Chapter 1
Maiingay at ang iba naman nag hahabulan ang mga estudyante palabas ng gate— na tanda tapos na ang kanilang klase ngayong araw. Pansin mo sa tabi ng skwelahan naka-parada ang mga sasakyan na nag sisilbi na sundo ng mga ito.
At ang iba naman masaya na nag-lalakad pauwi.Dapit alas kwatro pa lang ng hapon at pinapanuod lamang ng batang babae ang mga estudyante na nag kwu-kwentuhan at iba naman sinusundo ng kanilang mga magulang.
Nilalaro ng batag babae ang isang paa sa maliit na bato sa kalsada at tinitignan ang araw sa kalangitan. Hindi na gaanong masakit ang sinag ng araw dahil hapon na iyon.
"Emma!" Boses ng babae na mag-paagaw nang atensyon sa batang babae.
Mula sa malayo naka-tayo ang isang babae na naka-ngiti at ang kamay kinakaway para makita ng bata na tinawag nito. Awtomatiko umaliwalas ang magandang mukha ng batang babae na nangangalang Emma at sabik na tumakbo patungo sa kaniyang Ina.
"Mommy!"
"How's your school?" Hinaplos ni Ester ang kulay itim na buhok ng anak, at hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi nito.
"Maayos naman po Mommy,"
"Halika na." Tumango ang batang babae at sabay na silang pumasok sa kotse.
Umupo ang pitong taong gulang na si Emma sa likuran at ang Ina naman nito ang nag mamaneho.
Binuhay na ni Ester ang makita nang sasakyan at binuksan ang radyo- nag play ang mahina at magandang classic music."Kakain tayo sa Kitty's corner. Gusto mo ba iyon Emma?" Excited na sambit ni Ester sa anak.
"Talaga! Wow! Gustong-gusto ko po iyon Mommy," nag ningning ang mata ni Emma sa saya–hindi lamang sa excited ang bata na maka-kain sa mamahalin na restaurant, kundi sabik itong maka-sama ang kaniyang Ina.
Malimit lamang na mag-karoon ng oras ang kanilang Ina sakanilang dalawa ng kaniyang kapatid dahil abala ito sa trabaho. Minsan hindi nakaka-attend ng school activities o mamahalagang okasyon ang kaniyang Mommy, dahil sobrang busy at bihira na rin maka-sama nila ito. Para kay Emma, ito rin ang paborito niya sa lahat ang mag bonding sila ng kaniyang Ina kahit sandali lamang.
"Sayang hindi natin makakasama ang kapatid mong si Paul sa ating pamamasyal ngayon, dahil tumawag sa akin ni Manang, may konting lagnat siya ngayon." Kwento ng kaniyang Ina at naka-tuon ang atensyon sa pag mamaneho. Maya't-maya na rin sinisilip ni Ester ang anak sa likuran para makita ang reaksyon nito.
Mayron na kababatang kapatid si Emma na lalaki at ang pangalan nito, ay si Paul. Tatlong taon pa lang ito at napaka-bibo at makulit. Kwento nang kaniyang Ina na kamukhang-kamuha daw ni Paul ang nabubuhay pa nilang Ama.
Naaksidente ito sa tina-trabuhan sa factory, na dalawang buwan pa lang nitong pinag-bubuntis ang kaniyang kababatang kapatid.Konti lang at hindi na gaanong klarado sa isipan ni Emma ang itsura ng kaniyang Ama dahil mahigit apat na taon gulang pa lang ako noon no'ng mamatay ito. Wala din naitabi na mga litrato ang aking Ina sa aking Ama dahil nasunog ang dati naming tini-terhan.
"Pasensiya na Emma, kong hindi ako naka-rating sa event niyo kahapon dahil sa katambak na mga ginagawa ko sa trabaho. Hindi ako maka-alis-alis. Are you mad at me Emma?" Tanong ni Ester sa anak at matagal ito bago naka-sagot.
"Naintindihan ko naman po iyon Mom." Ngumiti ng konti at hindi pilit ang bata. Mayron sa loob-loob niya ang tampo pa din dahil inaasahan niya talaga na dumating ito.
"Pumunta naman po si Manang Myrna sa mother and daughter event sa school po, okay na ako doon Mommy." naka-yuko si Emma at bakas ang pag-tatampo sa tinig.
BINABASA MO ANG
I See the Devil [COMPLETED]
HororSi Emma ay sampung taong gulang. Dahil lamang sa car accident na nangyari sakaniya tatlong taon na ang nakaka-lipas, nag karoon na siyang trauma na sumakay sa kotse. Hindi maganda at madali ang dinananan niya na trauma at problema. Siya lamang ang...