5

2.1K 29 1
                                    

"Now tell me, bakit kailangan mo pang mag sinungaling sa'kin?" Ramdam ko ang galit sa boses niya

Hindi naman ako nakasagot.

"Talagang pinaako mo pa ang anak ko kay Zeus huh? Bakit? Wala ka na bang pera ha?"

"Gago! Hindi ako mukhang pera!" Galit na sigaw ko at padabog na nilayasan siya

Napaka gago! Hindi niya alam kung paano ko protektahan ang anak namin sa demonyong ama ko. Hindi niya alam...

Naluluha nalang akong napahiga sa isang kwarto dito sa bahay niya.

I miss my mom. Ang kaisa-isang taong naging kakampi ko ay iniwan pa 'ko.

"Tanya." dinig ko ang katok niya

Hindi ko naman siya pinagbuksan at mas lalong tumalukbong sa comforter.

"Open this door Tanya, look, I'm sorry okay? Pag usapan natin 'to." mahinahon na ang boses niya ngayon

Wala naman akong nagawa kundi ang pagbuksan siya nang pinto. Inirapan ko lang siya pagkabukas ko at bumalik na sa pagkakahiga.

"I'm sorry..."

Hindi ako sumagot.

"Tell to me please bakit mo tinutukan ng baril ang daddy mo kanina."

"Hindi mona kailangan malaman. Umalis ka nalang"

"Fine. Kapag ready mo ng sabihin sa akin makikinig ako." sambit niya at dinig ko ang yapak niya papalabas ng kwarto

I woke up when I smell something na ikinagutom ko bigla. Amoy kaldereta.

Napakagat ako sa kuko ko nang maramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko.

"Are you hungry baby?" Kausap ko sa tiyan kong may maliit na umbok na.

Nang hindi kona makayanan ang gutom ay bumaba na ako. Agad kong hinanap ang kusina at nakita doon si Carl na nagluluto habang naka topless.

Napatago nang bigla siyang humarap sa direksiyon ko.

"I know you're there. Are you hungry?" Malambing ang boses niya

"No." pagsisinungaling ko, akma na sanang aalis nang maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko

"Hindi kapa kumakain, come, tapos na akong magluto. You're pregnant bawal kang malipasan ng gutom."

Wala naman akong nagawa nang hinila na niya ako sa dining at pinagsandok ako ng pagkain.

"Careful, hindi ka mauubusan." natatawa niyang sabi

"E sa gutom ako, bakit ba." pagsusungit ko at tinuloy ang kain

"You still wearing that hospital gown. After we eat suotin mo muna 'yung damit ko and short. Para makapag palit ka"

"Sabihin mo lang kung magiging pabigat ako dito. Aalis ako"

"No, hindi ka kailanman magiging pabigat dito sa bahay ko kung ikaw naman ang ina ng magiging anak natin."

Parang hindi ako ininsulto kanina ah.

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Hindi mo naman ako lubos kilala." hindi ko maiwasang sambit

"Because you're the mother of our child."

"Kung hindi mo ba ako nabuntis tutulungan mo pa rin ba 'ko?"

"Of course..." Napakunot ang noo ko sa binulong niyang hindi ko naman narinig

Parang bubuyog eh, ang hilig bumulong

"You? Bakit kailangan mo pang ipaako kay-"

"I lost my appetite." walang ganang sabi ko at binaba na ang kutsara't tinidor na hawak ko

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon