Chapter 29 - Mich Story

28 2 0
                                    

Mich Pov

Nandito ako sa kwarto ko ngayon. Nagiisip kung sino bang isasama ko sa guidance sa monday. Nagtataka ba kayo lung bakit wala akong maisama? Simple lang.

Wala kasi akong magulang...



Char. Char lang. Hahaha may magulang po ako. Ang problema, wala na yung atensyom nila sa akin.

Si daddy, sad to say but he's gone. He leave us. No, let me rephrase that, hindi niya ginusto yon. Hindi niya ginustong mamatay, di niya ginustong iwan ako, di niya gustong magkaroon ng sakit. At di niya ginustong ma heart attack. At higit sa lahat, lalong hindi hahayaang maging malungkot ako, pero eto na eh, nababalot na ako sa kalungkutan. Kaya ang dapat kong gawin ngayon ay magpakatatag para sa kanya. Kung iiyak man ako, wala rin tong magagawa. Tss. Kung magpapakamatay ako mas lalong walang magagawa yun. Mas gugustuhin ko na lang mabuhay para sa sarili kong matapang akong babae at hindi susuko sa kahit anong problema. Oha! Ayan ako. Ayan si Michie Maine Mendoza. Ang babaeng ang mga initials ay M.M.M. walang papalag. Daddy ko daw nagpangalan sakin nyan.

And the one and only my present problem is, si mommy.

Paano, nung namatay si Daddy, parang namatay na rin yung kaluluwa niya sakin. Parang hangin na lang ang peg ko. Di na niya ako masyado pinapansin nung magkaroon siya ng kabit na ewan! Mukang tae yung itsura nung lalakeng yun potek! Jusko naman kasi to si mommy eh. Pipili na lang ng ipapalit kay daddy, hindi pa yung medyo kalevel ni daddy. Pero okay na rin yan. Dahil walang sinuman ang makakapalit sa pwesto ng daddy ko. My one and only Daddy.

Laging nasa pagcor si mommy ngayon, pero dati hindi siya marunong magsugal nung buhay pa si daddy, super tino niya. Realtalk. Promise. Pero nang dumating sa buhay niya itong mokong na kabit niya, nagbagi na rin si mommy.

Sorry naman kung galit na galit ako dito sa kabit niya. It's his fault naman eh. Kung ayaw niya sa akin, aba't di ko ipagpipilitan yung sarili ko sa kanya. Mas ayaw ko sa kanya.

**flashback**

Nandito kami sa u.s. Im second year high school pa lang. Ewan ko kila mommy at daddy kung ba't pa kami pumunta dito, ang sabi sakin magbabakasyon lang. Pero malaman laman ko na lang ay in-enroll na ako dito nila daddy. Okay naman ako dun dahil may kaibigan ako diba? Eh dito? MA o-op lang ako sa mga echoserang inglesera dito. Pero Di na ako nakapalag dahil na enroll na nga daw ako diba? Bawal na ipacancel. KAya ayun sinabi ko na lang kila Bella at Keila yung situation. Di naman nawawala comm. namin eh.

Kamamatay lang ni Daddy this past few days kaya ito naglalabas lang ako ng sama ng loob kay Keila at Bella. Nagsskype kami. Todo comfort sila sakin kaya mas lalo tuloy akong napaiyak. Ang swerte ko kasi dahil meron akong mga kaibigan tulad nila. Sila kaya? Swerte rin sakin? Sana. Ayokong maging pabigat sa kanila noh.

"Mich. Tahan na. Malalagpasan mo rin yan. Nandito lang kami oh. " sabi ni Keila.

"O-oo. *sniff* . Sige tulog na *sniff* kayo. Tulog na kayo Bella at Keila. Salamat sa inyo. I really appreciated it. Gabi na dyan oh. Okay na ako. Don't worry about me. Im fine." Sabi ko sa kanila dahil nahihiya na ako. Tska maghahating gabi na rin dun eh. Dito may araw pa.

