Chapter 5
Hanggang sa pag sapit ng gabi-at sabay-sabay na sila kumakain ng hapunan sa hapag-kainan. Hindi pa rin maalis sa isipan ni Emma ang nakaka-takot at kilabot na narinig at nakita kaninang umaga.
Sino ang nilalang na iyon?
Bakit siya kamukha ni Mommy?
Okupado ang kaniyang isipan at maraming katanungan ang pumapasok sa isipan ng batang si Emma, dahil hanggang ngayon wala pa rin ako makuhang sagot-sa kahindik-hindik na karanasan niya kanina.
Sa tuwing naalala at pini-pikit ni Emma ang mata, nanumbalik ang kilabot at trauma sa nakaka-takot na nilalang.
Nilalang na kamukha ng Ina.
Hawak ni Emna ang tinidor at pinag-lalaruan lamang ang laman ng plato–walang ganang kumain dahil sa labis na trauma.. Masayang pinapanuod Emma si Auntie Flora at si Mommy na masayang nag-kwu-kwentuhan sa hapag-kinain–kong saan-saan na nga napunta ang kanilang pinag-uusapan ngunit lumilipad ang isipan ni Emma.
Katabi ni Emma si Auntie Flora samantala naman si Mommy, kaharap niya lamang at katabi nito si Paul na tahimik lamang kumakain sa tabi nito.
Pinag-aaralan ni Emma ang bawat kilos at galaw ng kaniyang Ina.
"Ito, kumain ka pa ng marami Paul." Sinalinan ni Mom ng pag-kain sa Paul sa plato at sabay na ginulo ang buhok nito.
Naka-ngiti na lang ang kaniyang kapatid at masayang nilalantakan ang masarap na hinanda ng kanilang Ina para sa kanilang hapunan.
Nang mapansin ni Ester, na kanina pa naka-masid sakaniya ang anak na si Emma. Nginitian niya na lang iyon ng matamis.At sinuklian naman iyon ni Emma ng matamis na ngiti sa labi-at kahit sa loob-loob niya natatakot siya sa presinsya nito.
Nang matapos nilang kumain ng hapunan. Masayang nanuod ng horror movie sina Paul at Emma sa malawak na sala. Pasado alas otso pa lang ng gabi kaya't buhay na buhay pa ang kanilang diwa sa panunuod ng palabas sa telebisyon.
"Ate! Huwag na niyan. Natatakot ako." Sabay takip ng unan sa mukha ng takot na takot na si Paul. "Cartoons na l-lang kasi. Ayaw ko niyan. Natatakot ako." Nilabas ng konti ni Paul ang mukha sa unan at hindi magawang humarap sa kanilang pinapanuod. Matatakutin kasi ang kaniyang kapatid na si Paul at ayaw nitong manuod na ganun na katatakutan. Iba naman si Emma sa lahat dahil paborito niya talaga sa lahat ang horror na palabas at kahit madaling araw pa siya manuod nito, nakakaya niya talaga.
"Shhh! Huwag kang mainggay." Saway ni Emma dito para makapag focus sa pinapanuod. "Eh, ang pangit kaya ng cartoons ng pinapanuod mo." Nilayo ni Emma ang hawak na remote para hindi maagawan ng chanel na pinapanuod sa telebisyon.
Tinatakpan ni Paul ang taenga at mukha sa tuwing naririnig ang malakas na sigaw at nakaka-takot na background sound sa telebisyon. "Huwag na kasi iyan A-Ate, natatakot na ako." Mangiyak-ngiyak na sumbong nito. Paminsan nasasarapan din si Emma na asarin ito–doon lamang siya nakaka-bawi ng ganti sa kapatid sa tuwing inaaway at kinukulit siya nito.
Pasimpleng sinilip ni Emma ang kapatid sa tabi at naka-dapa na ito at hindi na magawang tumitig sa telebisyon. Doon naka-isip si Emma ng magandang prank dito. "Ano iyan Paul? Sino iyan naka-tayo sa likuran mo?" Pag tukso niya pa na kina-putla ng mukha nito sa takot.
"Ahhh!" Matinis nitong sigaw at sumiksik pa ito ng yakap kay Emma sa labis na takot. Sumakit na ang tyan ni Emma sa kakatawa na makita ang expression ng mukha nito na hindi na maipinta.
"Hahha!" Tawa niya pang muli.
"Tigilan niyo na iyan dahil malalim na ang gabi." Lumapit si Auntie.
Lumayo si Paul kay Emma. Maluha-luha nito sa takot. "A-Auntie, si Ate ayaw akong panuorin ng cartoons." Sumbong ni Paul dito. "Natatakot ako sa horror eh, ayaw niya naman ako panuorin ng tv."
BINABASA MO ANG
I See the Devil [COMPLETED]
HorrorSi Emma ay sampung taong gulang. Dahil lamang sa car accident na nangyari sakaniya tatlong taon na ang nakaka-lipas, nag karoon na siyang trauma na sumakay sa kotse. Hindi maganda at madali ang dinananan niya na trauma at problema. Siya lamang ang...