-
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing iyon. Pagkatapos ng maliit na usapan namin at hanggang sa pagkain ko ay ramdam kong may kumakawalang ngiti sa labi ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kaya hindi ko parin talaga maintindihan.
He fixed his schedule for me! He said it seriously kaya parang kinikiliti ang t'yan ko. Grabe ang pigil na ngiti ang ginawa ko nun kaya hindi ko alam paano ako payapang nakatulog.
"Zena... hindi sa pinag'ooverthink kita ha pero ano kasi... nakita ko si Ethan may kasamang kumain sa restaurant kanina?" si Fercy na bumubulong sa akin.
May klase ako nagtuturo sa mga estudyante at pinuntahan nya ako dito para sabihin iyon.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya at nagtataka.
"Tapos?"
"Babae, maganda, sexy. Nurse ata?"
Kaninang umaga ay sabay kaming kumain ni Ethan sa unit ko at hindi nya daw ako masasabayan sa tanghali dahil may gagawin sya. Hindi ko din naman inexpect na magsasabay kami dahil talagang abala sya sa ospital. Iyon ba ang tinutukoy na gagawin nya?
I only shrugged my shoulders and acted like I didn't care.
"Maganda ka naman! Sexy din at matangkad tapos pwede na maging modelo ang features mo. Pero kasi... hindi ka ba bother? Paano kung agawin iyon?" nagtatakang tanong nya.
Agawin...
"Una sa lahat Fercy. Walang kami at hindi sya sa'kin. Walang aagaw at walang inagawan."
"Parang kayo naman! Bagay kayo sa isa't isa at... teka nga... hindi mo ba sya gusto?" hindi makapaniwalang sabi nya.
I look away and pursed my lips as I shook my head. Hindi ko naman talaga gusto si Ethan. Bawal din syang magustuhan kaya lahat na magagandang pinapakita nya sa akin ay bilang kaibigan lang naman... siguro.
"Kung ako ang nasa sitwasyon mo at wala akong Karl ay baka nagustuhan ko na si Ethan! I mean... sinong hindi magkakagusto sa kanya? Sa guwapo ba naman iyon? minsan ka lang makakakita ng ganoon ka guwapo!"
I can't the deny the fact nga gwapo nga si Ethan pero sino naman ako para magalit kung may kasama syang iba.
"ay ewan! basta sinasabi ko sayo! pag iyon naagaw ha! " sabi nya at umalis na sa harap ko.
Napa'iling-iling nalang ako at nagpatuloy na sa aking trabaho.
Kung may kasamang babae si Ethan. Wala naman akong karapatan para sa kanya. Hindi sya sa akin at hindi nya naman ako gusto. Kung may kinikita nga syang babae sino ako para mag demand. I'm not his, he's not mine.
Natapos ang klase ko sa hapon at nasa opisina ako, nakatambay lang. Hindi ko din naman alam ano ang gagawin ko at wala akong gagawin sa unit. Nag text din si Ethan sa akin na may paguusapan sila ng papa nya at hindi nya naman daw ako masundo. Hindi ko na iyon nireplyan.
Pagkatapos sabihin ni Fercy sa akin kanina tungkol sa nakita nya ay kahit itanggi ko alam ko naman na nagsisinungaling lang ako sa sarili ko.
Maybe its Ethan's future girlfriend? or someone he treat as a friend? Does he treat the girl the same way as he treated me? Siguro hindi? Is the girl that beautiful? Not boring like me? Do she make Ethan entertain?
Siguro nga oo dahil kung hindi. Nasundo na ako dito. Busy si Ethan dahil may usapan sila ng papa nya but is it true?
Napatingin ako sa salamin at nakita ang mukha ko. Tinitigan ko iyon at inoobserbahan ang mukha ko. Many people told me I am beautiful that it can compare to some actresses and supermodel, pero... maganda nga ba ako?
YOU ARE READING
The Blessing of Mistake | Gentle Girls #2
RomancePeople judge because of one mistake. A mistake that will change our lives. A mistake yet the blessing of our Lives.