Chapter 11
Kanina pa hindi mapakali sa kina-upuan si Flora, hindi namalayan na ngingatngat niya na pala ang kuko sa labis na takot at gimbal na
kaniyang naranasan kagabi.Ano ang karumal-dumal na aking nasaksihan mula kagabi?
Bakit si Ester ang aking nakita?
Kahit si Flora gulong-gulo na rin at wala pa ring kasagutan kong ano nga bang misteryoso iyon.
Pinaninindigan balahibo sa tuwing naalala niya ang maitim na pigura na kahawig ng kaniyang kapatid.
Kinikilabutan sa tuwing maalala ang nakaka-takot na bulong nito.Sinapo ni Flora ang mukha na naka-upo sa couch, wala rin siyang sapat na tulog simula kagabi.
Rinig ni Flora ang yabag ng paa at kasunod napa-angat ng tingin ng makita na nag lakad si Ester papunta sa kusina.
Diretso lamang ito mag lakad at hindi man lang ako pinansin. Kahit sabihin na kapatid ni Flora si Ester, hindi siya ganun kampanti.
Kampanti na kasama ito sa iisang bubong.
Bagsak ang katawan ng kapatid na si Ester at maitim din ang ilalim nang mga mata nito na mukhang walang sapat na tulog.
Pinapakiramdaman lamang ni Flora bawat kilos at galaw nito–at para bang may mali.
Bakit parang iba?Ilang beses na sinabi ni Emma na may nakikita itong kakaiba tungkol sa Ina, ngunit hindi niya magawang pakinggan at paniwalaan dahil sa una pa lang wala naman talagang napapansin na kakaiba si Flora. Tuwing gabi pumapasok siya sa trabaho at kapag umaga naman mag hapon siyang tulog para kumuha ulit nang lakas dahil kina-gabihan may pasok na naman siya muli.
Ganun tumatakbo ang cycle ng pang araw-araw na ginagawa ni Flora, at ang tanga niya dahil hindi niya napapansin na may kakaiba na palang nangyari.
Kailangan na may gawin ko.Kailangan na kumilos na ako.
Kinuha ni Flora ang coat na naka-sabit sa couch at nag mamadaling lumabas.
Pag labas ni Flora naka-salubong ang pamangkin na si Emma na papasok pa lang sa bahay. Kahit na rin ang bata nagulat rin dahil sa aking pag mamadali.
"Auntie, saan po kayo pupunta?"
"Aalis muna ako saglit, dito lang kayo ha?" Habol-hiningga na tugon ni Flora sa bata.
"Yes po Auntie,"
"Kapag may nangyari, tawagan mo na lang ako Emma, maintindihan mo ako?"
"Bakit? Ano po ang problema Auntie?" Kahit na rin ito nababahala sa aking naging sagot at ayaw kong mag alala so Emma hangga't hindi pa talaga klarado sa akin kong ano ba talaga nangyayari.
"W-Wala, babalik ako. Huwag mo iiwan si Paul." Paalala ni Flora at nag mamadali na siyang sumakay sa sasakyan.
***
"Bakit mo ba ako tinawagan? Alam mo naman na busy akong tao Flora." Himutok ni Janna na isa sa kaibigan ni Flora. Kasalukuyan na nag mamaneho ng sasakyan si Flora at katabi naman ang kaibigan na kanina pa nag tatalak.
"Basta samahan mo lang ako." Tinuon ni Flora ang atensyon sa pag mamaneho.
"Ano bang nangyayari?"
"Mahirap ipaliwanag." Kahit na rin si Flora hindi rin maipaliwanag kong ano bang kababalaghan ang aking nakita. Sapat na kong ano nakita ko kagabi, ang gumawa ng aksyon para alamin kong ano ba talaga ang nangyari sa kapatid ko. Natatakot ako sa posibilidad na mangyari kapag pinatagal ko pa ang ang aking hinala. "Tungkol sa kapatid ko, si Ester." Mahina kong bulong na sapat na rito na marinig ang sinabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/332240043-288-k7779.jpg)
BINABASA MO ANG
I See the Devil [COMPLETED]
HorreurSi Emma ay sampung taong gulang. Dahil lamang sa car accident na nangyari sakaniya tatlong taon na ang nakaka-lipas, nag karoon na siyang trauma na sumakay sa kotse. Hindi maganda at madali ang dinananan niya na trauma at problema. Siya lamang ang...