Habang nagbabasa si Hydra ng kanyang mga orasyon sa isang natatanging libro ng mga salamanka, Napag isip-isip niya na tila hindi pa sapat ang kanyang kasama sa paghahari sa mundo ng mga tao.Hydra : "Valentina, hindi ka ba nababagot na ako lang ang kasama mo?"
Valentina : Anong Ibig mong sabihin?
Hydra : Hindi ba mas maganda kapag marami tayong mag hahasik ng lagim? Hahaha,
Valentina : "Kung gusto mong dumami pa ang hukbo mo, ikaw na ang pumili ng mga taong gusto mong sumanib sa atin."
Hydra : At ano naman ang pag uukulan mo ng panahon para pabayaan lang ako sa nais kong mangyari?
Valentina : "Hindi ba't ikaw na din ang may sabi na, Kailangan ko nang singilin ang mga taong may atraso sakin!"
Biglang Lumabas ang ahas sa kanyang mga ulo, at naging katawan ng ulupong ang buo niyang ibabang bahagi ng katawan.
At saka lumabas ng bahay ni Hydra...
Napatawa lang si Hydra sa mga narinig kay Valentina.
Samantala, muling nagkita sina Chelsea at Karding pagkatapos ng nangyari sa gubat.
Chelsea : Karding!!!, I'm so thankful na hindi ka nasaktan ng monster na yun!
Karding : Talagang hindi! Ate chel, kasi niligtas ako ng babaeng super hero!
Chelsea : Talaga??? Sayang hindi ko man lang sya napasalamatan, sa pag liligtas niya sayo.
Aling Ara : Oh, Tama na yan kumain na tayo. Ikaw Ding ah, may dapat ka pang ipaliwanag samin.
Napatingin si Chelsea sa mukha ni Ding, At napayuko na lang din ang bata, papunta sa hapag kainan.
Manong Carlo : Kayong dalawa ay talagang itinadhanang magkita, upang damayan ang isa't isa, nakita ko yun Chelsea.
Kung pano ka mag alala nung umalis si Ding na hindi nag paalam. Kaya naman sana ay maayos ang inyong hindi pag kakaintindihan.Chelsea : Ding, I just want to say Sorry, kasi baka iniisip mong hindi ka mahalaga sakin.
Yung mga narinig mo kagabi is pinag iisipan ko pa.Karding : Ok lang po ate Chelsea, kung ayaw niyo na po talaga sakin.
Chelsea : No Ding, Its not like that, Gusto ko lang magkaroon ka ng ulit ng Nanay at tatay, para may umalalay sayo habang lumalaki ka. Kasi kung sakin ka titira, mga yaya lang ang kasama mo,kasi I have work to do, and now may dumagdag pang responsibilidad na mas malaki sakin.
Aling Ara : Ano yun Iha?
Chelsea : "Ahm, yun po yung pag checheck ko ng Renovated Subdivision sa kasunod ng baryong ito. Napakalayo na nga po ng nalakbay ko eh." Kaya karding, "I hope you understand."
Karding : (Biglang napahagulgol si Karding)
Waaaah!!!! Ate cheeeeellll Isaaammmaa mo koooo..
Nagkatinginan ang mag asawa,
Aling Ara : Chelsea, Naiintindihan naman namin ang bata, kung ayaw niyang paiwan dito kaya mas maigi sigurong isama mo na si Ding.Biglang napangisi si Chelsea Chelsea : Sige na nga, Isasama na kita. Hindi ko rin kaya na iwanan ka eh, sa hindi ko malamang dahilan."
At niyakap siya ni Ding sa sobrang tuwa.
Nag tinginan naman ng masaya ang mag-asawa.
Maya-Maya pa'y biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Chelsea : Oh my gosh! There's a network here!!! Sa unang baryo kasi eh walang signal. (Pinindot ang cellphone at sinagot ang tawag.)
YOU ARE READING
Mars Ravelo's ✨ Darna✨ "Darna Sa Makabagong Panahon"
FantasyMataas na ang sikat ng araw bago pa tuluyang narating ng mga magkakaibigang Chelsea, Trixie at Yna ang kanilang pag cacampingan at ang kasama nilang Driver na si Manong Vicencio. Every Special Day,or even birthdays ng isa sa mga magkakaibigan ay...