8

1.6K 25 1
                                    

Napahilot nalang ako sa noo ko nang makita ang napakaraming gamit sa sala. Tapos balak pang dagdagan

"Dani, ipasok niyo na ang mga gamit sa nursery room." utos ni Carl sa mga tauhan niya

Sumunod naman ang mga ito at isa-isa nang binuhat ang mga paper bags at boxes.

"Are you tired? Gusto mo bang mag pahinga na?" Tanong niya

"No, I still want to stay here. May papanoodin pa ako." sabi ko

Gustong-gusto ko kasing pinapanood si Phineas and Ferb. Kaya ko atang makatapos ng twenty episodes sa isang araw.

"Alright, kukuha kita ng milk mo at prutas." saad niya at umalis

Ako naman ay sinindihan na ang tv at binuksan ang Disney plus para manood na. Napapangiting napahawak sa tiyan ko nang maramdaman ang pagsipa ni baby.

"Here, drink your milk." bigay niya sa gatas, kinuha ko naman 'yon at ininom

At hindi ko inasahan ang sinunod niyang ginawa. Hiniga niya ang ulo niya sa hita ko and he face my belly.

"W-what are you doing?" I awkwardly asked

"Let me." saad niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa tiyan ko

Hindi tuloy ako makagalaw ng ayos.

"Hello there my little baby, daddy is excited to see you." malambing na sabi niya

Napangiti ako ng palihim.

Hindi na ako dapat na mag-alala pa anak. I'm sure your daddy will gonna protect you. He loves you

"Why are you doing this to us?" Hindi ko maiwasang tanong

Tumayo siya sa pagkakahiga, at malumanay akong tinignan.

"I already said this to you... I'm doing this for your safety and for the safety of our child."

"Then why you need to act sweet to me? I don't understand you. You kept giving me a mixed signals na hindi ko alam kung bakit."

Napabuntong hininga siya, at parang may dumaan na daang kuryente sa pagitan namin nang hawakan niya ang kamay ko.

"I thought you knew already... The meaning of that sweet gestures is my way to make you feel how much I love you. Understand now?"

Hindi naman ako nakasagot, pilit isini-sink in sa sarili ko ang mga sinabi niya.

He love me...

Gusto ko din sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. I don't want him to give hope, masasaktan ko lang siya.

"I'm waiting for your answer."

"I-i'm sorry... I don't love you." I lied

God knows how much I love him. Pero hindi pa ito ang panahon.

"Let me, ayahan mo akong mahalin ka. Kahit ako nalang, sanay naman na ako na ako lang ang nagmamahal... Sanay na ako sa paghahabol sa'yo"

"I'm really sorry." kusa nalang akong naiyak

"Don't be, ako ang may gusto ng lahat ng 'to. Please... Wag ka lang lumayo sa akin. God knows kung paano kita hinintay ng matagal. Minahal kita ng palihim dahil wala naman akong karapatan sa'yo noon. You love someone." umiiyak na siya ngayon

Pero ikaw na ang mahal ko ngayon... Gusto kong sabihin sa'yo kung gaano kita kamahal. Sa ngayon ay ako muna ang mag mamahal sa'yo ng patago. Let's wait the right time, at kapag dumating na ang panahon na maayos na ang lahat ay ako mismo ang lalapit sa'yo at sasabihin kung gaano kita kamahal.

"Do you want to go on a vacation?" Malambing na tanong niya sa'kin

Weeks after he confessed to me ay mas lalo siyang naging sweet sa akin. Inaayahan ko naman siya, I want to be comfortable to him.

"May pasok ka pa sa school."

"It's sembreak, where do you want to go?" Hinawakan niya ang kamay ko

"Gusto kong pumunta sa farm, parang masarap ang simoy ng hangin doon."

"Alright, let's get ready." nakangiti niyang sabi

Bigla akong nakaramdam ng excitement kaya agad akong kumuha ng bag at nag impake.

Gonza's Farm Land

"Sa inyo 'to?" Manghang tanong ko pagkadating namin sa main gate. Kita sa ibabaw ng malaking gate ang name ng farm

"Yes, let's go?" Nakangiti niyang nilahad ang kamay niya sa'kin.

Nakangiti ko namang tinanggap 'yon at pumasok na kami. Manghang-mangha ako sa bawat nadadaanan namin

"Senyorito! Maligayang pagbabalik!" Bati ng mga tao

"How's your work everyone?"

"Maayos at masaya senyorito."

"Kiko, pakikuha ang mga gamit namin sa sasakyan please." utos niya sa isang lalaki

Naglakad na kami patungo sa napakalaking bahay.

"Figlio! Mi sei mancato tanto" hinalikan niya sa pisngi si Carl

"Mom?" Takang tanong ni Carl nang sumalubong sa amin ang isang supestikadang babae

"Don't you miss your mother?" Tila nag tatampo pa ito.

"Of course I missed you too mom, hindi ko lang inaasahan na nandito ka. You said next month ka pa makakauwi."

"I missed this farm, kaya umuwi ako."

"Meet Tanya mom, my girlfriend."

Girlfriend?!

"She's pregnant..." Hindi ko naiwasang mahiya nang parang nang iinsulto niya akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Yes, I'm the father. And mom wag mong tignan ng ganyan si Tanya."

"Are you sure that you're the father?"

"Mom!"

"You can't blame me son, ang dami nang lumapit na mga babae sa akin. Sinasabi na buntis at ikaw ang ama." tumawa pa ito

Mukhang babaero 'tong lalaking 'to ah. At mukhang hindi ako gusto nitong mommy niya. Tingin palang parang tatapakan ako eh

"What's your full name? And how old are you?"

"Ah, I-i'm Satania Kim Villaflor po. 19 years old po" magalang na sagot ko

"Villaflor... Are you related to Akiro Villaflor?"

"Hindi po."

"Anak, ito bang girlfriend mo ay sa bahay mo nakatira?"

"Yes, kaya please be nice to her. Maselan ang pagbubuntis niya"

"Hindi naman." sabi ng mommy niya at iniwan kami

"Don't mind her, ganoon lang talaga siya. Pero mabait" nginitian niya ako

"Ayaw 'ata ako ng mommy mo" mahina kong sabi

"Hayaan mo siya, hindi naman siya ang magde-desisyon sa buhay ko. And always remember that I love you okay?" Hinalikan niya ang likod ng kamay ko

"Thank you... Thank you for everything." ngumiti ako

Sino bang hindi mahuhulog sa isang John Carl Gonza? Ako kasi hulog na ako, mas lalo pa akong nahulog

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon