7

1.6K 29 1
                                    

"Tanya!"

Napatingin ako sa taong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Laila, paano kayo nakapunta dito?" Takang tanong ko

"Pinilit namin si Carl, you know we missed you so much." sambit naman ni Tammy

"Yes, wala naman magagawa 'yon." Rein said and smiled at me

"I missed you guys so much, ang tagal din natin hindi nagkita."

"Ang laki na ng tiyan mo sis, ilang months na ang inaanak namin?" Tanong ni Laila, pagkaupo namin lahat sa sofa at hinaplos ang tiyan ko

"Four months."

I still have six months left...

"One month nalang malalaman na natin ang gender ni baby!" Rein excitedly said

"I hope it's a girl, para may kasama na tayong maliit kapag nag sa-shopping." sabi naman ni Tammy

"Girls, kumain na ba kayo?" Napatingin kami kay Carl na kakapasok lang

"Hindi pa, bakit papakainin mo kami?" Laila asked

"Yes, Vien, please cook some food for our visitors." sambit niya at lumapit sa akin

"Hey, are you craving for something? Hmm?" He calmly asked and rubbed his hand on my belly

"No." tipid na sagot ko

Sa loob ng apat na buwan na nagsasama kami dito sa bahay niya ay sweet siya palagi sa akin. And every day he will do that sweet gestures to me. I can't help to have a feelings for him. Pero siya hindi ko alam, hanggang mixed signals lang siya. At pilit ko nalang pinapasok sa isip ko na baka pag papanggap lang ang lahat sa kanya dahil maselan ako sa pag bubuntis.

"Sis, natulala ka diyan?" Nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Laila

"I'm sorry, may iniisip lang ako." ngumiti ako ng tipid sa kanila

"Excuse me, I will just answer this call." paalam ni Carl at tumayo

"Anong plano mo kapag nakapanganak kana? Are you planning to go back to school?" Tammy asked

"I don't know, we're still not safe. Hindi ko alam baka nasa gilid gilid lang si dad. I'm still afraid"

"Tuluyan na talagang nabulag sa pera ang daddy mo. Kahit sarili niyang anak ay kaya niyang ibenta para sa sarili niyang kapakanan." Rein said

"Ayst, wag na nga muna natin pag-usapan 'yan. I'm sure may gina-"

"We're sure na makakarma din 'yang demonyong ama mo." putol ni Laila sa sasabihin ni Tammy

"May naisip ka na bang pangalan ni baby?"

"Sa ngayon wala pa, hindi ko pa naman alam ang gender niya."

"Ma'am, nakahanda na po ang mga pagkain." sabat ni Vien

"Girls, let's go" Sabi ko at tumayo

Pagkadating namin sa dining ay nakita namin si Carl doon. Inalalayan niya akong maupo, and then he seat beside me. Ipinagsandok pa ako nito ng pagkain.

"Ang sweet mo naman, may gusto ka ba dito sa kaibigan namin?" Nakangising tanong ni Laila

"Lai, stop it." suway ko sa kanya at pasimpleng nilingon si Carl na nakangiti lang

"Let's go to the mall?" Pagaaya ni Rein after namin kumain

"Alam mo namang delekado ang buhay ni Tanya, mag-aaya ka sa mall." Laila said

"Ay, oo nga pala."

"You can, may magbabantay naman sa inyo. At sasama din ako."

"Taray! May bodyguards" Tammy said

"Gusto mo bang mamasyal?" Tanong niya sa akin

Matagal-tagal na din simula nang huli ako nakalabas. At bibili na din ako ng gamit para kay baby. Ang ama niya ang mag babayad, wala akong pera.

"Yes, may kailangan din naman akong bilhin." sagot ko

"Alright, let's dress up." ngumiti siya at inalalayan akong tumayo

Pagkahatid niya sa kwarto ko ay naghanap na ako ng susuutin ko. And I wore the white floral dress and flat sandals. Pagkatapos ay in-half ponytail ko ang buhok ko.

"Hindi ako sanay na nagde-dress ka ng ganyan sis." natatawang sabi ni Laila

Hindi naman talaga ako nagsusuot ng wide dress. Palaging suot ko ay 'yung palaging hapit sa katawan ko.

"Let's go, sumabay na kayo sa amin. 'Yung van na ang dadalhin natin." sabi ni Carl

Lumabas na kaming lahat sa bahay at isa-isang sumakay sa exclusive van niya. Hindi siya ang mag d-drive ngayon.

"Ang ganda nito para kay baby, sis" sabi ni Rein at inabot sa akin ang pang unisex na white cream onesies.

Pagkadating namin ay sa baby section talaga ang una namin pinuntahan.

"Masyadong malaki, kuha ka nong extra small."

Tumango naman siya at bumalik kung saan niya kinuha 'yon. Tinignan ko naman si Carl na busy sa pagtingin sa mga laruan. Ang dami na niyang nakabit sa cart namin. Kanina ko pa siya pinipigilan na tama na, kaso ayaw mag pa awat. Kaya inayahan ko nalang siya

"Tanya, may napili ka na ba?" Tanong niya

"Wala na akong pagpipilian, nakuha mo na lahat eh. Atyaka, tama na ang mga 'yan. Sandali lang naman magagamit ni baby." sabi ko

"Parang kulang eh."

"Anong kulang? Puno na 'yang big cart oh." turo ko sa cart

"Tapos na kami." sambit ng tatlo

Isa pa 'tong tatlo, tig-iisa sila ng mga cart. At lahat ng 'yon ay puno

"Gosh, bawasan niyo ang iba. Hindi naman lahat 'yan ay magagamit." imbis na matuwa ay na stress ako

Napakadami talaga, halos 'yung iba pang zero month old. Meron naman na mga laruan, pero matagal pa bago magamit ng anak ko ang mga 'yon."

"No, ayos na ang mga 'to. Let's go, mag babayad na tayo." saad nila at nauna nang pumunta sa cashier

Napailing nalang ako at sumunod na kami ni Carl.

"Baka mag papaiwan na kami sis, goodbye Tanya. See you again next week, bye bye baby." paalam nila at isa-isa pang hinaplos ang tiyan ko

"Bye girls, thank you." nakangiti kong sabi

"You're always welcome, for you and for our inaanak. Bye una na kami, hoy Carl ingatan mo ang kaibigan namin. Malilintikan ka sa akin kapag nalaman kong umiiyak 'yan." parang nanay na sinermonan ni Laila si Carl

"Of course."

"Osya, muuna na kami." Tammy said at umalis na sila

Kami naman ni Carl ay sumakay na sa van. At nag biyahe na pauwi

You see anak, hindi ka pa lumalabas dito sa mundo. May nagmamahal na sa'yo



Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon