9

1.5K 22 1
                                    

"Gusto mo bang mag libot-libot?" Nakangiting tanong ni Carl

Nginitian ko naman siya pabalik at tumango. Hindi ako mapakali sa loob ng bahay kapag nandito ang mommy niya.

"Alright, let's meet Markus."

"Markus?"

"Markus, 'yung alaga kong kabayo." hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami sa bahay

"Magandang umaga senyorito, senyorita." bati ni Kiko sa amin

"Ah, 'wag mo na akong tawaging senyorita. Hindi naman ako amo dito" nahihiya kong sabi

"Let him, ako nagsabi na tawagin kang gano'n" sabi ni Carl

"Nakakahiya, hindi naman ako nagpapa sweldo sa kanila."

"Magiging asawa naman din kita, kaya mag sanay sila." hindi ko maiwasang mamulahan sa sinabi niya

Walang araw talaga akong hindi pinapakilig ng lalaking 'to.

"Hey there Markus, how are you?" Hinaplos niya ang likod ng kabayo

Markus is a white horse, napaka ganda nito.

"Matagal na ba siya dito?" Tanong ko at hinaplos din si Markus

"Yes, since I was three years old. Regalo sa akin ni dad."

"Nasaan nga pala ang dad mo?" Tanong ko

"My dad died when I was seven years old. Pinatay siya ng kaibigan niya. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nahuhuli. At hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya hanggat hindi ako nakakaganti. He fucking killed my dad in front of me. I was so traumatized before" ramdam ko ang galit niya

"I'm sorry for your lost, bakit nagawa ng kaibigan niya 'yon?"

"Dahil sa inggit, my dad is part of the Mafia world. Mas mataas ang posisyon niya sa kaibigan niyang 'yon. Hindi matanggap ng gago kaya gumawa siya ng plano para patayin ang daddy ko."

"Sana mahuli na siya... Grabe din ang sinapit ng dad mo at ikaw."

At kaya din siguro ganoon ang mommy niya. Hindi ko din siya masisisi

Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. At biglang natakam nang may makita akong puno ng mangga.

"Carl, I want that mango." turo ko sa mga hilaw na mangga

"Alright, ipapakuha kita kay Kiko."

"Gusto ko ikaw." ngumuso ako

Narinig ko naman ang pagtawa niya at hinawakan ako sa bewang.

"Sige, let's go there. For you and for our princess."

"Princess?" Takang tanong ko

"Yes, I'm sure that our child is a girl." proud pa siya

"Hindi pa nga natin alam."

"Trust my instincts." kumindat siya at nagsimula na kaming nagtungo sa puno ng mangga

"Be careful Carl, baka mahulog ka." saad ko habang pinapanood siya na umakyat sa puno.

"Don't worry, sanay na ako."

Halata nga. Madali lang niya na akyatan eh

"Umatras ka babe, baka matamaan ka."

Lalaking 'to papatayin talaga ako sa kilig. Babe pa nga

"Tama na, madami na ang napitas mo oh." turo ko sa dala niyang basket na nakasabit sa likod niya

"Baka mabitin ka, isa nalang." pumitas pa siya ng dalawa

Hindi ko maiwasang kabahan nang bumaba na siya. Baka kasi nahihirapan siya, mabigat pa naman ang dala niya. At 'yun na nga ba ang sinasabi ko...

Napatili ako nang mahulog siya. Kinakabahan ko siyang nilapitan.

"Oh my God, are you okay?" nagaalalang tanong ko

"Yes." yes daw pero nakangiwi

"Senyorito!" Dinig kong sambit ni Kiko at nilapitan kami

Nakita ko din ang paglapit ng isang batang lalaki.

"Naku, ayos lang ba kayo?" Inalalayan niya sa pagtayo si Carl

"Ouch."

"Mukhang napilayan ka senyorito. Hali na po tayo sa bahay. Dodong, alalayan mo si senyorita" utos niya sa batang lalaki

"Hi po! Ako po si Dodong" masiglang sabi ng bata

"Hello, ako si ate Tanya." ngumiti ako

"Asawa ka po ba ni kuya Carl?" Tanong niya habang naglalakad kami

"Hindi."

"Eh? Diba po kapag buntis ang babae. Mag-asawa?"

"Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon Dodong."

"Laki ng tiyan mo po." hinaplos niya ang tiyan ko

"Dio mio, what happened to my son?" Nag-aalalang tanong ni tita Carla, pagkapasok namin sa loob ng bahay

"Nahulog po sa puno ng mangga si senyorito, signora."

"Anak, bakit ka naman umakyat sa puno?"

"My girlfriend craves mango."

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon sa akin si tita Carla.

"Bakit hindi nalang kay Kiko ka nagpakuha?"

"Gusto ko ako ang kumuha mom."

"Hay nako, ang tigas-tigas talaga ng ulo mo kahit kailan." sermon niya sa anak

"Ah, saan masakit b-babe? Mamasahiin kita." nagailanlangan pa ako sa pagbigkas

Kapag nasa harap kami ng mommy niya ay kailangan namin umakto talaga na parang mag boyfriend and girlfriend.

"My feet and my arms."

Umupo naman ako sa tabi niya at pinatong sa hita ko ang dalawang paa niya at sinimulang masahiin.

"Dodong hijo, tapos na ba ang klase mo?" Tanong ni tita Carla kay dodong

"Opo signora, ang ganda ng asawa ni kuya Carl."

"They are not married." malamig na saad ni tita Carla

"Bakit po mama at papa ko kasal nang buntis si mama ko? Tapos si ate Tanya buntis pero hindi kasal? Pwede po ba 'yon?" Inosenteng tanong niya

"It's a accidental baby, biglaan ang pabubuntis ni Tanya."

"Mom." suway ni Carl

"Totoo naman, kung hindi mo naman nabuntis ang girlfriend mo wala dito 'yan at sa buhay mo."

"Mom! Kung ayaw mong nandito kami ay aalis kami. Bago pa mabuo ang anak namin ay matagal ng nasa buhay ko si Tanya."

"Hindi ko sinabing ayaw kong nandito kayo. Sinasabi ko lang ang totoo." pagsusungit niya at nag walk out

"Menopause na kasi si signora kaya gano'n. Wag niyo nalang po pansinin, magugustuhan ka din non. May trauma lang 'yon" sabi ni Kiko

"Naiintindihan ko siya, at kaya siguro ganoon siya dahil masyado pa kaming bata ni Carl para mag anak." saad ko at ngumiti

"I was financial stable babe, hindi naman tayo hihingi ng tulong sa kanya."

"Paano mo naman nasabi 'yan? E nag-aaral pa tayong dalawa."

"I own this farm, lahat ng kinikita nito ay sa akin napupunta. I'm the only child kaya sa akin napunta lahat nang mga iniwan ni dad."

Grabe, ang yaman-yaman pala nitong lalaking 'to.

"Tama si senyorito, senyorita. Sigurado na mai-spoil 'yang anak niyo kapag lumbas na."

"Hindi pa nga lumalabas, spoiled na." sabi ko at natawa

"Basta, wag mo nalang pansinin si mommy. Let's enjoy our vacation nalang okay?" Malambing na saad ni Carl

Ngumiti lang naman ako at tumango.

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon