Keila's Pov
Monday- 6:08am
Hala! Patay! Late na! Kailangan ko nang bilisan mag ayos.
"Keila! Baba na. Kakain na!" Sigaw ni manang
"Opo. Susunod na po"
Naligo na ako at nagayos. Pagtapos ay bumaba na.
Si kuya na lang yung nandun. Pumasok na ata si Jaden. Tsk. Iniwan ako.
"Keila, bat ang tagal mo? Tanghali na oh. Late ka na." Sermon ni tanda--este kuya pala.
"Yung alarm clock, siya may kasalanan. Di ako ginising ng maaga eh." Asar ko kay kuya
"Tss. Baliw." Bulong niya pero rinig ko naman
"Sige kuya alis na ako. Anjan ba yung driver? Tinatamad ako magdrive eh."
"Wala. Day off." Sagot niya
"Ano ba Yan. Lagi na lang day off? Tss. Sige na. Aalis na ako. Bye!"
Nagdrive na ako papunta sa school. Late na ako.
Pero ok lang pala at least walang mga chismosang magbubulungan.
Pagdating ko sa room nandun na yung teacher at si Bella.
"Good Morning maam. Sorry I'm late." Sabi ko
"Okay you may take your seat ms. Chua"
"Thank you ma'am." At umupo na ako dun sa likod katabi ni Bella.
"Bat late ka?" Tanong niya
"Nalate ng gising."
"Aah ok. Nakita mo na ba?" Tanong niya
"Oo naman. Tinag nga sakin diba?"
"Oo nga noh. Eh ano ng plano mo ngayon?"
"Ewan ko pa. Bahala na mamaya kakausapin ko naa lang siya." Sabi ko
"Wait nga Keila, diba Man Hater ka? Paano na yan?" Tanong niya sakin
"Oo nga. Pero wala eh, nangyari na kailangan ko na tong panindigan. Wala muna yang man hater man hater na yan." Sabi ko.
"Aah Alam ko na, mamaya ipamake over mo rin siya- I mean transformation yang parang sayo. Papogiin natin siya lalo. Sayang eh, gwapo naman siya ang kaso lang aay nerd siya." Suggetion ni Bella.
"Oo nga noh, sige mamaya hahanapin natin siya. Anong section ba siya?"
"Section2 pero matalino daw yun sabi nila eh."
*Tinggggtigggtingg*
"Bella na. Tara hanapin muna natin siya." Sabi ko
"Tara sige"
Hinahanap na namin siya ngayon, pinuntahan namin siya sa room niya pero wala daw pinatawag daw sa office. Kaya pinuntahan namin siya dun.
"Nandito pa kaya yun?" Tanong ni Bella.
"Siguro. Hintayin na lang natin lumabas."
Maya maya ay lumabas na nga siya.
"Oh Hi Dean" Bati ko. Pero mukang nakakita ng multo. Gulat na gulat.
"A-aah Hi. A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya
"Hinahanap ka namin eh." Sabi ni Bella
"H-huh? Ako?" Tanong niya
"Oo ikaw, may sasabihin kami sayo. Tara dun tayo sa garden para walang masyadong tao.
Habang papunta kami sa garden, may mga bulung bulungan na naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/39865097-288-k817220.jpg)
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
Novela JuvenilKeila Marie Chua- mayaman, maganda, matalino, sexy, mabait lahat na nasa kanya. Dean James Lee- mahirap, pero matalino din. gwapo sana sya kaso nerd sya kaya binubully. Isang araw nagkatagpo ang kanilang landas pero in a bad way. Pero itong si De...