chapter 19

43 4 0
                                    

“And now for our 18 roses! Your first dance, the father of the debutant, Mr. Ryan Sanchez!” 

I bit my lip as the instruments played a slow song and I watched my father walking towards me. May hawak siyang rose tapos mic. 

“Ehem. Magandang gabi sa inyong lahat,” bati niya pa. “Anak, Resche, happy happy birthday. Dalaga ka na talaga. Gusto ko lang sabihin, anak, na nandito lang kami palagi ng mamsi at ng mga ate mo para sa iyo kaya huwag kang mag-aatubiling tumakbo sa amin kung kailangan mo. Alam kong ayaw mo ng drama kaya hindi ko na patatagalin ito.” Bahagya kaming natawa.  Lumingon siya sa akin. Napalabi ako nang ibigay niya sa akin ang rose. 

“Dadsi…” sambit ko pa at saka yumakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Maybe because I was just so thankful dahil talagang ginawa nila ni Mamsi ang lahat para lang ma-push itong debut ko. “Thank you po…” Ngumuso ako at mas niyakap siya nang mahigpit. Mas niyakap niya rin ako at hinalikan sa noo. Pinahid ko ang aking luha at nagsimula na kaming magsayaw. 

“Love you, anak. Sasabihin mo kung may boyfriend ka na, ha,” sabi pa niya. 

Agad akong nagkunot ng noo. “Dadsi!”

“Oh bakit? Normal lang naman iyon, ah. Alam ko namang magaling kang mamili.” Ngumisi pa si Dadsi na para bang may ipinapahiwatig. Mas lalo akong sumimangot. 

“Dadsi nga!” Tumawa lang ulit siya at umiling. 

“And for the second rose…” 

Humiwalay na kami ni Dadsi pero bago siya umalis doon ay bumulong siya. “Boto naman kami kay Vench.” At ngumisi na naman. 

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatitig kay Dadsi. Kasi naman, e. 

“Hi, Miss Pres,” si Brice naman ang nagsabi ng message niya. As usual, hindi talaga serious iyong mga message nila. Sinisi pa nga ako na wala raw siyang handang speech. Kaloka, ha. Fi ko fault iyon, no. Ngayon ko lang din nalaman. Hay nako. 

Almost all of their messages ganoon. Inaasar pa ako bago sila umaalis. 

“And for our last dance, the one and only escort of our debutant. Please welcome Mr. Venschentius Torres.”

Earl let go of me and smirked before he exited, leaving me and Vench on the dance floor. He was now holding the mic while walking towards me. A smile was plastered on his face and he was purely looking at me like it was just the two of us. I don’t know why pero I felt like my face heated up again. His smile was killer. Amp. Kainis. Bakit mas naging guwapo siya ngayon? 

“Hey,” he said huskily as he gave me the rose. I was trembling pa when I reached for it. Gosh ha. 

“Hi,” I replied to him. He smiled even more. Mas nakalapit na siya sa akin. I didn’t know if I was too focused on his face to the point na hindi ko na napansing hinawakan na pala niya ang kamay ko.

“Happy birthday, Miss Pres. You know how you can always count on me, right?” he started. I heaved a sigh and nodded. He nodded at me, too. We were still looking at each other’s eyes. “I just want to say, Resche, that I want to make you happy…I want you happy…” 

I wasn’t able to say anything or even heard what he said after pa kasi sobrang umingay ang buong paligid na sinabayan pa ng music. I bet my face was so red right now at kung hindi lang ako naka-blush on baka sobrang halata na nga noon. I cleared my throat when he put down the mic na. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin hanggang sa nagsasayaw na nga kami. Lumunok ako habang nakatitig din sa kanya. 

I could hear my heart beating so fast kahit na sobrang ingay ng paligid at grabe ang pang-aasar ng mga kaibigan namin. But then I didn't care at that moment. My attention was all on him just like his was on me. 

Shout Out To My Ex (Little Mix Series #1 - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon