-
Hindi agad ako umalis sa kinakaupuan ko at tinapos muna ang kinakain. Bago napagdesisyonan na umuwi ay pumasok ako ulit sa convenience store para bumili ng chocolate drink. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang sakit ng puso ko pero alam kong mas malala ang nararamdaman ni Doctor Luke habang kinukwento nya sa'kin iyon.
Hindi ako makapaniwala na may lakas pa syang ikwento sa akin ang nakaraan nila dahil lang gusto nyang layuan ko ang anak nya. Isang malungkot at nakakadurog sa puso iyon at naintindihan ko dahil sino ba namang hindi magtataka na ang kaisa-isa mong anak na malaki ang pangarap sa pag d-doktor ay bigla nalang mawawalan ng gana.
Pagkatapos kung bayaran ang chocolate drink ay agad akong nakaramdam ng ginhawa. As soon as I got home, my phone vibrated from Ethan's message.
Ethan:
Do you have time tomorrow? I wanna see you.
Malungkot akong ngumiti habang binabasa ang mensahe nya sa akin. I turned off my phone so I won't notice nor receive his messages. Paanong may oras pa syang makipagkita sa akin when in fact there's a lot of patients he need to cure. Alam ko naman na maraming magagaling na doktor sa ospital na iyon pero sa kwento ng ama nya, hindi ko ata kakayanin na uunahin nya ako keysa sa nga pasyenteng nag-aagaw buhay o naghihintay kung kailan sila gagaling o makaka-uwi sa kani-kanilang pamilya.
I'd rather be silent. Iyon naman palagi ang ginagawa ko, ang manahimik. I should just endure this, ilang araw lang naman ang natitira bago ako aalis ng Pilipinas.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong nahiga sa kama. Wala naman akong ginagawa ngayong araw pero sobrang pagod ko ata at agad na nakatulog.
Nagising ako sa pagkatok ng pintuan ng kwarto.
"Gumising ka na. Nasa mesa mo na ang pagkain. I should go baka ma late pa ako." pasigaw na sabi ni Fercy.
Binuka ko lang ang aking mga mata at hindi gumalaw sa kinahihigaan ko. Hanggang sa narinig ko ang pagsarado ng pinto ng apartment ay doon palang bumangon at pumasok ng banyo para makaligo. I then charge my phone but did not turn it on. Mamaya na kapag fully charge dahil pagkatapos kumain ay maglilinis ulit ako kahit na wala namang masyadong alikabok na nakita.
Pagtapos kong kumain sa dala ni Fercy at pagkatapos maglinis ay uminom ako ng tubig pero parang gusto ko atang uminom ulit ng chocolate drink. Hindi naman ako masyadong umiinom nun pero simula ata kahapon parang iyon na ang hinahanap ng lalamunan ko.
Nagbihis muna ako ng puting spaghetti strap at itim na short bago lumabas para bumili ng chocolate drink. Unfortunately, pagkapasok kong convenience store ay naubos na ang chocolate drink at nakangusong lumabas.
Sa pagka-kaalala ko kagabi may apat pang natira a? Ang bilis namang maubos!
Habang naglalakad at naghahanap ng masasakyang jeep at makabili ng chocolate drink ay napapasulyap ako minsan sa entrance ng ospital. May hinahanap ata itong mata ko at parang gugustohing pumasok at makita kahit saglit.
Bumuntong hininga ako at umiling. Maya-maya ay may nakita akong jeep kaya sumakay na ako. Medyo siksikan pero hindi na ako nagreklamo kahit na nahihilo ako sa baho ng usok na nanggagaling sa iba't ibang sasakyan.
Pagkababa ko sa harap ng mall ay pumasok na ako. Nawala lang ang hilo ng nakaramdam ako ng lamig.
Agad akong dumiretso sa nauna kong nakita na grocery store at luckily may nakita akong chocolate drink kagaya lang ng iniinom ko kahapon. Binili ko ang isang dosena dahil paniguradong maghahanap lang ako ulit nito. Hindi naman mabigat habang dala-dala ko iyon dahil unti-unti ko namang iniinom. Nagulat nga ako na pagkaupo ko sa bench ay lima na agad ang naubos ko kaya kahit labad sa loob ay tinigil ko na para may mainom pa ako mamaya pag-uwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/253300375-288-k569121.jpg)
YOU ARE READING
The Blessing of Mistake | Gentle Girls #2
Storie d'amorePeople judge because of one mistake. A mistake that will change our lives. A mistake yet the blessing of our Lives.