"No. Hindi kami matutulog hanggat nakabusangot yang mukha mo at di ka pa tumitigil sa pag iyak. Ang pangit mo kaya. Di mo na bagay mich. Hehe" sabi ni Bella. Baliw talaga to eh.

"Haha funny. Sige babye na. Muwah muwah!" Paalam ko sa kanila.

"Okay sige. Basta ingat ka lagi jan ah. Wag mo pabayaan yang payatot mong katawan. Bye." Tss. Mga baliw talaga tong mga to. Oh! I forgot to mention Jessie. Busy daw siya eh. Kaya di siya nakasama sa convo namin. Sila na daw bahala magsasabi kay Jessie.

Nagugutom na ako pero ayaw ko pang kumain, hinihintay ko si mommy. Gusto ko siyang samahan sa lahat ng bagay. Alam kong nagluluksa din siya. Gusto ko mang pasayahin si mommy, di ko alam ang gagawin ako para magawa yun.

Bababa na lang ako, baka dumating na rin si mommy. Ewan ko san siya nagpunta eh.

Then pagbaba ko, nandun na nga siya.

"Hi momm--" naputol ang sasabihin ko dahil " Who is he? Oh God! Yaya! bat kayo nagpapasok ng strangers dito?!" Sigaw ko sa maid

"Dafuck?! Ako stranger? Asa." Sabi nung yabang na lalaki. Sino ba to?

"Maine, listen. He's..." sabi ni mommy

"He's what?"

"Maine, he's my--"

"Oh god! No mommy! No! Don't tell me he's your fucking boyfriend?! No way."

"Maine--"

"Sino ba to? Ha? Babe." Wtf. BAbe?!!!

"What the fuck?! Mom? Are you out of your mind? Mommy naman? Ilang days pa lang nawawala si daddy my kapalit na agad?"

"Maine? Watch your words!" Yan na galit na si mommy

" okay. Kung san ka masaya. Basta huwag na huwag mo na pong ipapakita sakin yang mukang yan. bastos eh."

"Ay put--" sasagot pa sana yung mokong

"Shut up. I'm not talking to you, stranger. Look? I am talking to my mom right? Respeto naman oh." Sabi ko sa kanya ng paasar.

"Maine. Go to your room. Please." Mommy said with her coldly voice.

"Okay mom. Done eating?"

"Yeah. Thank you for the concern."

At umakyat na ako sa taas. Nagtakip ako ng unan at umiyak, di ko na mapigiln eh, kung kanina napipigilan ko pa sa harap nung lalaking yon, ngayon hindi na sasabog pag hindi ko linabas.

**end of flashback**

Di ko na itutuloy iba pang nangyari. YUng tungkol sa pagpapahiya ko dun sa lalaki ni mommy nung time na bunalik pa sa bahay. Ewan ko sang lupalop sa u.s nadukot ni mommy yon. Ang pangit eh. Yabang pa. Tss.

Pupunta ako sa room ni mommy ngayon. Siya na lang papapuntahin ko. Sana pumayag

**toktoktok**

"Come in." Sabi niya

"Hi mommy"

"Oh. Hi Maine. What are you doing here?"

"Aah Mommy.. ah kasi po..."

"Maine, straight to the point. You look? I'm busy."

"Busy? Busy. Busy. Busy. Sa tuwing kakausapin ko po kayo lagi na lang po ayan ang naririnig ko sa inyo. Ang gusto ko lang pong sabihin sa inyo ay sana po kahit isang oras lang ay may time po kayo sa sakin. Pinapapunta po kayo sa guidance. Pero kung di ka naman po pwede, i'll understand. Yun lang po thank you. " tuloy tuloy kong sabi sabay talikod na hinihintay ko ang kanyang sagot but no responce. Mukang hindina nga siya pupunta--







"I'll come. Maine." A-and that three words, makes me happy!

------------------

Bonjour!!

Comment & vote pag may time. Wahahaha. Joke. Its up to you. Thank you!

-pinkyshoe :)

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon