Keila's Pov
Wala pa kaming klase ngayon, nag announce na may emergency meeting raw, so eto kami ngayon nasa canteen.
kami pa lang ni Bella nandito, si Mich may kinuha sa locker niya. Si dean naman nag cr.
"So ano Bestie, kelan mo nga sasagutin, hihihi excited na ako eh." Kanina pa tanong ng tanong to eh.
"Ikaw na lang kaya yng sumagot sa kanya eh mas excited ka pa kesa sakin eh, suitor mo suitor mo?"
"Sabi ko nga, oh yan na pala si Mich eh" Bella.
"Here oh." at may inabot siyang papel
"Ano to?" tanong ko
"Papel?" Psh, pilosopo
"Basahin mo dali, hihi amy nagbigay lang sakin niyan."
"Eh sayo pala binigay eh, bat binibig-"
"Na pinapabigay sayo."
"Ahh, sabi ko nga babasahin ko na. Sino nagbigay?" tanong ko
"Daming tanong, eh kung binasa mo na lang kaya para malaman mo kung kanino nanggaling at kung ano yng laman." Tss. sungit ha
"Sabi ko nga."
Dear Keila,
Di mo alam kung gaano na kita katagal na inaadmire. Crush na crush, gustong gustong na kita, mahal na nga rin ata kita eh. Di ko alam kung paano sasabihin sayo to kaya eto na lang siguro ang tanging paraan para maiparamdam ko sayo kung gaano kita kagusto/kamahal. Okay na sa akin yung kahit natititigan lang kita ng Malayo, ayos na ako dun. Buo na ang araw ko makita lang kita. Di kita malapitan kasi nahihiya ako sayo na baka mamaya ireject mo lang ako. Gusto kitang ligawan, gusto kitang maging girlfriend pero di ko alam kung paano ko sisimulan. Pero mula ngayon tandaan mo, suitor mo na ako. Sa ayaw at sa gusto mo liligawa kita. Sige hanggang dito muna.
Your Secret Admirer,
T. J.
"Sino si T.J" tanong ko
"Ewan, pero sabi nung nagbigay sakin nyan, pinapabigay lang din aw sa kanya."
"Pero taray best, suitor? Pero di mo naman kilala. Hanep!" sabi ni Bella
"Ano suitor? Sinong nililigawan dito?" singit ni Dean
"May nagbigay ng sulat kay Keila, sinasabi na mula ngayon ay isa na rin daw siya sa suitor ni Keila" sabi ni Mich. eto namang si Bella natulala? ewan ko kung bakit.

BINABASA MO ANG
My Dream Girl
Ficção AdolescenteKeila Marie Chua- mayaman, maganda, matalino, sexy, mabait lahat na nasa kanya. Dean James Lee- mahirap, pero matalino din. gwapo sana sya kaso nerd sya kaya binubully. Isang araw nagkatagpo ang kanilang landas pero in a bad way. Pero itong si De...