Chapter 11- Payong

45 6 0
                                    

Keila's Pov

Nandito kami sa bahay ngayon ni Dean, nagpapractice nung kakantahin namin.

Maganda yung boses niya, infairness. Nakakainlove! Nahiya nga ako biigla nung kumanata siya. Hiyang hiya naman ko diba? Pero maganda rin naman boses ko noh.

"Yaya, padala naman po kami ng pagkain dito." Sabi ko kay manang

"Sige Po."

"Okay dean, mauna ka ng kakanta sakin. Ikaw dun sa unang stanza then next ako. Sabay na tayo dun sa chorus. Basta alternate lang tayo. " Sabi ko

"Okay sige."

"Okay 1,2,3 go. Start." Sabi ko

"If you ever leave me Baby"

Grabe unang line pa langmangha na ako sa boses niya. May talent pala.

"Leave some morphine at my door

Cause it would take whole lot of medication

To realize what we use to have,

We dont have it anymore."

"Keila, ikaw na". sheteng kalabaw! natulala na pala ako dun. nakakahiya.

"A-ah oo nga. Hehe sorry."

At kumanta na rin ako

"Maam ito na po yung pagkain niyo" sabi ni manang.

"Sige po pakilapag na lang po jan manang." sagot ko

"Oh Dean kain ka muna." Alok ko

After naming kumain, nagpractice pa ulit kami ng isa then uuwi na daw siya.

"Sige Marie— I mean Keila una na ako"

"Marie? First time may tumawag sakin nun. Hahah pero oks lang. Sige ingat ka ah. Bye boyfriend—in fake. Hahaha" Paalamko. pero seryoso, sya pa lang tumawag ng marie sakin, haha unique ah.

—————————-

Dean's Pov

Grabe nakakabakla pala pag inlovebabo.

Tapos nakadagdag points pa yung pagkanta niya. Ang ganda ng boses niya. Pero hindi sa nagpifeeling ako ah, mukang may gusto na ata sakin. Natulala kanina eh. Haha yabang! Eh sa gwapo ko ba naman na oh?.

Basta balang araw, mapapasagot din kita Marie. Gusto Marie itawag sa kanya, para ako lang. Eh sabi niya pa kanina ako pa lang daw nakakatawag ng Marie sa kanya? So mas ayus yun! Di na lang kita dream girl, dream girlfriend at dream wife na rin kita. Basta Ikaw langangaking nagiisang dream girl. Alam ko balang araw, masasabi ko din sayo kung gano kita kamahal at hindi na lang tinatago. Hintayin mo lang yun.

"Anak tara kain na tayo, lalim ng iniisip mo ah! Share." Sabi ni mama.

"Ah wala po noh" sagot ko

"Asus, ang anak ko inlove na! Yiieee kanino nak?" sabi ni mama

"Ma naman, tanda tanda niyo na may painlove inlove pa kayo jan." sabi ko

"Syempre nak, nagdaan din naman ako jan noh" Nga naman.

"Haysss, sige na nga po. Si Marie po— I mean si Keila." sabi ko. open kasi ako kay mama eh

"Oh? Si Keila? Bakit nak ano nangyari?" Hay yan, dami nag tanong nyan.

"*hikab kunwari* Naku nay inaantok na ako eh, may performance pa po kami bukas. Kailangan maganda boses ko." sabi ko

"Aah sige anak pahinga ka na pala."



———————————————-

Keila's Pov

Kinabukasan

"okay class, ready na ba kayo sa mga kakantahin niyo? yung mapipili ko dito sila na din yung ilalaban sa 'Campus Singer' so kailangan galingan niyo ha." sabi ni maam

"Patay, kaya ba natin to?" pabulong natanong ko kay Dean na relax na relax lang

"Oo naman, magaling ata yung kapartner ko" sabi niya

"Huh? ako? Oo maganda nga boses ko aminado ako dun kasi totoo naman, pero may iba pang maganda yung boses noh, yun oh sila alexa lalo na si Jessie. " sabi ko

"Chill lang Marie, think positive. Mananalo tayo jan. Lets just do our best. Pero kung di manalo, okay lang. Sa puso ko naman panalong panalo ka na eh" H-huh? a-ano sabi niya?

"A-ano?" tanong ko

"A-aah wala wala, sabi ko basta mananalo din tayo. He-he" sabi niya

"Okay sabi mo eh"

"Ms. Chua at Mr. Lee, come in front. Kayo na."

Okay relax, inhale exhale. Nako! kaya ko— namin pala! Aye Aye Captain! Hahaha

At ayun kumanta na rin kami. Natapos ng walang kaba. Bat ba ako kinakabahan, eh dati naman hindi ah. Aiissshh!

Next ay sila Bella at Eimer. Tss, Tadhana nga naman. Eh crush pa to ni Bella eh. Hahaha. Im sure kilig na kilig na ang lola niyo deep inside!

At sa wakas tapos na rin kaming lahat.

"Okay class, bukas ko na lang iaanounce yung mga nanalo ha. Good Luck!"

*Ringgggg Ringgggg*

Hudyat na next subject na.

(Fast Forward)

Uwian na. Nakakainis umuulan, wala pa naman akong payong. Aisshh!!

"Pano bestie at Mich. Una na ako ah nandito na yung sundo ko eh. May pupuntahan pa kasi kami ni mommy" paalam ni bella

"Sige ingat" sabi ko

"Keila, uwi na rin ako ah. Marami pa kasi akong gagawin eh." paalm naman ni mich

No Choice ako.

"Aahh sige ingat na lang din" sabi ko

Nakakainis wala pa naman akong payong na dala, at low bat pa yung cellphone ko. Pano ako magpapasundo?

Okay, NO CHOICE. Susugurin ko na lang ang malakas na ulan.

Patakbo na ako, medyo nabasa na nga ako eh nang may humila sakin.

"Oh my! Ano ba bigla ka na lan— Dean?" Gulat na tanong ko, pano bigla na lang nang hahatak eh.

"Oh payong, baka magkasakit ka pa." sabi niya

"Huh? Eh pano ka?" tanong ko

"Okay lang ako, mahalaga ay ikaw. Sige na kunin mo na yan. Balik mo na lang bukas. o gusto mo sayo na lang." sabi niya

"Aahh hindi, ibabalik ko to bukas promise. Thank you ah. Sige una na ako. Bye! Thank you ulit!" Paalam ko

"Sige Bye Marie!"

——————————————————————————————————

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon