Chapter 4

34 4 3
                                    

Chapter 4

Kusot-matang nag lalakad ang batang si Emma sa ikalawang palapag.

Tinanghali na rin siya ng gising–dahil araw naman iyon ng Linggo.

Napadaan si Emma sa harapan ng pintuan ng silid ng kaniyang Mommy, at ilang segundo rin siyang naka-titig doon. Simula no'ng dumating ang kaniyang Mommy, parati na lang naka-sarado iyon at hindi ko pa nakitang naka-bukas iyon.

Hindi niya pa nagawang maka-pasok doon at silipin kong ano ba talaga ang laman ng silid nito.

Lumingon si Emma sa kaliwa't-kanan para masiguro na walang ibang tao. Gusto rin silipin ni Emma kong ano ba talaga ang laman ng silid na iyon, dahil parati na lang naka-kulong ang kanilang Ina doon.

Hinawakan niya ang doorknob at sa kaniyang pag-kadismaya na naka-lock iyon.

"Emma?" Kulang na lang mapa-talon si Emma sa gulat ng marinig ang boses ni Auntie Flora. Dumaplis ang malamig na pawis sa kaniyang noo, at hindi mawari na kinabahan siya nang ganun na kahit wala naman siyang ginagawa na masama."

"Papasok sana ako sa silid ni Mom, pero naka-lock." Lumapit si Auntie Flora at chineck din nito ang doorknob.

"Ah ganun ba? Parating ni-lolock din iyan ng Mommy mo."

"Bakit naman po Auntie?" Nag kibit-balikat na lang ito sabay-sabing.

"Hindi ko rin alam Emma. Papasok sana ako no'ng isang araw sa silid niya para mag-linis ngunit pinigilan niya ako dahil siya na lamang ang gagawa."  Anito.

"Naka-pasok kana po ba Auntie sa silid ni Mom?"

"Sa totoo, hindi pa." Ngumiti ito. "Ayaw na ayaw niya na mag papasok sa silid, kundi siya lamang. Ewan ko ba kay Ester, naging sensitive simula no'ng umuwi siya dito."dagdag nito. "Aalis ako ngayon pupunta ako sa bahay ng aking kaibigan. Baka gagabihin na ako nang uwi mamaya. May hinanda na akong almusal niyo ni Paul, sa ibaba. Kumain na lang kayo doon." Tumango na lang si Emma at pinapanuod ang Auntie Flora na mag-lakad pababa.

Tumungo na si Emma sa ibaba at sabay na silang kumain ni Paul ng tanghalian. Tinimplahan na rin ni Emma ng gatas ang kapatid.

Sa katunayan sa murang edad natuto na rin ang batang si Emma na gumawa ng mga gawaing bahay. Nag lalaba, nag lilinis, nag luluto at kahit na rin ang pag-aalaga niya sa kababatang kapatid–alam niya iyon. Sinikap na matuto ni Emma, ng mga gawaing bahay dahil sila lamang tatlo noon ni Auntie Emma sa bahay at wala silang maasahan na ibang tao na gagawa no'n para sakanila dahil nag tra-trabaho din ang kanilang Auntie Flora.

Nang matapos nilang kumain ng almusal, napag desisyonan nilang mag laro sa bakuran. Malawak naman iyon at may mga damo naman sa paligid kaya't hindi gaano kaputik at mabato. May konting mga bulaklak rin naka-tanim sa bakuran–ngunit ang iba nalanta at namatay na dahil napabayaan na ng kanilang Auntie Flora.

Nahaharangan ng gawa sa matibay na kahoy ang bakuran ang bahay ng kanilang Auntie Flora at wala rin masyado na mga bata na makikita mo na nag-lalaro sa labas dahil na rin may distansya rin ang mga naka-tayong bahay sa kanilang lugar.

Naka-upo si Emma sa mabatong bahagi at pinapanuod ang bahay.

"Paul?"

"Bakit Ate?" Nilalaro nito ang hawak na bola at pina-patalbog iyon sa aking harapan.

"Wala ka bang napapansin kay Mommy?"

"Napapansin? Tulad naman ng ano Ate?" Inosente nitong tanong at naka-tuon pa rin ang atensyon sa pag-lalaro.

"Kakaiba siya." Saad ko. "Parang ibang-iba na siya nong umuwi siya. Hindi mo ba napapansin?" Palihim na inoobserbahan ni Emma ang kaniyang Ina simula no'ng umuwi ito at malakas talaga ang aking kutob na iba na ito. Hindi ko alam kong ano ang aking nakita, pero hindi pa rin ako kampante sa tuwing nakaka-sama ko ito.
Alam kong matagal rin ang tatlong taon na hindi ko siya naka-sama noon.
Siguro naisip ko rin–nanibago ako sa kaniyang pag-babalik.
Pero iba eh.

I See the Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon