-
Hindi ko alam paano ako nakatulog sa gabing iyon. Last time I checked, I was demanding on myself to get to know him. The things he like and not, pero hindi ko inaasahan na sa ganoong paraan nya sasabihin. I was overthinking if he doesn't like the kiss because he cried but it was the opposite! He liked it very much to the point that he cried! hindi ko inaakala na iiyak lang sya ng ganoon!
Tuwing gigising ako sa umaga ay walang ibang maisip kundi ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya kaya sabog tuwing gumising. Ngayon parang ang sariwa ng pakiramdam ko. Blow drying my hair while looking myself at the mirror, smile sometimes find its way.
Hanggang sa pagluto ko at pagkain ng umagahan ay may kumakawalang ngiti sa labi ko! I feel like I'm possessed by some spirit!
Okay lang ba ito?
Habang nagbubukas ng pintuan, handa ng umalis para pumasok ay biglang tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe na galing kay Ethan.
Ethan:
I'm waiting in the parking.
Tumikhim ako at pumunta na ngang parking. Medyo kinakabahan ako at pilit na isinantabi ang nga iniisip. I don't want him to know that I was affected by his kisses... as much as possible... I don't want to tell him.
Pagkalabas kong elevator ay agad ko syang nakita na naka uniform, hindi mabilis ang lakad ko dahil pinipilit na pakalmahin ang puso ko hanggang sa napatingin sya sa akin at agad na tumayo ng tuwid.
I pouted when I realized that he always look so good while wearing an eyeglasses. I parted my lips a litte to release some air, kasabay nun ay ang pag-ihip ng hangin. Alam ata ng kalikasan na kinakabahan ako kaya tinulungan akong pakalmahin.
Nakatayo na ako sa harap nya, kalmado.
"K-kanina ka lang ba dito?"
Marahan syang nakatitig sa akin, nakayuko ng kaunti dahil mas matangkad naman sya sa akin. Kalmado rin ang itsura at kung iisipin parang ako pa ang umamin na may gusto ako sa kanya when in fact he's the one who confessed.
All his actions in the past days, lahat na tanong na nasa isip ko noon. Hindi nga ako naga-assume na may gusto sya sa akin, talagang may gusto nga sya sa akin!
"Not really... did you eat well?" his voice is always soft when he talks to me kaya hindi na bago sa akin iyon pero may mga oras na ang boses nya ay malamig at nanlalambing o guni-guni ko lang ba iyon?
Tumikhim ako.
"Hmm..." I nod. "Ikaw?"
"Of course!" nakangiting sagot nya.
Magtatanong pa sana ako kung may iba pa syang gagawin pagkatapos pero hindi natuloy dahil may tumawag sa kanya galing sa isang malakas at matinis na boses. Bumuntong hininga ako at tumingin sa direksyon kung saan nanggaling iyon.
"Tan! you should've told me na aalis ka pala! I wanna come with you to buy some coffee. Next time tell me kung saan ka pupunta." sabi agad ni February at hindi man lang tumingin sa akin.
Imposible din naman kasi na hindi nya ako nakita kaya siguro ay sinadya nyang hindi ako pansinin. Naka-scrub din sya at malinis ang pagkaka-ayos ng buhok.
"I can't think of a reason why I should tell you my whereabouts." ang kaninang malambot na boses ni Ethan ay biglang lumamig na parang hindi man lang kaibigan ang kausap.
Ethan then glance at me. "Zena is beside me, you didn't even greet her?"
Nakita kong kumunot ang noo ni February at tumingin sa akin na hindi ko mapangalan ang kanyang ekspresyon pero ngumit din naman agad ng pilit... peke.
YOU ARE READING
The Blessing of Mistake | Gentle Girls #2
RomancePeople judge because of one mistake. A mistake that will change our lives. A mistake yet the blessing of our Lives.