Chapter 3

32 4 2
                                    

Chapter 3

Dapit alas tres nang hapon na araw ng Sabado abala ang batang si Emma na gumuguhit nang kanilang talang proyekto na dapat niyang isubmit sa araw na lunes.

Naka-upo si Emma sa kahoy na upuan samantala naman sa lamesa naka-patong ang sketch paper at iba pa niyang pang-guhit tulad nang lapis, ruler at iba pa. Ilang oras na naka-tutok sa pag guhit ng larawan si Emma at sa katunayan sa murang edad, talento niya na ang pag guhit ng iba't-ibang larawan at minsan na rin siyang sinali sa mga event sa kanilang school dahil sa kaniyang talento at magagandang obra na ginawa.

Tinaas ni Emma ang kamay at sabay inat. Dama ang pananakit ng balikat at likod at mabilis naman napawi at napalitan ng ngiti sa labi, na sa wakas natapos niya na din iguhit ang proyekto na dapat niyang gawin.

Sinimulan ni Emma na kulayan iyon ng mga pang kulay, at natigil siya sa ginawa nang marinig ang yabag ng paa papasok ng kaniyang silid.

Malaya na naka-pasok ang kapatid niyang si Paul, dahil hinahayaan lamang ni Emma na naka-bukas ang pintuan kapag naroon siya mismo sa loob.

Suot ni Paul ang itim na short at puting sando. Pawisan na rin ang noo nito at kay lawak si Emma na tinignan nito. "Tara ate, laro tayo!" Aya nito at pinakita ang hawak na bola.

"Mamaya na Paul, marami pa si Ate na dapat tapusin." Tinuon ni Emma ang atensyon sa ginagawa at patuloy pa rin na kinu-kumbinsi, na mag laro silang dalawa.

"Sige na ate. Laro tayo bola-bola. Sige na." Matinis at makulit nitong pangungumbinsi na ayaw mag patalo. Kinuha ni Emma ang bottled water sa tabi at uminom ng tubig–para maibsan ang uhaw na nadama. Binalik niya kaagad ito sa dati na kinalalagyan na hindi tinatakpan ng takip nito.

"Mamaya na sabi eh. Kailangan na tapusin ni Ate ang ginagawa ko sa school. Mamaya na lang okay? Mag laro ka muna mag-isa." Gusto na ni Emma na matapos ang ginagawa para bukas manunuod na lang siya mag damag ng inaabangan niyang telebisyon. Ganun kasi ang naka-ugalian ng batang si Emma na tinatapos niya kaagad ang anumang project at assignment araw pa lang ng sabado, para sa linggo makakapag-pahingga na siya at gawin ang gusto niyang gawin.

"Ehh! Ate!" Nag papadyak na ito sa sahig at kasabay ang pag tantrum na hindi mapag bigyan ang gusto nito.

"Ughh!" Tinakpan ni Emma ang mag kabilang taenga para hindi marinig ang pag mamaktol at kulit nito. "Paul!"

Naka-busangot na ito at nag papaawa na mag laro silang dalawa. "Labas kana muna, tatapusin ko muna ang ginagawa ko okay?" Mahinahon niyang saad at iniiwasan rin ni Emma na sungitan ang bunso.

"Gusto ko, ngayon na!" Giit nito na hindi pa rin napapagod na kumbinsihin siya.

"Bahala ka nga diyan!" Tinuon ni Emma ang atensyon muli sa ginuguhit para matapos na kaagad. Simulang pag laruan ni Paul ang hawak na bola. Pinatalbog niya ang bola sa sahig na maka-gawa ito ng malakas na tunog at mawala si Emma sa konsentrasyon ng kaniyang pag-kukulay.

Palakas nang palakas at pabilis ang pag talbog ng bola at sa hindi inaasahan tumalsik ang bola ng mabilis at matamaan nito ang bottled water na iniinom ni Emma.

Sa isang iglap dumaloy ang tumilapon na tubig at nabasa ang ilang oras na tinatapos ni Emma na sketch.

"No, no!" Sinalba ni Emma ang sketch sa pag kakabasa pero huli na dahil nabasa na ang kahalati ng kaniyang ginuhit.

Inis na binalingan ni Emma ng tingin ang makapatid na ngayon na may pilyong ngiti at nilabas ang dila para asarin siya nito.

"Ikaw talagang bulinggit ka!" Inis na sigaw ni Emma at humagikhik lamang ito nang tawa imbes matakot.

I See the Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon