Keila's Pov
Nandito na kami sa bahay, kumakain na kami kasama din sila Mich at Bella pati si Dean
"Hahaha, eh wala pala talaga yung bruhildang yun eh! Ano sabi niya? Tatalunin ka niya? Hahahaha" Sabi ni Bella with matching tawa tawa pa.
"Hahaha oo nga, taob! Hahha" Nagsanib pwersa pa tong dalawang to
"Hay nako, yaan niyo na yun.Kumain na lang kayo jan" sabi ko. tas etong si kuya naman pansin kong tingin ng tingin kay Mich. Hahha
"Hoy kuya, baka malusaw ah." sabi ko. at ayun ntauhan ata
"H-huh? A-ano? Hindi ah! Kumain ka na nga lang jan. Dami mong dakdak." Kuya
" Oh baby, ano yung sinasabi mo kaninang ieexplain mo?" Tanong ni Mommy
"Aah opo, eto po kasing si Dean..."
"Ano?"
"Di ko po talaga siya totoong boyfriend, ganto po kasi yan, nung nasa mall ako. Nakita ko si Charles, diba po kilala niyo si Charles. Eh kaya ayun po kaya di ko siya totoo—"naputol ang sasabihin ko ng may magsalita .
"Pero po ngayon gusto ko nang totoohanin yung relasyon namin. Ayoko ko na po ng peke, gusto ko po totoo na. Totoong maging girlfriend ko na si Marie. Magagawa ko lang po yun kung papayagan niyo po akong manligaw sa kanya hanggang sa mapasagot ko po siya." W-what? Wala na ba sa katinuan tong si Dean. Pero bakit parang iba yung pakiramdam. Ang sayang marinig, parang tumatalon yung puso ko.
"A-ano?" Tanging sabi ko
"Oo naman iho, papayagan ka naming manligaw sa anak namin. Basta wag na wag mo siyang papaiyakin at sasaktan." sabi ni Daddy
"Tulad ng ginawa ni Charles." dagdag ni kuya. open ako sa kanila eh
"Sure po. Hinding hindi ko po gagawin yun dahil maha— dahil manliligaw niya po pala ako. Hehe"
Ako? NGANGA!!
"Oh ano anak, papayag ka bang magpaligaw kay Dean?" Tanong ni Mommy
"Oo nama— I mean—"
"Oopppss,nadulas na. Bawal ng Bawiin." sabi ni Bella
"Yiiieeeee!!" sabi naman ni Mich
"Tsk. k dat."
"Oh pano ba yan Marie, mula ngayon, manliligaw mo na ako sa gusto at sa gusto mo." sabi niya, ano kayang pagpipilian dun?
"Wow, daming pagpipilian ah." sabi ko
"Hahahaha" tawa nila
——————————————————————-
Dean's Pov
YES!!! yes na yes! First time kong manligaw, sana naman di ako pumalpak sa panliligaw ko sa kanya noh. Basta gagawin ko ang lahat para makuha ko ang matamis niyang OO. Tsk! Corny! Laos na pala yun. Psh.
"Pano po sige mauna na po ako ah." Paalam ko sa kanila
"Sige iho, ingat ka ah." sabi ng mama niya
"Sige po salamat po."
At ayun, umalis na ako dun. Paglabas ko nagsasasayaw na agad ako.
"Psssttt, di bagay saa manliligaw ang ganyang sumayaw." Ay potek! May tao pa pala. Nakakahiya sa kuya niya
"Ayy sorry po." sabi ko
"Hahaha syempre joke lang noh, sige ingat ka pare!"
At nakauwi na ako dito sa bahay namin ng may ngiti sa labi kaya naman nagtaka ang nanay ko.
"Oh anak, bat sobrang saya mo ata ngayon. Nananalo kayo noh? Expect ko na yan." sabi ni nanay
"Hindi lang yun nay!" masiglang sabi ko.
"Oh eh ano pa pala?" tanong niya
"Manliligaw na po ako ngayon ni Marie!" sabi ko
"Huh? Akala ko ba kay Keila ka lang? Nako ikaw ha, di ka Loyal!"
"Nay naman, loyal na loyal kaya ako. Si Marie at si Keila iisa lang. Keila Marie name niya. Tsk" paliwanag ko
"Oh talaga anak? Paano?"
"Simple lang, nagpaalam ako sa magulang niya na liligawan ko siya sa gusto at sa gusto niya" sabi ko
"Hanep yun ah! Daming pagpipilian. Hhaha"
"Oo nga po eh, ganyan manligaw ang mga gwapo."
"Nako ikaw talaga, gudluck na lang. Mayaman pa naman yang liligawan mo."
"Nako din nay, wala pong arte sa katawan yun. Kahit mayaman siya ok lang sa kanya. Di katulad ng ibang mayayaman na maarte diba?"
"Oo nga naman. Sige magpahinga ka na. Kumain ka na ba?" tanong niya
"Ah opo. Sige akyat na ako nay ah"
Hay what a good day nga naman! Sarap sa feelings oh! Maitext muna nga siya.
To: Marie Ko/ Girlfie
Good night Marie KO. Sweet Dreams.
Sending
Sending
Failed to send? Huh? At takte! Wala nga pala akong load. Malas naman oh. Pano ako sasagutin nito kung load lang wala pa ako. Hayssss. Makatulog na nga lang bukas ko na lang siya babatiin. Susunduin ko siya sa kanila. Hahhaa kaya kong makipagsabayan kahit wala akong magagarang kotse na yan.
————————————————

BINABASA MO ANG
My Dream Girl
Fiksi RemajaKeila Marie Chua- mayaman, maganda, matalino, sexy, mabait lahat na nasa kanya. Dean James Lee- mahirap, pero matalino din. gwapo sana sya kaso nerd sya kaya binubully. Isang araw nagkatagpo ang kanilang landas pero in a bad way. Pero itong si De...