Chapter 22: Makes You Stronger

434 11 0
                                    

Chapter 22: Makes You Stronger

Chapter 22: Makes You Stronger

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MORTICIA

"That's it. Put some more power with your punch."

"Kick harder, Tish."

"Good, good."

Anak ng putcha. Feeling ko namamaga na 'yung mga kamao ko kahit na naka-boxing gloves pa ako. 'Yung tuhod at binti ko parang bibigay na nga rin. Kanina pa kami dito sa loob ng boxing ring ni Tiya Laureen at parang wala pa siyang plano na magpahinga.

Pagkagising ko ay madaliang nag-almusal lang ako ng tinapay at kape dahil hinihintay na daw ako sa may training grounds ni Tiya sabi nung isa sa mga tao niya. Kung alam ko lang na ganito pala ang ipapagawa sa 'kin ni Tiya Laureen first thing in the morning, sana ay nag-almusal na muna ako ng kanin. ʕ ╥﹏╥ ʔ

"I know you're exhausted but you need to endure it. Remember, no pain, no gain." aniya habang patuloy pa rin ako sa pagsipa at pagsuntok.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Grrr. Parang mas nag-iinit ang ulo ko.

"You don't have a lot of time to train that's why you need to train as much as you can while you're still here. You need to train 'til your body drop."

Parang gusto ko nang sumuko. Ngalay na ngalay na ang mga braso at binti ko. Tagaktak at parang naligo na rin ako sa sarili kong pawis.

You can do this Morticia! Lumaban ka!

"Putangina!Putangina!Putangina!"

Mas binilisan ko pa ang routine na ibinigay sa 'kin ni Tiya. Sipa, ilag, suntok, repeat.

Biglang bumukas ang pinto ng boxing ring dahilan para madistract si Tiya. Dahil dun, aksidente kong nasuntok ang mukha niya.

"Ay shit!"

Napatakip ako sa bibig ko bago ko nilapitan si Tiya na mukhang nahilo dun sa suntok ko.

"I'm sorry, Tiya! I didn't mean to punch you." paghingi ko ng tawad.

Umiling lang siya habang sapu-sapo niya 'yung panga niya. Tinapik niya ako sa balikat saka ay nginitian.

"That was one of a hell punch." aniya.

Alanganin akong napangiti. Ngayon lang ata ako nakakilala ng taong nagagawa pang tumawa kahit nasuntok na siya. ang weird talaga ng pamilya namin.

"Lǎobǎn, nǐ hái hǎo ma?" nag-aalalang tanong ng isang binatilyong kakarating lang.

Kaagad siyang lumapit kay Tiya at parang tsini-check kung okay lang siya. Nahiya tuloy ako.

"Shì, wǒ hěn hǎo." sagot ni Tiya sa kanya habang marahang tinatapik ang balikat ng lalaki. "Nǐ wèishéme zài zhè?"

[DGS1] Hired by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon