Chapter 2

56 6 3
                                    

Chapter 2

Nagising si Emma, naroon na naman muli sa sasakyan at suot ang uniforme na dati niyang pinapasukan.
Hindi niya matadaan kong anong oras at kong anong araw nang sandaling iyon.

Ginala ni Emma ang tingin at naroon siya naka-upo sa backseat samantala naman naka-upo at nag mamaneho ang kaniyang Mommy.

Dumungaw si Emma sa bintana at pinapanuod ang kanilang dinadaanan. Naging iba at hindi familiar ang kanilang dinaraanan, at mukhang naroon sila sa ibang lugar. Hindi naman naka ramdam ng takot at pangamba si Emma dahil kasama niya naman ang kaniyang Ina, kaya't alam niya naman sa kaniyang sarili na ligtas siya at wala dapat siyang ipangamba pa.

Inaaliw ni Emma ang pamamasid sa paligid at wala siyang matanaw na anumang bahay o tao. Matataas na puno lamang ang kaniyang nakikita at  liblib, na matatayog na mga puno lamang iyon.

Hindi rin umiimik ang kaniyang Mommy na naka-tuon lamang ang atensyon sa pag-mamaneho.

"Mommy?" Tawag ni Emma ngunit parang hindi siya nito narinig.

Pabaling-baling ang ulo ni Ester na hindi mapakali at patuloy na kinakamot nito ang kaliwang batok– at kahit na rin sa likuran ng parte ng taenga nito. Pabilis nang pabilis ang paraan ng pag-kamot ni Ester doon na mag bigay ng nakaka-takot na tunog ng pag tama ng kuko sa balat nito.

Pag tuklap ng sariwang laman nito sa ulit-ulit na kinakamot na para bang napaka-kati no'n.

"Mommy, saan tayo p-pupunta?" Pawisan ang batang si Emma at kahit na rin natatakot sa kinikilos nang Ina. Naging intense ang paraan ng pag-kamot nito sa parteng leeg at hindi na makayanan ang kakaibang tunog ng mag pakaba sa kaniyang puso. "M-Mom?"
Biglang inapakan ni Ester ang preno ng sasakyan kaya't sila nahinto.

Kulang na lang tumalsik ang batang si Emma sa lakas ng pwersa na biglang pag hinto ng sasakyan. Inayos ni Emma ang magulong buhok at tinignan ang Ina na naka-talikod pa rin at hindi gumagalaw kong saan ito naka-upo.

"M-Mommy." Tawag ni Emma sa Ina. Gumilid na ang bakas na luha sa mata ni Emma dahil natatakot na sa kakaibang kinikilos nang Ina. Ginalaw ni Ester ang leeg at rinig na rinig mo ang pag tunog at kabali nito ng buto nito.

Nakaka-takot at kilabot na pag-masdan ang kinikilos nang kaniyang Ina.

"Hmm.. Hmm. Hmm." Patuloy nitong hum ng kanta. Hindi maalala ni Emma kong anong kanta iyon ngunit nag bibigay kilabot na pakinggan. Nakaka-takot na kahit ikaw mismo, ayaw mong pakinggan. "Hmm. Hmm.hmm." patuloy nitong pag hum ng kanta na maiyak pa lalo si Emma.

"Mommy, you're scaring me p-po." Naiyak na sambit ni Emma na kumilos ng weird ang ina at kasunod ang pag hum ng song na ngayon niya pa lang narinig.

Tumayo ang balahibo sa katawan Emma at may kong anong sindak sa kaniyang dibdib na paulit-ulit lang nitong kinakanta ang kanta.

Sinubukan ni Emma na buksan ang pintuan nang sasakyan ngunit may kong anong pwersa ng enerhiya na kahit anong tulak at pilit niyang buksan iyon–hindi niya magawa. "Mommy, t-tama na po. Natatakot na ako." Basag na salita ni Emma at pilit pa rin na binubuksan ang pintuan. Hindi niya maayos na mabuksan dahil sinasabayan na rin nang panginginig ng katawan sa takot.

"Hmm. Hmm. Hmm." May tuno ang pag hum ng kanta at hindi nito naririnig ang aking sinasabi.

"Mommy." Naiyak na tawag ni Emma sa Ina.

"Hindi mo ba nagugustuhan ang aking kanta, Emma?" Galing sa kailaliman na balon ang nakaka-kilabot na boses nito.

Tumigil si Emma sa pag tulak ng pinto nang sasakyan at nabaling ang tingin sa Ina.

I See the Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon