Chapter 9: V for Victory
MORTICIA
Habang nag-aagahan sina Boss at Vee sa may garden ay bigla na lang dumating ang mukhang kagigising lang na si Miss Farrah.
Kaagad kong naramdaman ang pagbabago ng ambiance dito sa garden. Parang mas naging tensyonado ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang mga kalansing ng mga kutsara't tinidor.
"Good morning, babe." ani Miss Farrah at kaagad na hinalikan sa pisngi si Boss.
Pero mukhang wala sa mood si Boss dahil medyo inilayo niya kaagad ang mukha niya kay Miss Farrah.
Ano ba 'yan, ba't parang ako 'yung nahihirapan sa kanila?
"You're still here? Akala ko ba pinaalis mo na siya Kuya?" tanong ni Vee.
Huminto si Boss sa paghihiwa ng isang sausage at tiningnan ang kapatid.
"It's rude to chase away guests, little sister." sagot nito saka ay binalingan naman ng tingin ang kakaupo lang sa tabi niyang si Miss Farrah.
"And it's also rude to extend your visit without giving any notice to your host."
Napalunok na lang ako ng laway. Ang aga aga, puro bad mood ang mga tao dito.
"But I thought you'll be happy to see me." nakangusong sabi ni Miss Farrah na ikinangiwi ko.
Akala ko si Rina na ang pinaka-cringe na taong makikita kong magpa-cute, may mas malala pa pala.
"Oh trust me, he's not." sarkastikong sabi ni Vee.
"Kaya pwede ba, umuwi ka na pagkatapos mong makikain ng agahan dito sa 'min? Parang wala kayong ulam sa inyo eh."
Napatingin ako sa mukha ni Miss Farrah sa kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Vee. At hindi na ako nagulat nang makita ko ang galit at nanggigigil na mukha niya. Kulang na lang umusok yung ilong niya.
Gusto ko na talagang matawa, kaso nagpipigil lang ako sa takot na baka ako naman ang pag-initan ni Miss Farrah.
Walang sabi-sabi ay tumayo siya sa kinauupuan niya at mabilis na pumasok ulit sa loob.
Hmm. Bilang na ang maliligayang araw mo, Miss Farrah. Mukhang nakahanap na kami ng kakampi. Mwahaha.
"Tish?"
Kaagad akong lumapit sa tabi ni Vee. Sasalinan ko na sana ng juice 'yung baso niya pero napahinto ako nang bigla niyang tinuro 'yung katabi niyang upuan.
"Please sit down." aniya.
Napalingon ako sa direksyon nina Nanay Susing na nginitian lang ako. Nang nilingon ko naman ang direksyon ni Boss ay patuloy pa rin naman siya sa pagkain na parang walang nangyari. Kaya wala na akong nagawa kundi maupo sa upuang itinuro niya. Pagkaupo ko ay inilapag ko sa mesa 'yung pitsel ng mango juice.
BINABASA MO ANG
[DGS1] Hired by the Devil
Action[Dangerous Gentlemen Series #1] Morticia 'Tish' Ignacio was the newly hired maid by the mean and arrogant leader of the mafia group 'Familia Carillo', Augustus Carillo. Aside from being a hardworking woman, she's funny, witty, and smart too, making...