Chapter 8

28 9 3
                                    

Chapter 8

Malalim na ang gabi at mag-isa na lang ang batang si Emma sa malawak na dining.
Naiwan na lamang naka-bukas ang ilaw paakyat sa hagyan–kaya't hindi na abot ang liwanag no'n sa malawak na sala at dining.

Nabalot na ng kadilaman ang paligid at nakaka-binggi rin na katahimikan ng gabing iyon.

Patuloy nag browse si Emma sa laptop at tanging liwanag ng laptop ang mag bigay ng liwanag sa naturang dining area kong saan ngayon si Emma naka-pwesto, pero may konting liwanag din naman na nag mumula sa street light sa labas, na mag katulong ng konting liwanag na rin.

Pinatong ni Emma ang laptop sa lamesa at umupo na rin siya sa bakanteng silya na kaharap lamang no'n.

Bukas na bukas pa ang kaniyang diwa at hindi gaanong maka-tulog ng batang si Emma. Sila lamang dalawa ni Paul ang naiwan sa bahay, dahil pumasok na sa trabaho ang kanilang Auntie Flora. Samantala naman ang kaniyang Mommy–maaga na itong nag paalam na mag papa-hingga na ito sa kaniyang silid.

"Wow ang ganda naman." Amazed na tinig ng batang si Emma na nag scroll ng magagandang litrato na kaniyang nakikita sa facebook.

Sa likuran ng batang si Emma may namuo na maitim na bulto na nakaka-takot na nilalang.
Nilalang na mag papanindig ng iyong balahibo.

Matangkad ang anino at ang mata nito umaapoy sa galit, na kanina pa pinapanuod si Emma.

Palapit nang palapit ang nasabing anino sa walang kamuwang-muwang na bata na abala sa pag-titipa ng kong ano sa laptop na kaharap nito.

Hindi alam ng bata nasa likuran, ay may mabangis na nilalang nag hahanda lamang sa pag-atake.

Nilabas ng nilalang ang matutulis na kuko nito, na kayang tuklapin ang iyong laman na walang kahirap-hirap.

Tinaas ng nakaka-kilabot na nilalang ang kaniyang kuko para sakmalin ang batang si Emma–ngunit biglang nawala ang nakaka-takot na anino ng biglang bumukas ang ilaw.

Kusot-mata si Paul na binuksan ang ilaw, sa kusina para kumuha ng maiinom.

"Paul?" Gulat na salita ni Emma na makita ang kapatid. "Oh bakit gising ka pa?"

"Ate?" Malilikot ang mata ng batang si Paul, may gustong sabihin ngunit hindi alam kong paano sisimulan.

"Bakit?"

"Pwede mo ba akong samahan matulog?" Balisa at mukhang nahihiya pa itong sabihin ang katagang iyon. "Hindi kasi ako maka-tulog. Pwede bang samahan mo ako sa aking silid?" Mahina nitong sambit, na sapat na para kay Emma na mapakinggan kong ano man ang sinabi nito.

"Sige sasamahan kita Paul." Sinarhan ni Emma ang laptop at sabay na silang umakyat papunta sa silid nito.
Magkatabi sila ni Paul nahiga sa kama, kasyang-kasya sila na kahit gumulong pa dahil malaki talaga ang espasyo no'n. Sakto lang naman ang laki ng silid ni Paul at kulay sa light blue ang pintura ng silid nito– sa kabilang dako naroon ang malaking wardobe para sa mga damit nito, at sa isang tabi kaharap ng bintana, nandoon ang study table.

Hindi na matukoy ng batang si Emma kong ilang minuto na bang naka-titig sa kisame. May naka dikit doon na maliit na parang bituin at buwan, at umiilaw lamang iyon kapag madilim ang silid.

"Paul? Gising ka pa ba?" Hindi maiwasan na maitanong ni Emma iyon. Alam niya sa sarili na gising pa ang kapatid dahil maya't-maya ang galaw nito.

"Oo Ate, hindi kasi ako maka-tulog." Mahina nitong bulong, na pareho ata sila na hindi maka-tulog nang gabing iyon. Hindi rin matukoy ni Emma ang sarili dahil ito ang kauna-unahang nag pasama ang kapatid niya sa pag-tulog sa silid nito. Makulit at bibo si Paul, pero matapos ang insidente na nangyari sa basement–gusto na lang nito palagi na nag-iisa.

I See the Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon