26

153 6 1
                                    

-

Pauwi na kami ay nakatingin ako sa cellphone ko dahil nagulat na ang bilis dumami nang followers ko. Gabi na at tanging buwan at bituin lang ang nakikita sa daan at tanging street lights ang nagbibigay daan sa amin. I couldn't wait for tomorrow to come home so I told Calix that I wanted to go home since I miss my son.

"So you decided to make an Instagram ha." si Calix habang nagmamaneho.

Napatingin ako sa kanya. Calix is quiet handsome. He was pouting while his other hand is controlling the steering wheel while the other hand is on the window. Guwapo nga talaga... I smirked.

"My roommates ask me so I tried. Hindi ko alam na agad aabot na ganito karami." pinakita ko sa kanya ang Instagram ko na may nag-iisang post.

"Noong sinabihan kita na gumawa hindi ka gumawa. Ibang tao pa talaga ang nagpersuade sayo." mas lalong tumaas ang nguso nya kaya napatawa ako.

"Well... I don't know that it will come out like this." sabi ko.

"Of course! You're an international part time model! Kahit papaano ay maraming nakakilala sayo. Sa gandang mong iyan ay talagang mapagtutuonan ka nang pansin. You even have a fan site across Asia."

"What?!"

He just shrugged and smirked. I never thought na kakalat ang mga magazines shoots ko. Though I also became part of variety show and naging guest actress, hindi ko naman inakala na may nagaabang pala sa akin.

"Hindi mo gusto 'yon? At least you're indirectly telling Zeethan's father that you are well." ngisi nya pa.

Napatulala ako sa sinabi nya. Hindi naman siguro  aabot kay Ethan ito. As far as I remember he's not into social media either. And he's busy so I guess hindi nya makikita iyon. Kasal na nga siguro iyon.

"How about post a picture of Zeethan? Iyong infant pa. Para namang ikaw iyon."

My face lit up after he said it. Agad akong nag scroll para hanapin ang picture ni Zeethan noong infant pa. May nakita nga ako. And I heard that I can post a multiple picture so I did. Nag post ako nang mga bata kong photos hanggang sa recent photos ko. Ngumiti ako dahil hindi ito mahahalata. They will think that the infant is me.

After I posted it. Bumaha agad nang likes. Umiling nalang ako at pinatay ang ipad. Ilang minuto nalang ay makakarating na ako sa bahay pero parang sobrang lakas nang tibok ng puso ko. Kinakabahan sa ano mang dahilan. Kalaunan ay biglaang tumawag si mommy sa akin na agad kong sinagot.

"Go straight to the hospital! Zeethan got an allergic reaction!" mother mentioned which hospital is it.

Narinig ni Calix ang sinabi ni mommy kaya pinaharurot nya ang sasakyan papunta sa ospital. Nanginginig ako sa kaba at baka ano pa ang mangyari sa anak ko. Allergic reaction! Anong kinain nya?! Napapikit ako at nagdadasal na sana maging okay lang sya.

Pagkapark ni Calix sa basement ay hindi ko na sya hinintay na bumaba at agad na akong pumasok sa emergency room. Iyon at nakita ko nga si mommy na nakatayo at hindi mapakali. Nakapambahay lang sya at halatang agad na dumiretso dito.

Pagkalapit ko nakita ko ang anak ko na nakahiga at natutulog. I check his body but I couldn't find any swollen part. Namumula lang ang sa leeg nya. Napatitig ako roon at biglang naawa sa anak.

"What did he eat?" tanong ko kay mommy na hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin.

"I don't know! The last time he ate is a muffin with peanuts! The doctor said that Zeethan is allergic to peanuts. Kumain naman sya kahapon nang chocolate hazelnut pero hindi naman nagkaganito. Normal lang sya. It was his first time eating nuts at nagustuhan kaya nagpabili sa akin nang muffin na may peanuts. Naubos nya naman pero hindi agad umatake. Napansin ko lang na nahihirapan nang huminga at kumakati ang bandang leeg."

The Blessing of Mistake | Gentle Girls #2Where stories live. Discover now