galit ito sapagkat dahil sa akin ay muntik na kaming mapahamak.
Tumunog na ang elevator na siyang hudyat na bubukas na ang pinto. Kaya naman humanda na ang lalaki ng kaniyang armas at itinutok sa likod ng pinto.
Bago kami nakalabas, maiging siniyasat muna nito ang paligid. Nang makasigurong walang peligro, naisakatuparan na naming lumakbay papunta sa kaniyang kuwarto.
"Salamat po," salitang nabigkas ko nang makapasok na kami sa loob ng kuwarto.
Napaupo ako agad sa isang kama na nasa kaliwa dahil sa pagod habang inilock naman ng lalaki ang pinto. Hindi ko tinanggal ang suot kong face mask upang makasigurado ako sa aking kaligtasan.
"Hindi ka dapat bumabyahe sa ganitong oras, bata," paalala nito matapos niyang tanggalin ang facemask na suot niya.
Hindi man lang siya tumugon sa aking pasasalamat. Hindi naman sumama ang loob ko dahil alam kong may kasalanan ako sa kaniya.
"Mabuti na lang at nakita ko kayo bago pa ako naunahan ng mga zombie."
Siya ito, ang lalaking gumulat sa akin kanina at muntikan pa akong mapasigaw ngunit sa kabutihang palad, mabilis niyang natakpan ang bunganga ko at agad niya akong pinakalma. Nang makita niya ang bunso kong kapatid na nasa front seat, agad siyang nagalok ng tulong kaya sumama kami sa kaniya. Hindi man ako siguradong mapagkakatiwalaan ang lalaking ito subalit sa sitwasyong ito ay wala na akong ibang mapagpipilian.
BINABASA MO ANG
The Safe Zone
TerrorIt was in the year 2075 when the COVID-19 vaccines turned out to ignite fire of the greatest destruction to happen in the entire human race. Rayburn Travino, a teenager, was with his five months old younger brother when the news flash said that the...